FILIPINO 1st.mid.exam
May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.
Ang aklat ay nagbibigay ng iba't ibang impormasyon. Ito rin ay nagdadala sa atin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.
Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa araw na ito.
Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba't ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod sa bansa.
Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari sa Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga kastila at katutubo kung saan tinalo ni Laplapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.
Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdang patungo sa langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdang-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isa ring kahanga-hangang tanawin.
Masagana ang buhay sa bukid. Malawak ang bukid na mapagtataniman. May lawa at ilog na mapangingisdaan. May bundok na mapagkunan ng kahoy at produktong -gubat. Sa bukid ay malalasap natin ang malamig na simoy ng hangin, sariwang pagkain, at simpleng buhay.
Magalang na bata si Juan. Palagi niyang binabati ang kaniyang mga nakasasalubong sa daan. Gumagamit siya ng po at opo sa pakikipag-usap sa nakakatanda. Magalang din siyang nagmamano sa kaniyang mga magulang kapag dumarating mula sa paaralan. At kapag siya ay nagkasakit, humihingi siya ng paumanhin.
Nagsimula na ang aming klase sa paaralan.
Hindi naman masamang magpahayag ng sariling opinyon hangga't wala tayong sinasaktang tao.
Ang bawat pangkat ay nakilahok sa Virtual Mass.
Sa aking palagay, dapat kang humingi ng tawad sa kaniya.
Marami kaming tanim na bulaklak sa hardin.
Sila ang aking mga magulang.
Dinalhan nila kami ng maraming buwig ng saging.
Huwag nating ipagkait ang kalayaan sa ating bansa.
Ang pag-ibig sa kapwa ay pag-ibig sa Diyos.
Handa na ang hukbo para sa giyera.
Ang tribu ng mga kapatid nating monorya ay matatagpuan sa mga lugar na bulubundukin.
Pinag-usapan ng mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan.
Sa pag-aalaga ng hayop, maraming bagay ang dapat bigyang pansin.
Nakapitas ako ng isang kumpol na makopa.
Si Jade ay may manikang pumipikit at dumidilat.
Napakaganda ng dala niyang pumpon ng mapupulang rosas.
Kaligayan na ni Juan ang tumulong sa mga mahihirap.
Ito ay mga pangkaraniwang pangngalang nakikita at nahahawakan, o nadarama ng ating pandama.
Ito ay mga pangngalang pangkaraniwang di nakikita o nahahawakan pero nadarama, naiisip, nagugunita, o napapangarap.
Tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
Si G. Teodoro ay kawani sa munisipyo ng kanyang siyudad.
Ramil, magsaliksik tayo sa silid-aklatan mamayang hapon.
Ang pulong na ito ay tungkol sa mga bagong panukala.
Nagbukas ng bag ang aking ama para kay Anna
Sina Carmina at Shiela ay sasama sa ating paglalakbay.
Si Seyren ay mag-aaral sa ika-limang baitang.