COMPAN PRACTICE
{"name":"COMPAN PRACTICE", "url":"https://www.quiz-maker.com/QI1VIOO2J","txt":"Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dito pinag-usapan ng mabuti kung anong wika ang itatag bilang wikang pambansa. Nagkakaroon ng pagtatalo kung wikang katutubo ba o wikang ingles ang gagamitin., Dito ay itinadhana na ang Kongreso ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng pangkalahatang Wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika., Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa batay sa Batas Komonwelt Blg. 184. Tungkulin ng Surian ay mamuno sa pag-aaral at pagpili ng wikang pambansa. Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Si Jaime de Veyra, ang pinuno ng komite na nagsagawa ng pag-aaral ay napili ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa”.","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/images/ogquiz.png"}