Final Complete Test

Upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin, ano ang dapat mong gawin sa iyong preno?
Pumreno ng maayos
Pumreno ng madalas
Pumreno ng biglaan
Ano ang gagawin mo kung ikaw ay paparating sa interseksyon at ang ilaw pantrapiko ay naging dilaw mula sa kulay na berde?
Magpatuloy sa iyong kasalukuyang bilis
Tumigil, kahit na nasa interseksyon
Tumigil bago ang interseksyon o bago ang linya sa paghinto
Sa krus na daan walang mga babala o marka sa kalsada. May dalawang sasakyan na paparating, alin ang mas may prayoridad?
Ang mas mabilis na sasakyan
Ang sasakyan na may mas maluwag na daan
Wala
Alin sa mga traffic light ang nagsasabi sa iyong maghanda sa paghinto?
Dilaw
Berde
Pula
Kapag papalapit sa isang crosswalk o linya ng taong naglalakad, dapat kang
Bumusina nang huminto sa pagtawid ang taong naglalakad
Huminto at maghintay sa taong naglalakad
Bilisan ang iyong bilis
Ano ang dapat mong gawin kung nais mong bagalan ang takbo o huminto?
Bumusina para magsenyas sa harap ng sasakyan
Tapakan ng bahagya ang preno upang umilaw ang brake light
Manatili sa iyong lane at saka huminto
Kung kailangan mong magsuot ng salamin sa mata upang makakita ng malinaw, kailan mo dapat ito isuot kung ikaw ay nagmamaneho?
Sa mga hindi magandang panahon
Sa gabi
Sa lahat ng oras
Ano ang pinakamabuting gawin kung ikaw ay inaantok habang nagmamaneho?
Buksan ang radyo nang napakalakas
Magmaneho ng higit na mabilis
Huminto sa tamang pahingahan at magpahinga
Ano ang dapat na haba ng saddle box o bag?
Ang haba ay HINDI dapat lalampas sa dulong bahagi ng likuran ng 6 na pulgada
Ang haba ay HINDI dapat lalampas sa dulong bahagi ng likuran
Ang haba ay HINDI dapat lumampas sa upuan ng motorsiklo
Bakit nakapinta ang rumble strips sa kalsada?
Upang matulungan kang mapanatili ang tamang distansya ng paghihiwalay
Upang tulungan kang pumili ng tamang linya
Upang malaman mo ang iyong bilis
Ano ang ibig sabihin ng kumukurap kurap na pulang ilaw trapiko?
Ipagaptuloy ang pagmamaneho, sira ang ilaw trapiko
Huminto at magpatuloy lamang kung ligtas
Maingat na magpatuloy
Sa alin mga sitwasyong maaring gamitin ang telepono habang nagmamaneho ng sasakyan?
Kung ito ay isang mahalagang tawag
Kung magaan ang trapiko
Wala sa itaas
Ang taong may kapansanan ay maaring magkaroon ng lisensya sa pagmamaneho kung:
Nakasulat sa lisensya ang kanyang karamdaman
Nakasulat sa student permit ang kanyang karamdaman
May kasamang kualipikadong nagtuturo
Hindi ka dapat gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho ng motorsiklo dahil:
Mahina ang sagap ng mobile phone kung bukas ang makina ng motorsiklo
Maapektuhan nito ang electronic system ng iyong sasakyan
Ito ay ipinagbabawal ng batas at nakakasagabal ito sa atensyon habang nagmamaneho
Ayon sa RA 10666, alin sa mga sumusunod ang nagbabawal sa drayber na mag angkas ng bata?
Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 40km per oras
Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 50km per oras
Kung ang itinakdang bilis ay higit sa 60km per oras
Ang traffic sign na ito ay nagsasabing magbigay ng karapatan sa daan
Baligtad na tatsulok
Patayong tatsulok
Hugis parihaba na may pulang border
Ano ang maksimum na sukat ng pinasadyang top box ng motorsiklo?
3ft x 3ft x 3ft
2ft x 2ft x 2ft
1.5ft x 1.5ft x 1.5ft
Ang sasakyan sa harapan mo ay nagdidilaw na ilaw. Ang ibig sabihin nito ay:
Sira ito
Mabagal na paggalaw
Kotse ng doktor
Ano ang ibig sabihin ng End 60?
Bawal pumasok ang mga sasakyang 30 taon ang edad
Pinakamababang itinakdang bilis
Katapusan ng pinakamataas na itinakdang bilis
Sa rotonda, alin ang may karapatan sa daan?
Ang sasakyang nakaharap sa berdeng ilaw
Ang sasakyang papasok pa lamang sa rotonda
Ang sasakyang nasa paligid ng rotonda
Maari kang mag overtake sa highway kung ito at may dalawang lane na may:
Putol putol na puting linya
Tuloy tuloy na puting linya
Tuloy tuloy na dilaw na linya
Aling lane ang dapat mong piliin matapos kang lumiko pakanan mula sa interseksyon patungong one way street?
Manatili sa pinakakanan na lane
Manatili sa pinakaloob na lane
Manatili sa gitna ng kalsada
Sino ang partikular na hindi kasama sa RA 10666?
Batang nangangailangan agad ng atensyon medikal
Batang kailangang pumunta sa paaralan
Lahat ng nabanggit
Kung kakaliwa, saan dapat nakaposisyon ang iyong motorsiklo?
Sa pinakamalapit na kurbada ng highway
Sa pinakamalapit sa gitna ng highway
Sa pinakamalapit sa gilid na linya ng highway
Ano ang gagawin mo kung ikaw ay dumating sa interseksyon na may sirang mga signal pantrapiko?
Ipagpalagay na ang interseksyon ay nakasenyas ng hinto sa lahat ng direksyon
Bilisan ang takbo
Bagalan ang takbo at hintayin ang traffic enforcer
Ano ang ibig sabihin ng dilaw na ilaw pantrapiko?
Humanda sa paghinto
Huminto kapag nagpalit ng pula
Huminto kung kinakailangan
Gamit ang backbone na motorsiklo, aling stand ang kailangan mong gamitin kung ikaw ay paparada nang magdamag?
Stand sa gilid
Cross stand
Stand sa gitna
Ano ang dapat mong gawin sa kumikislap na dilaw na trapikong ilaw?
Ang signal na ito ay nagsasabi na hindi ka makakaliko sa sangandaan kaya dumiretso ka lang
Magmaneho ng maingat; para itong Give Way sign
Huminto, magbigay daan at magpatuloy kapag ligtas
Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo ang berdeng ilaw trapiko?
Magpatuloy
Maghintay sa pulang ilaw
Magpatuloy kapag walang sagabal sa kabila
Sakaling may nakabanggaan sa kalsada na kinakasangkutan ng isang tao, ano ang una mong dapat gawin?
Huminto, suriin ang sitwasyon at bigyan ng nararapat na tulong ang taong nabangga
Humanap ng ligtas ng lugar na paparadahan ng iyong sasakyan
Tumawag ng pulis o kamag anak para sa iyong seguridad at kaligtasan
Kung ang plaka ng iyong sasakyan ay BNY 104, kailan mo dapat irenew ang rehistro upang maiwasan ang multa?
Hanggang ika 19 na araw ng ikalawang buwan ng taon
Hanggang ika 9 na araw ng ikalawang buwan ng taon
Hanggang sa huling linggo ng ika apat na buwan ng taon
Ang isang putol putol na puting linya sa dalawang daan na kalsada ay:
Pagdaan o pag overtake ay maaring gawin sa kahit anong oras
Walang mag oovertake
Naghahati sa trapiko na gumagalaw sa magkabilang direksyon
Ano ang iyong dapat na gawin kung ikaw ay papasok sa lugar na maraming ginagawang kalsada na pansamantalang ipinagbabawal ang pag overtake?
Sundin lamang ang senyas kung rush hour
Sundin ang senyas ayon sa nakasulat
Sundin lamang kung ang traffic enforcer ang naka duty
Ayon sa batas, ano ang dapat mong gawin sa sandaling makarating sa isang interseksyon na may senyas na huminto?
Bagalan ang takbo at dumiretso kung ligtas itong gawin
Magbigay ng daan kung kinakailangan sa mga paparating na sasakyang nanggagaling sa kaliwa na kakanan
Huminto at dumiretso kung ligtas na itong gawin
Ano ang dapat mong gawin kung ang riles ng tren ay walang babala o warning devices?
Bilisan ang takbo at tumawid ng mabilis subalit huwag kalimutang suptin ang helmet
Huminto sa layong 15 talampakan sa riles ng tren, lumabas sa sasakyan, lumakad sa loob ng riles at suriin kung maluwag ang trapiko
Bagalan ang takbo, suriin ang kaliwa o kanang bahagi ng riles ng tren, at mag ingat na magpatuloy kung maluwag ang trapiko
Ang mga mandato ng LTO ay magrehistro ng mga sasakyan na emission compliant at karapat dapat na gamitin, magbigay kaayusan sa kalsada at
Panatilihin ang kalinisan sa kalsada
Bigyan ng lisensya ang mga dekalidad na drayber
Gumawa ng patnubay na may kinalaman sa prangkisa ng mga sasakyang publiko
Kailan mo dapat suriin ang lebel ng langis ng iyong makina?
Kada 600 km
Bago ang mahabang lakbayin
Umagang umaga
Ang traffic signs na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas at regulasyong pantrapiko na kung hindi papansinin ay ituturing na paglabag ay tinatawag na:
Regulatory signs
Warning signs
Informative signs
Ang paglikong signal na ilaw ay dapat gamitin kapag:
Nagmamaneho ng maayos
Ipaparating ang iyong intensyon sa mga drayber na nasa paligid mo
Dapat kang bigyan ng daan
Ang paggamit ng mobile phone habang nagmamaneho ay delikado at
Ito ay labag sa batas at lahat ng saklaw sa batas
Ito ay labag sa batas maliban na lamang kung ginagamitan ng hands free device
Maari kung nakahinto ang sasakyan dahil sa traffic light sa interseksyon
Ang dobleng buong dilaw na linya ay
Ay hindi dapat tawiran kailanman
Ay hindi dapat tawiran maliban kung may pag iingat
Wala sa pagpipilian
Sakay ng manual clutch backbone na motorsiklo, may asong biglang tumawid sa iyong daan. Aling paa ang dapat mong gamitin upang matamo ang maksimum na preno upang hindi masagasaan ang aso?
Kaliwa
Kanan
Pareho
Ano ang kulay ng traffic light na nagsasabing GO o maari ka nang umandar?
Asul
Berde
Dilaw
Ang dobleng putol putol na puting linya sa kalsada ay nangangahulugang:
Ipinagbabawal ang pag overtake sa kalowang bahagi ng kalsada
Ipinagbabawal ang pag overtake sa kanang bahagi ng kalsada
Pinapahintulutan ang pag overtake sa kaliwa o kanan na bahagi ng kalsada kung walang panganib
Ano ang ibig sabihin ng dilaw na ilaw pantrapiko na kumukurap kurap?
Bagalan ang takbo at magpatuloy kung walang panganib
Hintayin lamang maging berde ang ilaw
Huminto at hintayin ang pulang ilaw
Alin sa mga nabanggit ang hindi nililimitahan ang bilis ng takbo?
Mga drayber na umiiwas mahuli
Mga doktor o kanilang drayber na tutugon sa emergency
Mga drayber na matataas na opisyal ng gobyerno
Pinapahintulutang pumarada ang isang sasakyan kung:
Lampas 4 na metro sa boka insendiyo o fire hydrant
Sa loob ng 3 metro ng interseksyon ng mga linyang kurbada
Sa loob ng interseksyon
Ang traffic sign na "No Parking" ay nangangahulugan na:
Maaring pumarada sa pasubaling ang minamaneho mo ay pribadong sasakyan
Hindi pwedeng huminto nang sandali kung hindi ay huhulihin dahil sa pagwawalang halaga sa traffic sign
Maaring huminto sandali upang magsakay o magbaba ng mga paninda o pasahero at hindi dapat na nakakasagabal sa mga sasakyan
Ano ang dapat na kulay ng blinkers para sa mga mahahabang sasakyang mababagal ang takbo?
Asul
Dilaw
Pula
May biglang tumawid sa kalsada nang aandar ka na. Ano ang gagawin mo?
Bumusina ng isang beses at hayaang tumawid ang tao
Maghintay hanggang sa makatawid ang tao
Paatrasin ang taong tumatawid
Sa mga rotonda, alin sa mga sumusunod na mga sasakyan ang mayroong Right Of Way?
Ang sasakyan na nakaharap sa berdeng ilaw
Mga sasakyan na papasok palang
Mga sasakyan na nasa rotonda
Ayon sa RA 10666, ang bata ay maaaring sumakay sa motorsiklo kung siya ay nakasuot ng standard protective helmet, komportableng naabot ng mga paa ang standard foot peg at
Nakakapit ang bata sa rider's seat handle
Nakakahawak sa balikat ng drayber
Nakakayakap ng 360 degrees sa baywang ng drayber
Hindi ka maaring bumusina maliban na lamang kung:
May mga umaandar na sasakyan na maaring magdulot sa iyo ng kapahamakan
Kailangan mong agawin ang pansin ng traffic enforcer
Magbigay ng senyales na ikaw ay paparating
Ang aksyon na ito ay maaring magdulot sa iyo na mapasagadsad at mawalan ng kontrol kapag gumawa ka ng biglaang paglipat lalo na sa basa at posibleng madulas na kalsada.
Hindi tamang pagpepreno
Lumilikong mabagal
Akselerasyong napakabagal
Ang panuntunan sa Right Of Wat ay nagbibigay ng:
Pangunahing karapatan bilang mga drayber
Mga batas kapag nagbigay daan sa iba
Lahat ng nabanggit
Ang angkop na senyas kung liliko sa kaliwa ay:
Ang braso at kamay ay nakaunat pakaliwa
Ang kaliwang kamay ay nakaturo sa itaas
Kaliwang kamay na nakababa at nakaturo sa lupa
Kailan ka dapat magsignal kung ikaw ay liliko pakanan?
Habang lumiliko
Pagkatapos lumiko
Bago lumiko
Kapag ginagamit ang pangunahing batas sa bilis bilang gabay, ang pagpili ng bilis ay nakadepende sa:
Bilis ng sasakyan na minamaneho
Kasanayan ng drayber
Lahat ng nabanggit
Ang paglipat ng linya sa sangandaan ay:
Napakaligtas
Ligtas
Hindi ligtas
Ang bilis ng pagmamaneho mo sa gabi ay dapat nakadepende sa:
Pisikal at mental na kondisyon at husay ng drayber
Kakayahan ng sasakyan at lagay ng panahon
Lahat ng sagot
Kapag naka enkuentro ka sa daan ng mga sasakyang pang-emergency kagaya ng ambulansya, fire truck na sumisirena, ano ang dapat mong gawin?
Huwag mo silang pansinin
Magbigay daan sa pamamagitan ng paggilid sa kanan o kaliwa
Harangan ang kanilang daanan
Hindi ka dapat gumamit ng mobile phone habang nagmamaneho:
Dahil mahina ang pagtanggap kapag umaandar ang makina
Dahil makakaapekto ito sa mga electronic system ng sasakyan
Dahil maaring makasagabal ito sa iyong atensyon
Habang nagmamaneho gusto mong lumiko pakaliwa sa minor na kalsada. Paano ang gagawin mo?
Manatili sa gitna ng daan
Magmabilis na lumipat
Huwag magmadali at ayusin lamang ang paglipat
Ano ang ibig sabihin ng isang paunang babala na may riles ng tren?
Upang bigyan ng babala kaugnay ng bilis ng kanilang takbo
Upang balaan ang mga motorista na Hindi sila maaring pumarada anumang oras
Upang balaan ang mga motorista na may riles ng tren sa unang bahagi ng kalsada
Ang sasakyan ay nakaparada kapag:
Hindi gumagalaw ang sasakyan habang nagsasakay ng pasahero
Hindi gumagalaw ang sasakyan habang nagbababa ng pasahero
Ang sasakyan ay hindi gumagalaw habang patay ang makina
Aksidente kang nakabangga ng taong naglalakad. Ano ang unang dapat mong gawin?
Tulungan ang taong naglalakad
Maghanap ng ligtas na lugar para pumarada
Tumawag ng pulis
Maiiwasan at mababawasan ang mga aksidente sa kalsada kung:
Hindi binabale wala ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko
Ganap na binabale wala ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko
Hindi pinapansin ng mga drayber ang mga senyas pantrapiko sa mga partikular na lugar
Sa anong pangyayari maaring pumarada sa harapan ng pasukan ng ospital?
Kapag sumusundo ng pasyente
Wala
Kapag empleyado ka ng ospital
Ang kulay berdeng traffic light aa interseksyon na nangangahulugang:
Pinahihintulutang tumawid ang mga tao sa lahat ng tawirang pantao
Hindi pinahihintulutang tumawid ang mga tao sa lahat ng tawirang pantao
Ang mga sasakyan sa kabilang kalsada ay nakahinto
Ang mga linya, simbolo, at mga salitang nakapinta sa kalsada ay tinatawag na
Mga traffic signal
Pavement markings
Traffic hazards
Kumpletuhin ang tamang pahayag: Hindi mo dapat gamitin ang busina kapag ang iyong sasakyan at nakatigil
Maliban kung ang isang gumagalaw na sasakyan ay maaring maging sanhi ng panganib
Maliban kung ito ay ginagamit lamang nang saglit
Maliban sa pagbigay na senyales na nakarating ka na
Kung balak mong bumagal o huminto, dapat mong:
Bumusina
Tapakan ang iyong preno nang magaan upang buksan ang mga ilaw sa preno
Manatili sa iyong linya pagkatapos huminto
Ang kumikislap na dilaw na ilaw ay signal na nagpapahiwatig na dapat:
Bagalan ang takbo at magpatuloy kapag ligtas
Ipagpatuloy ang kasalukuyang bilis
Magmabilis
Paano ka naapektuhan ng alak?
Pinabibilis nito ay iyong reaksiyon
Pinabubuti nito ang iyong koordinasyon
Pinapababa nito ang iyong konsentrasyon
Magkano ang parusa para sa pangalawang opensa ng RA 10666 Children's Safety on Motorcycle Act of 2015?
1,000
5,000
7,000
Ang pagmamaneho ng higit na mabilis sa itinakdang bilis ay:
Pinapayagan lamang kung mag oovertake sa isa pang sasakyan
Pinapayagan lamang kung ang ibang sasakyan ay magpapatalbo ng higit na mabilis sa itinakdang bilis
Ito ay ipinagbabawal ng batas maliban na lamang kung may emergency
Ang traffic light ay nagpalit mula sa berde padilaw habang pasangandaan ka. Ano ang dapat mong gawin?
Magpatuloy lang sa iyong kasalukuyang bilis
Huminto kahit na nasa sangandaan
Huminto bago magsangandaan
Ano ang dapat gawin ng isang drayber kung siya ay dadaan sa isang kalye na maraming tao na tumatawid?
Bagalan ang takbo, maging alerto o maingat at tingnan kung ligtas ang pagdaan
Magpatuloy sa normal na bilis ng takbo
Bumusina at pailawin ang mga headlights
Alin sa mga sumusunod ang gawaing paglabag sa pavement markings?
Pagbusina
Biglaang pagbagal ng takbo habang naka berdeng ilaw
Paghinto at pagbaba ng mga pasahero sa tawiran ng tao
Ano ang magiging resulta ng hindi pagpatay ng signal light matapos lumiko mula sa interseksyon?
Makakapagpalito sa lahat ng mga nasa daan
Makakapagpalito sa lahat ng mga motorista
Makakapagpalito sa mga tagapagpatupad ng batas pantrapiko
Ang U turn ay ginagamit para baguhun ang direksyon. Alin sa mga sumusunod ang pinapayagan?
Kung saan walang U turn sign na nakalagay
Sa one way na kalye
Kung walang sasakyan na paparating sa kabilang panig na magreresulta ng sagabal o masamang aksidente
Ang mga signal sa pagliko ay dapat gamitin
Bago umalis sa interseksyon
Habang patungo sa interseksyon
Bago lumiko sa interseksyon
Sino ang responsable para siguraduhing hindi sobra sa dami ang nakasakay ng sasakyan?
Ang drayber ng sasakyan
Ang nagpapasakay sa sasakyan
Ang may ari ng sasakyan
Kapag kailangan mo ng salamin sa mata para makakita ng maayos, kailan mo dapat ito isuot?
Sa pangit na panahon
Sa mabigat na daloy ng trapiko
Kapag nagmamaneho
Ang drayber ng motorsiklo ay dapat laging nag iingat. Upang magawa ito, sila ay nangangailangan na nakasuot ng:
Mga helmet na laan sa trabahong pang konstruksyon
Standard protective helmets
Sombrero ng police o gloves
Ano ang maksimum na parusa para sa paulit ulit na paglabag sa RA 10666 o Children's Safety on Motorcycle Act?
Pagkakabilanggo ng anim na taon
Multang 50,000
Pagbawi ng driver's license
Sa panahon ng pagkakasakit, ang iyong kakayahan sa pagmamaneho ay maaring humina. Nararapat na ikaw ay:
Uminom lamang ng mababang dose ng anumang uri ng gamot sa lahat ng panahon para masigurado ang kaligtasan
Laging bisitahin ang iyong doktor bago magmaneho, lalo na sa mahahabang byahe
Maging malusog sa pangangatawan at pag iisip at huwag magmaneho pagkatapos uminom ng gamot
Ano ang ibig sabihin ng paunang babala sa pagtawid sa riles?
Upang bigyan ng abiso ang bilis ng motorista
Para balaan ang mga motorista na hindi sila maaring pumarada kahif kailan
Para balaan ang mga motorista na may lebel ng pagtawid sa riles sa unahan
Ano ang dapat mong gawin kung pinapatakbo ka ng pulis pantrapiko kahit na pula na ang traffic light o senyas na nagpapahinto?
Hindi ka dapat sumunod sapagkat kung susunod ka ay huhuliin ka
Dapat kang sumunod
Hindi mo dapat pansinin ang pulis pantrapiko athintayin ang traffic light na berde
Ang bilis ng takbo ng sasakyan ay maaring nakadepende sa:
Pagiging road worthy ng mga sasakyang minamaneho
Kakayahan ng drayber
Lahat ng nabanggit
Ano ang nararapat mong gawin kung ikaw ayumiinom ng mga gamot na maaring makaapekto sa iyong pagmamaneho?
Humingi na payo sa doktor bago magmaneho
Magmaneho lamang kung may kasama na lisensyadong drayber
Limitahan ang pagmamaneho sa kalsada
Kung walang linya na minarkahan sa kalsada, dapat kang magmaneho:
Malapit sa kanang bahagi ng kalsada
Kahit saang bahagi ng kalsada
Sa gitnang kalsada
Ang ibig sabihin ng dobleng puting putol-putol na linya sa daan ay:
Bawal na mag overtake sa kaliwang parte
Bawal na mag overtake sa kanang parte
Pwede kang mag overtake sa kaliwa o sa kanan kapag walang panganib
Ayon sa mga sumusunod, alin ang HINDI ipinagbawal ng Anti-Distracted Driving Act?
Pagbabasa ng e-books o e-mail
Pagpapadala o pagbabasa ng mensahe mula sa iyong mobile device
Paggamit ng hands-free device
Totoo ba na ang di kumikilos na pulang trapikong ilaw ay nangangahulugang dapat kang huminto hanggang ang sangandaan ay maging maaliwalas para magpatuloy?
Totoo
Hindi totoo
Walang sagot
Ang traffic sign na "No stopping" ay nangangahulugan na:
Maari kang huminto sandali kung magsasakay o magbababa ng pasahero ng mabilis
Hindi maaring huminto maliban kung tatanggap ng tawag
Hindi ka maaring huminto maliban kung pinapahinto ng traffic enforcers
Kung liliko pakanan, nararapat na:
Bagalan ang takbo, manatili sa pinakalabas na bahagi ng daan at mag signal upang lumiko sa daan
Manatili sa kaliwang app ng kalsada at mag signal upang lumiko sa kanan 15 metro bago lumiko
Manatili sa kanang daan ng kalsada at mag signal upang lumiko sa kanan 30 metro bago lumiko
Sino ang may prayoridad sa interseksiyon kung may dalawang sasakyan na dumating?
Ang sasakyang nasa kaliwa ang prayoridad
May prayoridad ang higit na malaking sasakyan
Ang sasakyang nasa kanan ang mga prayoridad
Ang drayber ay nararapat na laging magbigay ng daan sa mga sasakyang may blinkers at sirena na nakabukas dahil sila ay:
Malalaking sasakyan
Maliliit na sasakyan
Sasakyang tumutugon sa gipit na kalagayan/emergency
Kung higit sa isang drayber ang dumating sa four way stop, sino sa kanila ang may karapatan sa daan?
Ang drayber na unang dumating ang siyang unang dapat na umandar
Ang drayber sa panghuling dumating ang siyang unang dapat na umandar
Ang drayber ng higit na malaking sasakyan ang siyang unang dapat umandar
Ano ang dapat gawin kapag nagmamaneho sa highway na may maraming lubak?
Bilisan ang takbo
Bagalan ang takbo
Palaging lumipat ng daan o lane
Ang busina ay para sa:
Pampagising
Ingay
Magbigay babala para makaiwas sa disgrasya
Ano ang maksimum at pinahihintulutang lapad ng sadle box o bag?
14 na pulgada mula sa magkabilang gilid
16 na pulgada mula sa magkabilang gilid
18 na pulgada mula sa magkabilang gilid
Sa anong pagkakataon hindi pwedeng mag overtake?
Tuwing gabi
Kapag umuulan
Sa blind curve
Ayon sa RA 4136, ang Student Driver's Permit ay dapat hindi bababa sa edad na:
16 yrs old
18 yrs old
20 yrs old
Kailan ka maaring maghintay sa dilaw o yellow box sa sangadaan?
Kapag ang traffic light ay pula
Kapag nakatigil ka sa daloy ng trapiko
Hindi kailanman, ang sangadaan ay dapat malinis sa lahat ng oras
{"name":"Final Complete Test", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin, ano ang dapat mong gawin sa iyong preno?, Ano ang gagawin mo kung ikaw ay paparating sa interseksyon at ang ilaw pantrapiko ay naging dilaw mula sa kulay na berde?, Sa krus na daan walang mga babala o marka sa kalsada. May dalawang sasakyan na paparating, alin ang mas may prayoridad?","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/images/ogquiz.png"}
Powered by: Quiz Maker