LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS
Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Isang mahalagang pagsusulit na naglalayong mas mapalalim and ating pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Ang quiz na ito ay naayon sa ikalimang baitang na kurikulum at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkalinga sa isa't isa.
Subukan ang iyong kaalaman at alamin ang iyong malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod na tema:
- Pagtulong sa kapwa
- Pagmamahal at pagkakaibigan
- Pagkilos sa panahon ng pangangailangan
1. Alin sa mga gawaing ito ang nakatutulong sa kapwa?
1. Alin sa mga gawaing ito ang nakatutulong sa kapwa?
B. Pagkakaroon ng magarang piging.
C. Pagpapatayo ng subdivision para sa mga mayayaman.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Piliin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
A. Pakikipag-away sa mag-aaral sa ibang seksyon.
B. Pagdarasal ng sabay-sabay sa bahay.
C. Kusang-loob na pagdalo sa pagtitipon para sa planong maglinis sa plaza.
D. Pagmamasid sa mga nangyayari sa inyong barangay.
3. Ano ang iyong iniisip sa tuwing nakikita mo ang mga magulang mo ay tumutulong sa inyong kapwa?
A. May pagmamalasakit sa kapwa ang aking pamilya
B. Masaya ang aming pamayanan
C. Nanghihinayang sa tulong na ibinigay ng magulang sa kapwa
D. Maiinis sa kapwang tinulungan ng iyong mga magulang
4. Ang inyong pamilya ay mayroong imbakan ng tubig. Nagkataong nasira angposo ng inyong kapitbahay at wala silang mapagkunan ng tubig kung kaya humingi siya sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pababayaran sa kanya ang tubig.
B. Bibigyan siya ng tama lamang sa pangangailangan niya.
C. Hindi siya bibigyan dahil naging pabaya siya at nararapat na mabigyan siya ng aral.
D. Sasabihan siya na sana ay magpagawa din sila ng imbakan ng tubig upang hindi na sila manghihingi sa susunod.
5. Ang inyong lugar ay palaging dinaraanan ng bagyo kaya naubos na ang mga pananim na gulay at nakararanas na ng gutom ang mga kapitbahay ninyo. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Maaawa lang at walang gagawin.
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng nakaimbak ninyong pagkain.
C. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain.
D. Magbibigay ng makakain at ipagdarasal na sana ay matapos na ang paghihirap na nararanasan.
6. Ano ang ibig sabihin ng katagang, “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag- ibig mo sa iyong sarili”?
A. Huwag mong aawaayin ang iyong kapwa.
B. Piliin mo lagi ang nakalulugod para lamang sa iyong sarili.
C. Tumulong ka sa iyong kapwa kapag ikaw ay may makukuhang kapalit.
D. Pahalagahan mo ang iyong kapwa gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong sarili.
7. Si Abdul ay isang Muslim. Ang kaniyang kaibigan na si Edgar ay isang Kristiyano ngunit kahit magkaiba man sila ng paniniwala ay patuloy pa rin silang magkaibigan. Ano ang kanilang ipinapakita?
A. Pagmamahal sa Diyos
B. Pagtulong sa kapwa
C. Pakikipagkapwa
D. Pagmamahal sa sarili
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa?
A. Ang mga binibigyan lamang ni Joshua ng relief goods ay ang kapareho niya nang relihiyon.
B. Nag-volunteer lamang si Kevin sa clean-up drive dahil may libreng pagkain.
C. Dahil nasa elementarya pa lamang si Joy, sa kanyang palagay ay wala pa siyang kakayahang tumulong sa kapwa.
D. Pinangunahan ni Bea ang ambagan sa kanilang klase para sa kamag-aral nilang namatayan ng ama dahil sa COVID-19.
9. Nakita mong naghihingalo ang inyong kapitbahay na si Mang Ben. Nagkataon na mag-isa lamang siya sa kanilang bahay. Ano ang iyong gagawin?
A. Huwag na lamang siyang pansinin.
B. Hintayin na lamang ang ibang kapitbahay na makakita sa kanya.
C. Hintayin na lamang na dumating ang kamag-anak ni Mang Ben.
D. Tatawag ng kapitbahay upang isugod sa ospital si Mang Ben.
10. Paano ka makakatulong sa iyong kamag-aral na nasunugan?
A. Pagtsismisan ang nangyari sa kaniya
B. Laitin ito at huwag ng pansinin
C. Pabayaan siya sa kanyang kalagayan.
D. Ipagbigay alam sa guro at pangunahan ang pagbigay ng tulong
11. Alin sa mga gawing ito ang nakatutulong sa kapwa?
A. Pagbibigay ng mga pinaglumaang damit para sa mga nasalanta ng bagyo.
B. Pagkakaroon ng magarang piging.
C. Pagpapatayo ng subdivision para sa mga mayayaman.
D. Lahat ng nabanggit.
12. Ano ang ibig sabihin ng katagang, “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili”?
A. Huwag mong aawaayin ang iyong kapwa.
B. Piliin mo lagi ang nakalulugod para lamang sa iyong sarili.
C. Tumulong ka sa iyong kapwa kapag ikaw ay may makukuhang kapalit.
D. Pahalagahan mo ang iyong kapwa gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong sarili.
13. Piliin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.
A. Pakikipag-away sa mag-aaral sa ibang seksyon.
B. Pagdarasal ng sabay-sabay sa bahay.
C. Kusang-loob na pagdalo sa pagtitipon para sa planong maglinis sa plaza.
D. Pagmamasid sa mga nangyayari sa inyong barangay.
14. Si Abdul ay isang Muslim. Ang kaniyang kaibigan na si Edgar ay isang Kristiyano ngunit kahit magkaiba man sila ng paniniwala ay patuloy pa rin silang magkaibigan. Ano ang kanilang ipinapakita?
A. Pagmamahal sa Diyos
B. Pagtulong sa kapwa
C. Pakikipagkapwa
D. Pagmamahal sa sarili
15. Ano ang iyong iniisip sa tuwing nakikita mo ang mga magulang mo ay tumutulong sa inyong kapwa?
A. May pagmamalasakit sa kapwa ang aking pamilya
B. Masaya ang aming pamayanan
C. Nanghihinayang sa tulong na ibinigay ng magulang sa kapwa
D. Maiinis sa kapwang tinulungan ng iyong mga magulang
16. Sa iyong edad alin sa sumusunod ang maaari mong magandang magawa sa kapwa?
A. Isali sa mga dalangin para sa kanilang kabutihan.
B. Laging pag uusapan ang kanilang kahinaan.
C. Pagpapatayo ng charity sa iyong murang edad.
D. Bigyan sila ng pagkain araw-araw.
17. Si Rizza ay isang nurse sa Tacloban City Division. Siya ang naatasan para sa Contact Tracing. Ano ang ating ipapanalangin pasa sa kanya?
A. Magkaroon siya ng maraming kaibigan na nagka covid.
B. Bigyan siya ng malusog na pangangatawan at ilayo siya sa kapahamakan.
C. Makabili siya ng mga bagay na kanyang minimithi.
D. Wala sa nabanggit
18. Ang iyong ama ay isang frontliner. Ano ang iyong sasambiting panalangin para sa kanya?
A. Ilayo siya sa sakit.
B. Bigyan siya ng maraming salapi.
C. Bigyan siya ng bagong damit at mga materyal na bagay.
D. Magkaroon siya ng bagong bahay at magandang sasakyan.
19. Si Ronnel ay isang Muslim at ang kaniyang kaibigan na si Noel ay isang Kristiyano. Kahit magkaiba man sila ng paniniwala ay matalik pa rin silang magkaibigan. Ano kaya ang kanilang panalangin para sa sa isa’t isa?
A. Maging matibay pa ang kanilang pagkakaibigan.
B. Magkaroon sila ng mga laruang gustong gusto nila
C. Mag-away sila dahil magkaiba ang kanilang relihiyon.
D. Maging mayaman sila pareho.
20. Ano ang iyong mararamdaman sa tuwing pinapanalangin mo ang iyong kapwa?
A. malulungkot
B. masaya
C. manghihinayang
D. Maiinis
21. Ang iyong kaibigan ay may sakit. Ano ang iyong gagawin para makatulong sa kanya?
A. Bigyan siya ng mamahaling gamit.
B. Aayain siyang makipaglaro sa palaruan.
C. Pababayaan na lamang siyang gumaling mag-isa.
D. Palagi siyang isasali sa aking mga panalangin para sa kanyang kagalingan.
22. Malaki ang naitulong sa iyo ng iyong mga kaibigan ng magkasakit ang iyong ama. Hindi mo inaasahan na nagkaisa silang tulungan ang iyong ina sa lahat ng gastusin sa ospital? Bilang ganti ano ang iyong gagawin?
A. Kalimutan ang mga kaibigan.
B. Magtsismis tungkol sa kanilang nagawa sa iyo.
C. Magpasalamat ng buong puso at ipanalangin ang kanilang kabutihang ginawa.
D. Wala ka lang gagawin dahil hindi ka naman humingi ng tulong at sila ang kusang tumulong.
23. May lumapit sa iyo na isang matandang pulubi at humihingi siya ng pera pero wala kang maibigay. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawaan ang matanda.
B. Hindi kikibuin ang matanda.
C. Tatakbo at lalayo sa matanda.
D. Sasabihin na wala kang pera at magsambit ng panalangin.
24. Naulila ang iyong kaibigan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Walang nararapat gawin sa ganitong pagkakataon.
B. Ipamukha sakanya na nawalan siya ng magulang.
C. Hindi dadalaw at hayaan na lang siyang magluksa mag-isa.
D. Mag-aalay ng dasal para sa buong pamilya at makikidalamhati.
25. Sa paglipas ng ilang buwan mula ng magkaroon ng pandemyang COVID- 19, naramdaman mong mas naging mahirap para sa iyong pamilya ang sitwasyon. Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin para makatulong ka sa iyong pamilya?
A. Maglalaro ng iba’t ibang applications sa cellphone.
B. Matutulog lang at walang gagawin sa bahay dahil bata ka pa.
C. Manonood buong araw ng iba’t ibang videos sa TikTok at YouTube.
D. Palaging magdarasal para malampasan ng iyong pamilya ang inyong nararanasang kahirapan.
26. Alin sa mga pahayag ang tama tungkol sa pagkalinga at pagtulong sa kapwa?
A. Hindi maganda ang pagtulong dahil hindi pinagpapala.
B. Maganda ang pagiging matulungin dahil pinagpapala.
C. Dahil mahirap ang buhay dapat isipin lang ang pamilya.
D. Wala sa mga nabanggit.
27. Ano ang ibig sabihin ng linyang “Munting kamay gamitin nang tama” sa tula?
A. Palaging maglaba
B. Palaging manghingi
C. Palaging makipag-away
D. Palaging maghanap ng paraan na tumulong
28. Kung ang isang tao ay matulungin ano ang dapat niyang asahan?
A. May mag-aalok ng pera sa taong matulungin.
B. Walang tutulong sa taong matulungin.
C. Ikinatutuwa ng Diyos ang pagiging matulungin.
D. Wala sa mga nabanggit.
29. Ano ang nararamdaman ng tao kapag nakakatulong?
A. Malungkot
B. Masaya
C. Nagagalit
D. Natatakot
30. Binigyan mo ng pagkain ang iyong kaibigan dahil nakita mong siya ay nagugutom, dahil hindi pa nakakabalik ang kaniyang nanay mula palengke. Ano ang iyong aasahang isukli saiyo?
A. Bibigyan ka din ng pagkain ng kaibigan mo
B. Hindi ka maghihintay ng anumang kapalit.
C. Babayaran ka ng pera ng iyong kaibigan.
D. Wala sa mga nabanggit
31. Si Rizza ay isang doktor, nakagawian na niyang tumulong sa kahit na sinong nangangailangan katulad ng pagbibigay ng libreng gamot sa mga may sakit. Sa iyong palagay, nararapat bang tularan ang ugali ni Rizza? Bakit?
A. Oo dahil siya ay tumutulong sa kahit kanino
B. Oo, dahil siguradong magkakapera siya
C. Hindi, dahil mauubusan siya ng gamut
D. Wala sa mga banggit
32. Si Ronnel, Marissa at Noel ay palaging sumasali sa mga relief operation. Hindi nila pinapansin ang pagod sa pagbubuhat ng relief goods makapamigay lang sa mga nangangailangan. Ano ang iyong masasabi tungkol sa kanilang tatlo?
A. Mahal nila ang isa’t isa.
B. Matulungin silang tao.
C. Magbarkada sila sa hirap at ginhawa.
D. Matalino silang mga tao.
33. Nalaman mong may sakit ang iyong pinsan. Ano ang iyong gagawin para makatulong ka sa kaniya?
A. Bigyan siya ng mamahaling gamit.
B. Bibisitahin siya palagi at alagaan
C. Iwasan siya at baka nakahahawa ang kanyang sakit
D. Wala sa mga nabanggit
34. Malaki ang naitulong ng iyong mga kaibigan nang magkasakit ang iyong ama. Hindi mo inaasahan na nagkaisa silang tulungan ang iyong pamilya sa lahat ng gastusin sa ospital. Paano mo matutugunan ang kanilang ginawa?
A. Magpasalamat ng buong puso at tulungan din sila kung sila ay mangangailangan ng tulong.
B. Magsabi ng hindi maganda dahil kulang ang tulong na kanilang ibinigay.
C. Isawalang bahala ang kanilang tulong dahil hindi mo naman ito hiningi.
D. Pumunta sa radio at TV station at doon magpasalamat sa kanila.
35.Dahil sa hirap na kinakaharap ng iyong pamilya dahil sa COVID 19 pandemic ano kaya ang iyong puwedeng maitulong bilang isang mag-aaral sa Grade 5?
A. Maglalaro maghapon gamit ang cellphone.
B. Gawin ang mga gawaing bahay ng may saya sa puso.
C. Manghingi ng pagkain at pera sa kalye.
D. Wala sa mga nabanggit.
36. Nakita mo ang bata na hirap sa pagbuhat ng kaniyang mga aklat.
A. Hindi siya papansinin
B. Sasabihan ang kasama na tulungan ang bata
C. Magmamadaling umalis upang hindi siya makita
D. Tutulungan siya sa pagbubuhat ng mga dalang aklat
37. Walang dalang kagamitan sa pangkatang gawain ang iyong kamag-aral.
A. Sasabihin sa pinuno ng pangkat na tanggalin siya sa aming pangkat
B. Hahayaan ang mga kapangkat na makakita na wala siyang gamit
C. Bibigyan siya ng sobrang dalang gamit para sa pangkatan
D. Hindi siya titingnan para hindi maawa sa kaniya
38. Kumakain ka ng tinapay nang biglang may batang pulubi na humihingi ng iyong kinakain.
A. Bibigyan ko siya ng tinapay
B. Hindi ko siya bibigyan
C. Hindi ko papansinin
D. Paaalisin ko siya
39. Naikuwento ng kaibigan mo na hindi siya nakakakain ng agahan tuwing umaga, nakita mo siya sa daan na nakaupo at naghihintay ng makakasama.
A. Tatawagin siya upang isabay sa pagkain ng agahan
B. Uutusan ko siya bago ko alukin na kumain
C. Sasabihan siya na umuwi ng bahay nila
D. Babalewalain ko siya
40. Ang iyong matalik na kaibigan ay walang maisuot na magandang damit para sa inyong programa sa paaralan. Dahil sa hirap sila sa buhay hindi na niya magawang magpabili pa sa kaniyang mga magulang.
A. Sabihan siya na huwag nang dumalo sa programa
B. Pahihiramin ko siya ng masusuot niya sa programa
C. Ipakikita ko sa kaniya ang aking mga damit
D. Magsasawalang-kibo ako
41. Bilang pagtugon sa mga biyayang iyong natatanggap mula sa Diyos, ano ang maari mong gawin sa mga biyayang ito?
A. Ibebenta ang iba sa mga ito.
B. Pipiliin ang mga pagbibigyan nito.
C. Ipamamahagi at magpasalamat
D. Itago ito sa mga kamag-anak
42. Alin sa umusunod na pahayag ang nagpapakita ng paraan ng pagpasalamat sa Diyos?
A. Nagsisimba kapag ninais lamang.
B. Makipagkuwentuhan habang nasa loob ng pook-dalanginan.
C. Magdasal tuwi-tuwina at matutong gumalang sa mga matatanda.
D. Nagdarasal lamang kapag may problemang dumating
43. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng pagsasabuhay ng pasasalamat sa Diyos.
A. Ang pamilya ni Jerome ay nakikibahagi sa pagdarasal sa kanilang simbahan.
B. Namimigay ng mga relief goods ang pamilya ni Alma sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
C. Tumutulong ang pamilya ni Vin sa paghahakot ng basura sa kanilang lugar na may hinihintay na kabayaran
D. Nagsisimba sa online broadcast ang pamilya ni Daphnie dahil hindi pa puwedeng pumunta sa bahay panambahan nila.
44. Alin ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan sa mga sumusunod na pangungusap.
A. Ang pasasalamat sa Diyos ay pagpapakita ng pagpapahalaga, na tumutulong sa atin na magpakumbaba at pagmamalasakit sa iba.
B. Ang pananalig at pagpapasalamat sa Diyos ay nagpapabago ng ating relasyon sa Kanya.
C. Ang pasasalamat ay naghahatid ng sigla kapuwa sa mga taong tinutulungan at tumatanggap nito.
D. Ang kawalan ng pasasalamat ay ang hindi pagkakaroon ng kamalayan o hindi pagkilala sa biyayang tinanggap mula sa Diyos at sa mga taong tumutulong sa atin.
45. Marami ang paraan kung paano maipakita ang pasasalamat sa mga magulang. Alin ang HINDI kabilang sa sumusunod na pahayag?
A. Si Luring na sumasagot sa kaniyang magulang kapag pinagsasabihan.
B. Si Viring na kahit hindi utusan kusang gumagawa sa gawaing bahay.
C. Si Gunding na naghihintay ng bayad sa pagtulong niya sa iba.
D. Si Pedring na kumukuha ng pera na walang paalam sa pitaka ng kaniyang magulang.
46. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang gawain?
A. Kapag ang tulong ay ibinigay nang kusang loob at hindi na dapat pang ipagpasalamat.
B. Magbigay para bigyan ka rin.
C. Ang batang nag-aaral nang mabuti ay nagpapakita ng pagmamahal sa magulang.
D. Ilagay sa bahay-ampunan ang matatanda dahil wala na silang silbi.
47. Ano ang kahulugan ng pasasalamat para sa iyo?
A. Ito ang pagtanaw ng utang na loob na may pagmamahal sa tumulong sa atin.
B. Susi ng tagumpay at pagiging makasarili.
C. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kabayaran.
D. Tumutulong sa iba para lang sumikat.
48. Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan ng pangangalaga sa mga biyaya na bigay ng Diyos?
A. Pagputol sa mga punong-kahoy sa kagubatan
B. Pagmamalasakit sa kalikasan
C. Pagwawalang-bahala sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaan
D. Pagtatapon ng basura kahit saan
49. Aling gawain ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa biyayang bigay ng Diyos?
A. Pagtirador sa mga ibon
B. Pag-aaksaya ng tubig
C. Pagtatapon ng basura kung saan-saan
D. Pagtatanim ng puno at halaman
50. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa pasasalamat sa Diyos. Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang?
A. Ang pagsisimba ay paraan ng pagpapasalamat at pagmamahal sa Diyos.
B. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.
C. Ang pagrespeto o paggalang sa matatanda ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos.
D. Ang pasasalamat ay naghahatid ng lungkot sa kapuwa sa mga nagbibigay at tumatanggap nito.
{"name":"LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Isang mahalagang pagsusulit na naglalayong mas mapalalim and ating pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Ang quiz na ito ay naayon sa ikalimang baitang na kurikulum at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkalinga sa isa't isa.Subukan ang iyong kaalaman at alamin ang iyong malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod na tema:Pagtulong sa kapwaPagmamahal at pagkakaibiganPagkilos sa panahon ng pangangailangan","img":"https:/images/course1.png"}
More Quizzes
ESP 2 (Term 2): Paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagmamahal sa sarili -sy22-23
5244
ESP 2 PAGSASANAY (TERM 3)
15881
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520
Q1 - 4th Summative Test in ESP 1
18939
SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 (Q3) by Teacher JULIETA A. MALLARI
502523
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4 (Ikalawang Markahan) by Teacher Marylyn P. Gutierrez
4020139
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda
3518124
2nd Quarter Test in AP II
1588
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN by Teacher Carmela M. Santos
50250
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher MARY ANN D. ARTACHO
25120
TD History Quiz byKathleen Magbalon11-Realino
1059
ESP 3 PAGSASANAY (TERM 3)
15830