Discover your Inner Crepesonality

1. Nakita mo ang crush mo na dumaan sa corridor, anong gagawin mo?
Titingin ka lang saglit, sabay iiba ng daan para iwasan siya, habang silently wishing na sana siya ang unang pumansin.
Lalapitan mo siya at magkukwento ng talambuhay mo at kung gaano ka ka-angas.
Magpo-post ka sa social media na nakita mo nanaman si crush at kinikilig ka.
Magpapakipot ka at titingin sa malayo, parang wala kang pake.
2. Group project ulit, pero may isang kagrupo na walang ambag. Anong gagawin mo?
Tatawanan mo na lang at sasabihin, "At least may taga-luto tayo ng Pancit Canton!"
Kukuyugin mo siya ng “friendly reminder” message na 5 paragraphs long.
Gagawin mo na lang lahat ng work para matapos na, pero panay ang reklamo mo.
Mag-a-adjust ka na lang, ‘di ka na mag-eexpect.
3. May teacher kang mahilig magpa-surprise quiz, anong reaction mo?
Tatawanan mo na lang, "Wow, ganyan pala ‘yung thrill ng buhay!"
Magrereklamo ka nang bongga, "Bakit hindi ‘yan nasa syllabus?!"
Magpo-post ka agad sa social media, "Feeling stressed, kailangan ko ng support!"
Dedma, okay lang, chill ka lang kahit wala kang alam.
4. May nagbigay sa’yo ng compliment, anong sasabihin mo?
"Uy, baka ma-in love ka na sa akin niyan, ha!"
"Alam mo, ganito kasi ‘yan..." sabay kwento ng buong life story mo.
"Ano na naman ang kailangan mo?"
"Uh, okay, sure. Cool."
5. Napansin mong may pinagdadaanan ang friend mo, anong gagawin mo?
Susubukan mong patawanin kahit medyo serious ang vibe.
Magbibigay ka ng 10-point plan on how to solve their problem.
"Ano na naman ba? Hindi pa ba tapos ‘yung drama?"
Makikinig ka na lang, pero medyo na-ooverwhelm ka sa dami ng feelings.
6. Nagka-crush ka sa classmate mo, paano mo ipapakita?
Hindi mo ipapakita, maghihintay ka na lang ng sign mula sa universe.
Bibigyan mo siya ng daily update sa kung ano’ng latest sa life mo.
Laging present ka sa mga galaan na kasama siya, hyper ka pa.
Hindi mo ipapakita, dedma mode ka lang.
7. Nadulas ka sa harap ng maraming tao, anong gagawin mo?
Mapipikon ka at sisihin ang sahig, "Bakit ba kasi ang dulas dito?!"
I-eexplain mo kung bakit nangyari ‘yun, parang lecture sa TED Talk.
Parang gusto mo na lang magtago sa isang sulok, sa sobrang hiya.
Tumayo ka lang at parang walang nangyari, tuloy sa lakad.
8. May nag-spill ng juice sa new shirt mo, anong reaction mo?
"No worries, at least nabasa ka rin, hindi lang ako!"
€Bakit ako?! Sa dinami rami ba naman, ‘yung akin pa nabinyagan”
Magpo-post ka agad sa social media, “RIP sa bagong shirt ko, pero fighting lang!”
"Cool, parang abstract art."
9. May event na kailangan mong mag-speak, anong gagawin mo?
Mai-stress ka ng todo, pero gagawin mo pa rin kahit nanginginig ka.
Gagamitin mong platform to share all your thoughts and ideas.
Hyper ka, maraming gestures at energy habang nagsasalita.
Short and sweet, tapos na agad.
10. Exam week na, anong strategy mo?
Konting review, sabay post ng "Grades is just a number."
Study group with matching lecture, ikaw ang main speaker.
All-nighter with energy drinks, hyper hanggang exam.
Chill, "Bahala na si Batman."
11. Nawala ang notes mo bago ang exam, anong gagawin mo?
Magda-drama ka na parang ikaw ang bida sa teleserye, "Bakit ako?!"
Magra-rant sa social media tungkol sa importance ng pagiging organized.
Magre-rewrite ng notes ng buong gabi, walang tulugan.
Tatahimik ka na lang at hihintayin ang milagro.
12. May group presentation kayo, anong role mo sa group?
Hype person, ikaw ang magdadala ng energy sa presentation.
Magtatago ka sa likod ng grupo, hoping na hindi ikaw ang tatanungin.
Taga-hawak ng kartolina / taga-next ng slide.
Background support, lowkey pero effective.
13. May nag-lecture sa’yo, anong reaction mo?
Magda-drama ka na parang ikaw ang victim sa teleserye, “Lagi na lang ako!”
Magde-defend ka ng sarili mong parang debate champion.
Bibirahin siya at ilalabas din ang mga baho niya.
"Okay po, noted." pero deep inside, gusto mo nang umalis.
14. Nakita mo na may mali sa ginagawa ng friend mo, anong gagawin mo?
Makikiramdam ka muna bago mag-suggest, pero medyo hesitant ka pa rin.
I-explain mo ng buong detalye kung ano dapat ang tamang gawin.
Sabihin mo na lang na "Go, go, go! Kaya mo ‘yan!"
Icacall-out at paparinggan sa FB post.
15. Nag-away kayo ng kaibigan mo, paano mo siya susuyuin?
Babatiin mo ng, "Sorry na, joke lang ‘yun!" sabay tawa.
I-eexplain mo kung saan ka nanggaling at bakit ka nasaktan.
Yayayain mo siya lumabas at mag-bonding para maayos.
Maghihintay ka na lang na lumamig ang sitwasyon, saka mo kakausapin.
16. May bagong gadget ang friend mo, anong reaction mo?
"Cool, pero okay lang kahit wala ako n’yan." pero deep inside, medyo naiinggit ka rin.
Tatanungin mo kung ano lahat ng features—parang product review.
Magpapa-try ka agad, excited na i-explore.
"Cool. Nice gadget." pero medyo naiinggit ka rin.
17. Late ka na sa class, anong excuse mo?
"Sorry po, napasarap ng tawa kagabi, late na natulog!"
Magbibigay ka ng detailed explanation kung bakit ka na-late.
Papasok ka ng hyper, "Good morning, class!" parang walang nangyari.
Pasok ka na lang ng tahimik, walang excuse, diretso sa upuan.
18. May project na due bukas pero hindi mo pa nasisimulan, anong gagawin mo?
"Well, at least may thrill ‘di ba?" Uubusin mo ang energy drinks at mag-overnight cramming.
Magda-drama ka sa mga kagrupo mo, "Sino ba namang nag-isip ng deadline na ‘to?!"
Mai-stress ka ng sobra, pero gagawin mo pa rin kahit humihikbi ka na.
Chill lang, gagawin mo pero walang stress. Bahala na.
19. May nag-comment ng hate sa post mo, anong gagawin mo?
Sasagutin mo ng, "Thanks for the engagement! Love it!" sabay tawa.
I-de-defend mo ang sarili mo sa comment section, parang debate.
I-hype mo ang sarili mo, "Haters gonna hate, let’s party!"
Deadma, walang reply, dedma sa negativity.
20. Nasa mall ka, at may nakita kang celebrity, anong gagawin mo?
Magvivideo at magpapabirthday greet kahit hindi mo pa birthday.
Lalapitan mo siya at tatanungin ng personal questions, parang interview.
Sisigaw ka ng "OMG! IS DIS REYAL?!" sabay photo op agad.
Titingin lang “sino ka ba?”, tapos medyo naiirita ka dahil ang daming tao.
{"name":"Discover your Inner Crepesonality", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"1. Nakita mo ang crush mo na dumaan sa corridor, anong gagawin mo?, 2. Group project ulit, pero may isang kagrupo na walang ambag. Anong gagawin mo?, 3. May teacher kang mahilig magpa-surprise quiz, anong reaction mo?","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/images/ogquiz.png"}
Powered by: Quiz Maker