Project PAGE- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 6 (Ikalawang Markahan) by Teacher Julieta A. Mallari
Pagpapahalaga sa Pangako Quiz
Maligayang pagdating sa aming quiz na naghahatid ng kaalaman tungkol sa pagsusuri at pagpapahalaga sa mga pangako at responsibilidad. Ang quiz na ito ay angkop para sa mga mag-aaral sa ikalawang markahan ng ESP sa ikaanim na baitang.
Subukan ang iyong kaalaman sa mga sumusunod na aspeto:
- Pangako at Responsibilidad
- Pagmamalasakit at Pagkakaibigan
- Pag-unawa sa mga Gawain
Ito ay isang kasunduan na may katumbas na obligasyon o responsibilidad na dapat tuparin ng sinumang nagsabi nito.
A. pagbiro
C. pangako
B. pabor
D. pasaring
2. Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.
A. kapuwa
C. kaibigan
B. kapitbahay
D. pamayanan
3. Sino sa mga sumusunod ang dapat tularan?
A. Nangako si Robert sa kanyang guro na pagbubutihin ang pag-eensayo para sa araw ng paligsahan sa paaralan ngunit hindi siya sumipot dahil takot siya na matalo.
C. Hindi na halos natutulog si Rienna kapag nabuksan ang Facebook kahit na nangako siyang hindi magbabad dito.
B. Pumunta si Belinda sa kaarawan ng matalik niyang kaibigan kahit pagod sa maghapong pagtatrabaho dahil nangako siyang dadalo.
D. Binalewala ni Johnny ang kanyang pangako sa nakababatang kapatid na bigyan ng laruan ito sa kanyang kaarawan.
4. Alin sa mga sumusunod na gawain o asal ang hindi dapat paiiralin?
A. Tinupad ni Marina ang kanyang pangako sa kanyang mga magulang na maging isang guro.
C. Napagkasunduan ninyo ng tatay mo na bibilhan ka niya ng bagong sapatos. Nang dumating siya, agad niyang iniabot ang sapatos na binili niya para sa iyo. Umasim ang mukha mo dahil hindi mo nagustuhan ang brand nito.
B. Humiram si Bob ng aklat sa kaibigan niya. Napagkasunduan nilang dalawa na isasauli niya ito pagkatapos niyang masagot ang takdang-aralin niya. Pagkatapos niyang gamitin ang aklat ay agad niya itong isinauli sa kanyang kaibigan.
D. Nagbabayad ng renta ng bahay ang mga magulang mo ayon sa takdang panahon ng pinagkasunduan nila ng may-ari.
5. Naipangako mo sa mga kasamahan mo sa grupo na ikaw ang gagawa at magpapaganda ng front page ng inyong proyekto sa ESP. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam mong gagawin?
A. Magsaliksik ng mga magagandang disenyo o gumawa ng sariling disenyo na angkop sa ginawang proyekto para sa buong pangkat.
C. Isasali lamang sa ginawang proyekto ang mga pangalan ng malalapit sa iyong kalooban.
B. Mangulekta ng pera sa mga kasamahan bilang pabuya sa sarili sa pagpapaganda ng proyekto.
D. Ipagawa mo sa isa sa mga kasamahan ninyo ang ipinangako mong responsibilidad.
6. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa isang pangako?
A. Naghintay si Aling Rosa sa restoran kung saan magkikita sila ng kanyang kumareng si Aling Lety na siya nilang napagkasunduan. May tumawag sa kanyang isang lalaki at bigla na lang siyang umalis sa nasabing lugar.
C. Hindi sinabi ni Carol ang totoong nangyari sa mga magulang ni Beth dahil nangako siya sa kaibigang hindi niya sasabihin ang buong katotohanan sa ginawa nitong kasalanan.
B. Usapan ng buong klase na babalik sa araw ng Sabado sa paaralan para sa pagsasanay ng sayaw na itatanghal sa Lunes. Lahat ay tumupad sa napag-usapan upang mapaganda ang kalalabasan ng nasabing pagtatanghal.
D. Nangako si Brix na dadalaw sa lolo niyang nasa ospital subalit hindi ito pumunta kahit minsan man lamang.
7. Alin ang tamang gawi sa ginawang pangako?
A. Pagsasawalang kibo upang makalimutan ang hindi natupad na pangako.
C. Paghahanap ng dahilan upang matakasan ang ipinangako sa kaibigan.
B. Pagtupad sa anumang kasunduan sa tahanan man o sa paaralan.
D. Pagbibigay ng pangako kahit na alam na hindi ito kayang tuparin.
8. Sina Farrah, Abdul, Sara, Jinky at Petter ay mga magagalang, masunurin at matatapat na mga bata. May takot at matinding pagmamahal sila sa Dakilang Lumikha. Alin sa mga gawain ang hindi nila tanggap at di pinapahalagahan bilang mga mabubuting mga bata?
A. Pagpapasa ng mga proyekto sa itinakdang oras.
C. Sinusubukan ang lahat ng paraan upang tuparin ang pinangako.
B. Pagbibitaw ng mga pangakong hindi kayang tuparin.
D. Paghingi ng paumanhin sa mga pagkakataong hindi natutupad ang ipinangako.
9. May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.
C. Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo itong tuparin.
B. Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.
D. Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa.
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
A. Si Jaypee na I sinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras.
C. Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
B. Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang.
D. Si Mico na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.
11. Alin ang dapat gawin o isaalang-alang bago magbigay ng pangako?
A. Mag-isip muna nang mabuti.
C. Mangako at bawiin pagkatapos
B. Magbigay agad ng pangako
D. Mangako agad upang matapos ang usapan.
12. Ano ang dapat gawin kapag hindi natupad ang napagkasunduan?
A. Magtago sa taong pinagkasunduan.
C. Buong katapatang humingi ng paumanhin.
B. Magkunwaring walang sinabi at naalala.
D. Kumilos lang nang parang walang nangyari.
13. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako kahit kaninuman?
A. Opo, upang hindi na magkakagulo.
C. Hindi, dahil nabigla lang ako sa nasabi ko.
B. Opo, dahil iyon ang nararapat gawin.
D. Hindi, dahil pwede rin namang sa ibang araw na iyon tutuparin.
14. Nangako si Yssa sa nanay nya na tutulungan niya ito sa paglalaba kinabukasan. Alin ang dapat gawin ni Yssa?
A. Gumising nang maaga at mag facebook muna.
C. Gumising nang maaga at manood muna ng telebisyon.
B. Gumising nang maaga at ihanda ang mga labahan.
D. Gumising nang maaga at makipaglaro sandali sa mga kaibigan.
15. Nangako ka na hinding-hindi ka na magsisinungaling kahit saan at kahit kaninuman. Nakita mo ang kuya mo na kumuha ng pera sa pitaka ng tatay ninyo. Binalaan ka niyang susuntukin kapag nagsumbong ka. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko sa tatay ko ang nakita ko upang mapangaralan at maitama ang ginagawa ni kuya.
C. Sasabihin ko sa tatay namin ang nakita ko para masaktan si kuya at ng makaganti ako sa kanya.
B. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko para hatian ako ni kuya ng perang kinuha niya.
D. Hindi ko sasabihin sa tatay namin ang nakita ko dahil ayaw kong masaktan at maparusahan si kuya.
16. Nagkasundo kayo ng ka Team Quiz mo na magkikita kayo sa bahay ng inyong guro sa ganap na ika-2:00 ng hapon upang magsasanay. Alin ang dapat mong gawin?
A. Aalis ng 2:00 ng hapon sa bahay at mamasyal muna sa plasa.
C. Sa ganap na ika-2:00 pa ng hapon maghanda papunta sa bahay ng inyong guro.
B. Maaga kang maghanda upang makarating sa oras na napagkasunduan.
D. Pupunta sa bahay ng inyong guro makalipas ang isang oras sa napagkasunduan.
17. Napagkasunduan ninyo sa grupo ninyo sa klase na gagawin ang itinakdang proyekto ng inyong guro sa TLE sa araw ng Sabado sa inyong bahay. Gagawin ninyo ito sa umaga upang maging maayos ang pagkagawa. Alin ang tamang gagawin ng iyong mga kagrupo?
A. Pumunta nang umaga at magsimula sa paggawa.
C. Pumunta nang umaga at mag facebook dahil may wifi kayo.
B. Pumunta nang maaga at makikinood ng cartoons.
D. Pumunta nang umaga at maglalaro muna dahil malawak ang bakuran ninyo.
18. Napagkasunduan ninyo ng mga magulang mo na magtitipid sa lahat ng bagay dahil mahirap ang pangkabuhayan sa ngayon dulot ng pandemya. Alin ang nararapat mong gawin?
A. Gamitin lahat ng mga gamit sa bahay na de-kuryente upang mapadali ang mga gawain.
C. Hayaang nakabukas ang mga ilaw sa sala, sa hapagkainan, sa palikuran at maging sa likod ng bahay.
B. Magtitiyaga sa pagkukusot ng mga labahan at pagtupi nang maayos sa mga malinis na damit.
D. Magbili ng ulam o mga lutong pagkain sa restoran araw-araw upang makatipid sa kuryente at hindi na mapagod.
19. Nangako ka sa iyong mga magulang na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral kahit pa man sa gitna ng nararanasang pandemya. Alin sa mga sumusunod ang gagawin mo bilang pagtugon sa iyong pangako?
A. Pag-iibayuhin ko ang pagbabasa, pag-unawa sa mga leksiyon at pagsagot sa mga module ko.
C. Ipasagot ko sa mga ate, kuya, nanay at tatay ko ang aking mga module.
B. Iipunin ko ang lahat ng module ko sa buong kwarter bago ko sasagutan ang mga ito.
D. Susulatan ko lang ng mga pangalan ko ang mga module.
20. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?
A. Si Jonash na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa takdang oras.
C. Si Delfin na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang ibinibigay ng kaniyang mga magulang.
B. Si Jessa na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa kaniyang mga magulang at kapatid.
Si Amirah na ipinapakopya ang sagot niya sa module sa kaniyang mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.
21. Alin ang hindi mo dapat gawin sa pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan?
A. Nagkasakit ang kaibigan mo at hindi makapasok ng paaralan. Binisita mo siya pagkatapos ng klase sa hapon at ibinahagi mo sa kanya ang inyong pinag-aralan.
C. Nakita mong kumuha ng pagkain ang kaibigan mo sa tindahan. Simula noon ay sumasama at ginagaya mo na rin siya
B. Sinamahan at dinamayan mo ang kaibigang mong namatayan ng mahal sa buhay sa oras ng pagdadalamhati nito at ng buong pamilya.
D. Naiwan ang bag ng kaibigan mo sa palaruan ng paaralan. Dinala mo ito pauwi at inihatid sa kanilang bahay.
22. Alin ang mabuting taglay na katangian ng isang tunay na kaibigan?
A. Sinasamahan ang kaibigan sa mga ginagawang kalokohan.
C. Pinoprotektahan at itinatago ang hindi mabuting ginagawa ng kaibigan.
B. Pinagsasabihan at itinutuwid ang gawing mali ng isang kaibigan.
D. Pinapabayaan ang kaibigan sa mga ginagawang panloloko at panlalait sa kapwa.
23. Paano maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan?
A. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pagiging responsible, pagtupad sa pangako at hindi pag-iwan ng kaibigan lalo na sa oras ng kagipitan.
C. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan sa mga masamang gawain ng kaibigan.
B. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pagiging iresponsable at bingi sa kanyang mga pangangailangan.
D. Maipapakita ang pagkamapanagutan sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pandadarambong sa kapwa.
24. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakaibigan?
A. Si Korina ay tumakbo bilang pangulo ng Supreme Pupil Government o SPG at nagkataong ang kanyang matalik na kaibigan na si Julia ang kanyang katunggali. Nanalo si Julia at agad itong kinamayan ni Korina.
C. Sumali ang magkaibigang Dindo at Celso sa patimpalak ng paaralan sa takbuhan. Nang malapit na sa finishing line ay biglang binangga ni Dindo si Celso upang siya ang mananalo.
B. Nanalo sa patimpalak sa islogan si Benjie. Kinutya ni Betty ito at sinabihang nanalo lang ito dahil tito nito ang isa sa mga hurado.
D. Nakasimangot at nakaismid na binati ni Esmeralda ang kaibigang katunggali niya sa pagkakahalal bilang ingat-yaman ng klase nila.
25. Aling sitwasyon ang nagsasad tungkol sa pagkakawanggawa?
A. Ikinasasama ng kalooban ni Joey ang palagiang pagbibigay ng tulong sa kanyang mga kaklaseng maralita.
C. Sa halip na magdiwang ng kaniyang kaarawan, namahagi na lamang si Rodora ng mga pagkain sa mga mahihirap na pamilya sa kanilang barangay.
B. Mabigat sa loob na ipinamigay ni Gretchen ang mga luma nitong laruan sa mga batang lansangan sa kanilang lugar.
D. Si Brian at ang mga kasamahan nito ay nagbigay ng expired na pagkain at inumin sa mga nasunugang pamilya sa kanilang lugar.
26. Alin ang hindi kanais-nais na gawain at pag-uugali tungkol sapagkakawanggawa?
A. Ibinabahagi ni Nestor ang kaniyang kaalaman sa paghahayupan upang matulungan ang kaniyang mga kabarangay sa pag-aalaga at pagpaparami ng mga alagang hayop.
C. Ibinabahagi mo sa mga batang lansangan ang mga natitira mong baong pagkain sa paaralan.
B. Maagang gumising si Brenda para asikasuhin ang mga pangangailangan ng mga nakababata niyang kapatid.
D. Binigyan ni Aling Lucing si Aling Nemia ng mga punla nitong gulay na expired para itanim sa kanilang bakuran at ng hindi na ito magpabalik-balik sa kanilang tahanan.
27. Buuin ang tugmang ito. “Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan dahil ang taong ____________ay ginagawa ang kaniyang sinasabi.”
A. iresponsable
C. respetado
B. responsable
D. responde
28. Alin sa mga gawaing pangkawanggawa ang hindi maaring maging daan sa pagkakaibigan?
A. Ikaw ay sumama sa mga gawaing pampook sa inyong lugar gaya ng pagtuturo sa mga bata, pamimigay ng mga relief goods at iba pa.
C. Nakipagsuntukan si Rigor sa isang binatilyong kabataan sa kalapit na barangay kung saan sila ay namigay ng tulong at ayuda sa mga nasalanta ng pagguho ng lupa.
B. Para tumaas ang magiging ani ng kaniyang kababayan, ibinahagi ni Mang Pedro ang kaniyang kaalaman sa pagtatanim ng palay sa mga magsasaka sa kanilang bayan.
D. Namigay kayong magkakaibigan ng mga pagkain at damit sa mga nasunugan sa kabilang bayan.
29. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa kapwa?
A. Nakikita mo na marami sa mga kabataan sa inyong lugar ay nalululong sa masasamang bisyo. Ikaw ay mahusay na mananayaw, naisipan mong ibahagi ang iyong talento upang malihis ang kanilang landas sa bisyo.
C. Hindi mo tinupad ang pangakong tutulungan at sasamahan mo ang iyong kaibigan sa pagsasanay nito para sa nalalapit akademikong patimpalak ng paaralan.
B. Wala kang imik at hindi nakikibahagi kung pinag-uusapan ninyong magkakaibigan kung paano makatulong sa kapwa.
D. May tindahan kayong itinayo sa inyong lugar. Hihimukin mo ang mga magulang mo na pataasan ng 50% ang inyong paninda upang madali ninyong mabawi ang inyong puhunan.
30. Pinabakunahan ni Mang Anton si Nitoy ng anti-rabies dahil nakagat ito ng kanyang alagang aso. Si Mang Anton ay isang taong __________.
A. dakila
C. pabaya
B. mapera
D. responsable
31. Ugali na ni Renan ang mamigay ng pera o mga gamit nya na hindi na ginagamit sa mga taong nangangailangan. Siya ay isang taong _____________.
A. mabagsik
C. mapagkawanggawa
B. madasalin
D. matapat
32. Ginabi kayo ng pag-uwi ni Marie dahil may ipinagawa pa ang inyong guro para sa palatuntunan kinabukasan. Balisa at takot na na si Marie. Bilang kaibigan, ano ang nararapat mong gawin?
A. Sasamahan mo si Marie sa kanila at ipaliwanag ang dahilan.
C. Sisihin at magmaktol sa guro dahil ginabi na kayong dalawa sa pag-uwi.
B. Pabayaan mo lang si Marie na umuwing mag-isa at natatakot.
D. Ihahatid si Marie at gagawa ng ibang dahilan upang hindi siya mapagalitan.
33. Sumakit ang tiyan ni Kardo sa di alam na kadahilanan. Ngumingiwi ito sa sakit at napakapit sa iyo. Alin ang dapat mong gagawin?
A. Aalisin ang kamay na nakakapit sa iyo.
C. Hahanapin ang guro at sasabihing sumasakit ang tiyan ni Kardo.
B. Alalayan siya at dadalhin sa klinika ng paaralan.
D. Sasabihan mo si Kardo na magmamadali sa pag-uwi sa kanilang bahay.
34. Gumagawa kayo ng proyekto sa EPP. Aksidenteng nahulog at natusok ng malaking gunting ang paa ni Amy. Ano ang gagawin ninyo?
A. Hahanapin at babalitaan ang guro sa nangyari.
C. Tawagin ang nars at papuntahin sa silid-aralan.
B. Pauwiin si Amy upang magamot ng nanay niya.
D. Kumuha ng gamot sa medicine kit at lapatan ang sugat.
35. Nawala ang perang pamasahe ni Edwin. May natira ka pang pera na pwede pa sa dalawang tao. Alin ang maaari mong gawin para sa kanya?
A. Pasakayin siya at sabihing doon na siya magbabayad pagdating sa kanila.
C. Sabihang magsimula na siyang maglakad upang makarating agad.
B. Sabihang mangungutang siya sa guro ng pamasahe upang makauwi.
D. Ibahagi mo sa kanya ang tamang pamasahe upang makauwi.
36. Mayroon kayong research sa Science. Malakas ang signal ng internet sa inyo samantalang sobrang hina naman doon banda kina Jozy. Kailangan ng isumite kinabukasan ito. Bilang kaklase, alin ang pwede mong maitulong kay Jozy?
A. Ipagpaalam mo siya sa mga magulang mo na maki internet muna siya sa inyo upang makapagsumite ng research.
C. Sasabihin mong mahina rin ang internet sa inyo.
B. Sabihan mong lumiban sa klase at pumunta sa internet café upang makasumite ng research.
D. Sabihan mong huwag na siyang magsumite nito.
37. Namatay ang tatay ni Bembem. Alin ang maaaring gagawin ng mga katrabaho niya upang maibsan ang pagdadalamhati nito?
A. Susuportahan nila ng tulong pinansiyal, moral at espiritual ito.
C. Pumunta at magtanong ng sanhi ng ikinamatay nito.
B. Pupuntahan si Bemben at sasamahan sa pag-iyak nito.
D. Pumunta at magsugal sa lamay araw-araw.
38. Masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad sina Mang Pepito at Mang Roy nang biglang hinimatay si Mang Pepito. Agad na binuhat ni Mang Roy si Mang Pepito at dinala sa pinakamalapit na ospital. Kung Ikaw si Mang Roy, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
A. Opo, dahil siya ay matalik kong kaibigan.
C. Opo, dahil baka kung may mangyari sa kanya ako ang mapagbibintangan.
B. Opo, dahil may nakakita sa amin na kami ang magkasama.
D. Opo, dahil responsibilidad ko siya bilang tao, kaibigan at mabuting mamamayan.
39. Masayang nagkukuwentuhan habang naglalakad sina Mang Pepito at Mang Roy nang biglang hinimatay si Mang Pepito. Agad na binuhat ni Mang Roy si Mang Pepito at dinala sa pinakamalapit na ospital. Kung Ikaw si Mang Roy, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
A. Opo, dahil siya ay matalik kong kaibigan.
C. Opo, dahil baka kung may mangyari sa kanya ako ang mapagbibintangan.
B. Opo, dahil may nakakita sa amin na kami ang magkasama.
D. Opo, dahil responsibilidad ko siya bilang tao, kaibigan at mabuting mamamayan.
40. Paano kilalanin at sasabihing ang isang tao ay mapagkawanggawa?
A. Namimigay ng tulong at nagiging mabait kapag malapit na ang eleksiyon.
C. Namimigay ng tulong sa mga nangangailangan at kadalasan ay hindi nagpapakilala.
B. Namimigay ng tulong upang ipakita na mapera siya at hindi siya basta maaapi.
D. Namimigay ng tulong sa mga taong mayayaman at kilala sa isang lugar upang higit siyang makilala ng lahat.
41. Iniwasan ni Loy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang gawa.
A. Tama
B. Mali
42. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
A. Tama
B. Mali
43. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga idea ng kaniyang kapangkat.
A. Tama
B. Mali
44. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng kanilang mga opinyon.
A. Tama
B. Mali
45. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinyon ng nakatatanda at nakababata ukol sa pistang magaganap sa kanilang lugar
A. Tama
B. Mali
46. Lumapit sina Jessy sa kanilang dating guro upang humingi ng ideya ukol sa gagawin nilang programa para sa kanilang punungguro.
A. Tama
B. Mali
47. Sumama ang loob ni Carlo nang hindi isinama ang kaniyang ideya sa pagbuo ng kanilang proyekto sa Araling Panlipunan.
A. Tama
B. Mali
48. Binuo nina Jesiebelle ang kanilang tula tungkol sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng kanilang magagandang karanasan.
A. Tama
B. Mali
49. Tinanggap nang maluwag ni Lao una hindi maisasama ang kaniyang ideya sa plano ng kanilang klase.
A. Tama
B. Mali
50. Nag-organisaa ng palaro para sa mga kabataan ang pamunuan ng barangay sa kanilang lugar.
A. Tama
B. Mali
{"name":"Project PAGE- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Grade 6 (Ikalawang Markahan) by Teacher Julieta A. Mallari", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Maligayang pagdating sa aming quiz na naghahatid ng kaalaman tungkol sa pagsusuri at pagpapahalaga sa mga pangako at responsibilidad. Ang quiz na ito ay angkop para sa mga mag-aaral sa ikalawang markahan ng ESP sa ikaanim na baitang.Subukan ang iyong kaalaman sa mga sumusunod na aspeto:Pangako at ResponsibilidadPagmamalasakit at PagkakaibiganPag-unawa sa mga Gawain","img":"https:/images/course5.png"}
More Quizzes
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520
Quarter 2- Module 3 EsP
11636
AP Quiz Bee - Grade 4
12612
Araling Panlipunan_Mock 1st Quarterly Test
22110
2nd Quarterly Test in Filipino II
15815
Long Test in AP_2nd Quarter
15824
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda
3518122
Q1 - 3rd Summative Test in Arts
201033
Sino ang Mamamayang Pilipino?
7437
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 (Ikalawang Markahan) by Teacher Carmela M. Santos
5025138
Long Test in AP_3rd Quarter
15815
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS
50250