Understanding Relationships and Values

A vibrant illustration of a family with diverse interactions, showcasing love, care, and the importance of friendship in a Filipino context, with elements such as a nurturing mother, playful siblings, and symbolic representations of loyalty and trust.

Understanding Relationships and Values

This quiz delves into the themes of family dynamics, friendship, and personal values as portrayed in Filipino literature. Through thoughtfully crafted questions, participants will explore characters' motivations, societal perceptions, and the essence of true companionship.

Key Features:

  • 10 engaging multiple-choice questions
  • Focus on literary analysis and comprehension
  • Test your understanding of relationships in Filipino culture
10 Questions2 MinutesCreated by CaringHeart732
Ang Batang Espesyal Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay abnormal. Ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan. Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi pa ring nakasunod sa kanya ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa at malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol. Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang malaking mga hinanakit. Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang paliwanag sa mga ito. “Kayo ay mga buo, walang kulang,” pagsisimula ni Aling Mila. “Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso,” isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak.” Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?” Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat. 1.Anong katangian ang nailalarawan sa mga kapatid ni Pepe?
A.Mabait
B.Mapag-unawa
C.Mainggitin
D.Walang Pakialam
2.Sa maikling kwento mailalarawan na ang mag-asawa ay
A.Mapagmahal
B.Mabait
C.May pantay-pantay na pagtingin sa kanilang mga anak
D.Maasikasong mga magulang
3 .Suriin kung anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap na ito."Marami akong natutunan ngunit kulang pa ito." 
A.Akong
B.Ito
C.Kulang
D.Ngunit
4.Sa bahagi na ito pinapakilala ang mga tauhan .
A.Wakas
B.Gitna
C.Panimula
D.Kaukdulan
dinami-rami ng tao sa mundo Mahirap makahanap ng kaibigang totoo Sa walong bilyon na nabubuhay na tao Saan makakahanap ng tunay na katoto Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay Personal na dahilan ang kanyang mithiin Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin. Meron din naman akala mo’y kakampi Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali Pero wag ka sanang minsan ay magkamali Baka isang araw wala na sa iyong tabi Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan Tunay na kaibigan, laging nariyan Sa oras ng ligaya o kalungkutan man. Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas. Ang isang kaibigan ay malawak ang tanaw Suporta ay nariyan, laging nag-uumapaw Gagabayan ka at hindi pababayaan Ikaw ay aakayin, kasama mong tutungo sa paroroonan Siyang kaibigan na hindi ka kukunsintihin Kapag katangahan na ang iyong gawain Tatapikin ka sa balikat upang iyong alalahanin Hoy Tol! Gumising ka buhay mo ay wag sirain.Ito sa tingin ko ay ilan lamang na aspeto Para malaman kung ang kaibigan ay totoo Siyang kaibigan kung kailangan ay lilitaw Hindi tulad ng anino na nariyan lang kapag may araw.5. Sa tulang inyong binasa ito ay tungkol sa 
A.Kaibigan
B.Pamilya
C.Kasintahan
D.Kapit-Bahay
Sa bahagi na ito binibigyan binibigyang solusyon ang suliranin. 
A.Kakalasan
B.Kasukdulan
C.Wakas
D.Panimula
Tukuyin kung anong pangatnig ang ginamit sa pangungusap na ito"Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kaniyang kapalaluan" 
A.Kaya
B.Dulot
C.Ito
D.Ng
8."Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso". Sa saknong na ito ipinapahiwatig na
A.Pumili ng tamang kaibigan
B.Mag-ingat sa mga ahas na kaibigan
C.Piliin ang mga mayayaman na kaibigan
D.Mag-ingat sa mapagsamantalang mga kaibigan
9.Tukuyin kung anong transitional devices ang ginamit sa pangungusap" Sa wakas,natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak." 
A.Ang
B.Dahil
C. Wakas
D.Sa wakas
"Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay Personal na dahilan ang kanyang mithiin Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin."Sa saknong na ito ipinapahiwatig
A.Mag-ingat sa mapagsamantalang mga kaibigan D.Mag-ingat sa mga kaibigang may maitim nak
B.Mag-ingat sa mabubuting kaibigan
C.Mag-ingat sa mga kaibigang pera lang ang habol
D.Mag-ingat sa mga kaibigang may maitim na balak
{"name":"Understanding Relationships and Values", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"This quiz delves into the themes of family dynamics, friendship, and personal values as portrayed in Filipino literature. Through thoughtfully crafted questions, participants will explore characters' motivations, societal perceptions, and the essence of true companionship.Key Features:10 engaging multiple-choice questionsFocus on literary analysis and comprehensionTest your understanding of relationships in Filipino culture","img":"https:/images/course8.png"}
Powered by: Quiz Maker