Quiz - Gawa
Gawa: Quiz on the Early Church
Test your knowledge about the early Church and the teachings of the Apostles with this comprehensive quiz. Dive into the pivotal events and lessons from Chapters 1 to 16, and see how well you know the stories of faith and perseverance.
- 46 thought-provoking questions
- Multiple choice format for easy answering
- Discover insights into biblical texts
Chapter 1. Ano ang kaibahan ng bautismo ni Juan at bautismo ng Panginoong Jesucristo?
Si Juan ay sa tubig, si Cristo ay sa Espirito Santo
Si Juan ay sa lupa, si Cristo ay sa langit
Si Juan ay sa mga Judio, si Cristo ay maging sa mga Gentil
Si Juan ay sa pagtutuli, si Cristo ay sa di pagtutuli
Chapter 2. Ano ang nangyari sa araw ng Pentecostes nang magkatipon ang mga apostol?
Sila'y binigyan ng kaloob na pagpapagaling
Bumaba ang Espirito Santo at sila'y nakapagsalita ng iba't ibang wika
Nagsimula ang pagpapakita ng mga tanda at himala
Pinasimulan ang pangangaral sa mga Gentil
Chapter 2. Alin ang dalawang bagay na nagaganap sa araw ng bautismo?
Pagsampalataya at pagsisisi
Paglubog at pag-ahon sa tubig
Kapatawaran ng kasalanan at pagtanggap sa kaloob ng Espirito Santo
Pangako at kaligtasan
Chapter 3. Ayon kay Apostol Pedro, ano ang gumawa sa taong pilay na nasa Pintuang Maganda ng templo kung kaya't siya'y kanilang napagaling?
Ang kanyang pananampalataya
Ang kanyang pagsisisi
Ang kanyang pananalangin
Ang kanyang pagpapagamot
Chapter 4. Ano ang pananampalatayang naabot ng mga unang lingkod sa kanilang pagsama at pagsuporta sa pangangaral ng Evangelio kung kaya't walang sinoman ang sa kanila'y nagkulang o nasalat?
Nagkasiya sa tinatangkilik
Ang pagtitipid sa panahon ng kahirapan
Ipinagbili ang kanilang mga lupa at bahay
Nilimitahan ang pangangaral
Chapter 5. Gaano kabigat ang nagawang kasalanan nina Ananias at Safira nang kanilang ilingid ang bahagi ng pinagbilhan ng lupa?
Pagsira sa pangako
Pagnanakaw
Paglaban sa Mangangaral
Pagsisinungaling laban sa Espirito
Chapter 5. Ano ang naging pananampalataya ng mga apostol sa kanilang patuloy na pangangaral sa kabila ng sila'y hinuhuli, ibinibilanggo at mahigpit na pinagbabawalan?
Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao
Huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito
Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagkat ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios
Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo.
Chapter 6. Ano ang ginawa ng mga apostol upang sila'y makatalaga sa pananalangin at pangangaral kung kaya't lumakas ang pagpapalaganap?
Ang mga babaing bao ang itinalaga sa pamamahagi
Hindi nakihalubilo sa mga bagay na ukol sa laman
Humanap ng mga makakatulong sa gawain
Namahagi ng tinapay kasabay ng pangangaral
Chapter 7. Ano ang naging damdamin ni Esteban sa mga taong bumato sa kaniya hanggang sa siya'y mamatay nang dahil sa pangangaral?
Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao
Huwag mong iparatang sa kanila ang kasalanang ito
Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagkat ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios
Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo.
Chapter 8,9. Papaano pinag-usig ni Saulo/Pablo ang iglesia nang una?
Kinakaladkad, ginagapos at ibinibilanggo
Pinagbabantaan at pinapapatay
Pinarurusahan at pinipilit mamusong
Lahat ng nabanggit
Chapter 8. Ano ang hiningi ni Simong manggagaway sa mga apostol kapalit ng kanyang salapi?
Ang pagkakaloob ng Espirito Santo
Ang pagpapagaling sa mga maysakit
Ang panghuhula
Ang bautismo
Chapter 14. Ano ang pinatutunayan ng kasaysayan nang pakiusapan ng bating si Felipe na umakyat sa karo at siya'y samahan sa pagbabasa ng Biblia?
Ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao
Ang kahalagahan ng Mangangaral
Walang taong nabubuhay sa kanyang sarili
Walang halaga ang kayamanan
Chapter 9. Ano ang kabigatan nang pag-usigin ni Saulo/Pablo ang iglesia?
Si Jesus ang kanyang nausig
Nangalat ang mga kapatid
Bumagal ang pangangaral
Pakikiapid sa espirito
Chapter 9. Ano ang papel na gagampanan ni Aposto Pablo kung kaya't inutusan ng Panginoon si Ananias upang ibalik ang kanyang paningin at siya'y bautismuhan?
Lilipol sa mga Judio na ayaw sumampalataya
Dadalhin ang pangalan ng Panginoon sa mga Gentil
Muling magbabangon sa Iglesia
Magiging kapalit ni Judas Iscariote bilang ika-12 apostol
Chapter 9. Ano ginawa ng mga Judio kay Apostol Pablo nang makitang ipinapangaral na niya ang iglesiang dati niyang pinag-usig?
Pinagsikapang patayin
Sinamahan at sinuportahan
Hindi na muling kinausap
Hinikayat bumalik sa kanilang relihiyon
Chapter 9. Ano ang ginawa ni Apostol Pedro sa Lidda kung kaya't nagbalik loob sa Dios ang mga taga Lidda at Sarona?
Pinagaling ang lumpo na si Eneas
Binuhay si Eutico na nahulog sa gusali
Pinalakad ang pilay na nasa Pintuang Maganda ng tempo
Muling binuhay si Lidda na namatay sa sakit
Chapter 9. Ano ang magandang katangian ni Tabita/Dorcas?
Mapanalanginin
Masipag sa kabanalan
Mapagkawang-gawa
Matatakutin sa Dios
Chapter 10. Ano ang kulang kay Cornelio kung kaya bagama't siya'y masipag sa kabanalan, matatakutin sa Dios, mapaglimos at mapanalanginin, ay naging alaala lamang ang mga ito sa harapan ng Dios?
Kulang ng pananampalataya
Ang pagkilala sa Mangangaral ng Dios
Ang pagiging mabuting ama
Ang pag-anib sa Iglesia
Chapter 10. Ano ang kahulugan ng panaginip ni Apostol Pedro tungkol sa pagkain ng mga hayop na nang una ay ibinilang na marumi at bawal kanin?
Maaari nang mangaral sa mga Gentil at kainin ang mga hayop na nilinis ng Dios
Magkakaroon ng malaking kagutom sa lupain
Lahat ng nabanggit
Ang dugo ay hindi dapat kainin
Chapter 10. Ano ang ginawa ng mga alagad ng ipaalam ni Propeta Agabo na magkakaroon ng malaking kagutom sa buong sanglibutan?
Nagpadala ng saklolo sa mga kapatid sa Judea
Sinulatan at pinalakas ang loob ng mga kapatid sa Judea
Ipinanalangin ang mga kapatid sa Judea
Lahat ng nabanggit
Chapter 12. Ano ang ginawa ng buong iglesia nang si Pedro ay ibinilanggo ni Herodes?
Maningas na dumalangin
Nanghina at nangalat
Ipinagsakdal si Herodes
Nagtipon at nag-awitan
Chapter 12. Paano nakalabas ng bilangguan si Pedro at nakaligtas sa kamay ni Herodes?
Nagkaroon ng malakas na lindol at nabuksan ang pintuan ng bilangguan
Nagsugo ng anghel at siya'y pinawalan
Siya'y tinulugang makalabas ng tagapamahala ng bilangguan
Pinatay ng Dios si Herodes
Chapter 12. Bakit pinatay ng Dios si Herodes sa pamamagitan ng pagkain sa kanya ng mga uod?
Ginawan nya ng masama ang lingkod na si Pedro
Hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios
Pinag-usig niya ang iglesia
Sumang-ayon siya sa pagkamatay ni Esteban
Chapter 13. Ano ang ginawa ng Panginoon kay Elimas dahil sa paghadlang niya na sumampalataya ang proconsul?
Kinain ng lupa
Pinatay
Nabulag
Nabilanggo
Chapter 13. Ano ang naging damdamin ng mga Gentil nang mapakinggan ang katwiran ng Dios kina Pablo at Bernabe?
Nagalak, niluwalhati ang salita ng Dios at sumampalataya
Itinakuwil, hinatulan na hindi sila karapatdapat sa buhay na walang hanggan
Nanaghili, tinutulan ang mga sinalita ni Pablo at namusong
Tinanggap ang salita ng buong pagsisikap at siniyasat sa araw araw ang mga kasulatan
Chapter 14. Ano ang nakita ni Apostol Pablo sa pilay na nasa Listra kung kaya't kaniyang napagaling?
Mabuting pagnanasa
Pananampalataya
Pag-ibig sa dukha
Katapatan
Chapter 15. Alin ang iminungkahi ni Santiago sa mga apostol na kanila na lamang iaral sa mga Gentil upang huwag na silang atangan ng lalong mabibigat na pasanin?
Lumayo sa diosdiosan, pakikiapid, binigti at dugo
Mangagsisi at magbautismo
Sumama sa pangangaral
Tuliin upang makasama sa bayang Israel
Chapter 15. Ano ang ginawa ni Pablo at Bernabe sa mga kapatid na kanilang pinangaralan sa bawat bayan na ito man ay dapat nating maging damdamin sa ating mga kapatid?
Binalikan
Dinalaw
Tiningnan ang kalagayan
Lahat ng nabanggit
Chapter 16. Bukod sa masipag sa kabanalan, ano pa ang isang katangian ni Lidia na mangangalakal ng kayong kulay-ube na taga Tiatira?
Matatakutin sa Dios
Mapanalanginin
Mapagpatuloy
Mapaglimos
Chapter 16. Bakit hinuli at hinampas ng mga Romano sina Pablo at Silas nang kanilang palabasin ang karumaldumal na espirito ng panghuhula sa dalaga?
Namatay ang dalaga
Nawala ang malaking pakinabang sa panghuhula
Sila ay nanggugulo sa bayan
Ayaw nilang tanggapin ang mga kaugaliang ipinapangaral
Chapter 16. Ano ang ginawa nina Pablo at Silas nang sila ay nasa bilangguan na dapat ding ginagawa nating mga lingkod kung tayo ay nakararanas ng problema at kalungkutan?
Nanalangin at umawit sa Dios
Nagbasa ng mga kasulatan
Inaliw ng mga kapatid
Namanata sa Panginoon
Chapter 16. Ano ang ginawa ng tagapamahala ng bilangguan nang makita ang ginawang pagliligtas ng Dios kay Pablo at Silas sa bilangguan sa pamamagitan ng malakas na lindol?
Sumama sa pangangaral
Sumampalataya at nagpabautismo pati ang kaniyang sangbahayan
Nakiusap sa hukom na sila'y pawalan
Sinamahan sila sa bilangguan
Chapter 17. Bakit lalong naging mararangal ang mga taga Berea kaysa mga taga Tesalonica?
Nagalak, niluwalhati ang salita ng Dios at sumampalataya
Tinanggap ang salita ng buong pagsisikap at siniyasat sa araw araw ang mga kasulatan
Nagpadala ng saklolo sa mga kapatid sa Judea
Masisipag sa kabanalan at mararangal
Chapter 17. Bakit namuhi si Apostol Pablo nang siya ay nasa Atenas?
Ang bayan ay puno ng diosdiosan
Maraming Gentil na ayaw sumampalataya
Pinaguusig ang mga kapatid at nangalat
Ang bayan ay namumusong
Chapter 18. Sino ang pangunahing naging bunga sa local ng Corinto?
Aquila at Priscila
Crispo
Galion
Sostenes
Chapter 19. Bakit nais ipagsakdal ni Demetrio at ng mga panday si Pablo sa kaniyang pangangaral sa tunay na Dios?
Mawawalan ng kapurihan ang kanilang hanapbuhay
Mawawalan ng halaga ang templo ni diosa Diana
Nagsisiyaman sila sa pagpapanday
Lahat ng nabanggit
Chapter 20. Ano ang nangyari kay Eutico nang tumagal ang pangangaral ni Pablo hanggang sa hatinggabi?
Nakatulog at namatay
Nahulog sa ikatlong grado at namatay
Nahulog sa daong at namatay
Namatay sa kanyang pagkakatulog
Chapter 20. Gaano ang naging pagmamahal ni Apostol Pablo sa kaniyang tungkulin?
Higit sa kanyang nakagisnang relihiyon
Higit sa kanyang buhay
Higit sa kanyang mga magulang
Higit sa kanyang mga kamag-anak
Chapter 20. Sino ang ipinagbilin ni Apostol Pablo sa mga obispo o matatanda sa iglesia na kanilang ingatan?
Ang mga apostol
Ang kapatiran
Ang kanilang sarili at mga kapatid
Ang kanilang sarili
Chapter 20. Ano ang ipinagpauna ni Apostol Pablo na mangyayari pagkamatay niya?
Papasok ang mga ganid na lobo na hindi magpapatawad sa kawan
May magsisilitaw sa loob ng iglesia na magsasalita ng masama upang maghiwalay
Itatalikod ang iglesia
Lahat ng nabanggit
Chapter 21. Ano ang sinabi ni Apostol Pablo sa mga kapatid na nagsitangis dahil sa kaniyang nalalapit na pagkahuli at kamatayan?
Tunay na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao
Dapat muna kaming magsitalima sa Dios bago sa mga tao
Ako'y nahahandang mamatay dahil sa pangalan ng Panginoong Jesus
Mangyari ang kalooban ng Panginoon
Chapter 23. Ano ang paniniwala ng mga Saduceo na taliwas sa paniniwala ng mga Fariseo?
Walang pagkabuhay na maguli
Walang Dios sa labas ng Israel
Walang kaligtasan sa hindi tuli
Walang ibang isinugo liban kay Moises
{"name":"Quiz - Gawa", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Test your knowledge about the early Church and the teachings of the Apostles with this comprehensive quiz. Dive into the pivotal events and lessons from Chapters 1 to 16, and see how well you know the stories of faith and perseverance.46 thought-provoking questionsMultiple choice format for easy answeringDiscover insights into biblical texts","img":"https:/images/course5.png"}
More Quizzes
Mateo - Trivia Quiz
854220
MATEO 7 AND 8
10528
Test Your Biblical Knowledge
1588
DOK 12
12611
2nd Quarterly Test in AP I
15810
DOK 10
15811
Araling Panlipunan 2 Dagiti Galad ti Mangidadaulo Quiz: Direksiyon: Pilien ti lletra ti umno a sungbat.
10519
2nd Quarter Test in AP II
1588
Maging Mabuting Mamamayan Quiz
5227
3rd Summative Test in ESP 1
231228
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN by Teacher Carmela M. Santos
50250
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520