LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4 IKA-APAT NA MARKAHAN by Teacher MARYLYN P. GUTIERREZ
Health and Values Quiz
Test your knowledge on health, personal values, and environmental awareness with this engaging quiz designed for students in the fields of ethics and health education. Whether you're looking to improve your understanding or simply want to challenge yourself, this quiz provides a comprehensive set of questions that cover various important topics.
Key Features:
- 40 multiple choice questions
- Focus on health, ethics, and environmental responsibility
- Ideal for educators and learners alike
1. Gutom na gutom na si Mina kaya’t naisipan niyang pumunta sa tindahan. Alin sa sumusunod na pagkain ang dapat niyang bilhin upang mapanatili ang malusog niyang pangangatawan?
A. Sitsirya at softdrinks
B. Chocolate at ice cream
C. Ice candy at chicharon
D. Buko juice at banana cue
2. Ang sumusunod na mga gawain ay nagpapakita ng pag iwas sa pagkakaroon ng sakit na COVID-19 maliban sa isa.
A. Pagpapanatili ng social distancing lalo na sa maraming tao.
B. Pagsusuot ng facemask at palagiang paghuhugas ng kamay.
C. Pakikipaglaro sa kaibigang may sipon at ubo.
D. Pag-iwas sa paghawak ng mata, ilong at bibig.
3. Alin sa sumusunod ang tamang paraan ng pangangalaga sa sarili?
A. Matulog nang tatlo hanggang apat na oras bawat araw.
B. Pagkain ng sapat at masustansiyang pagkain.
C. Pag-iwas sa pag-inom ng gatas dahil hindi ito masarap.
D. Pag-eehersisyo minsan sa isang linggo.
4. Alam mong masustansiya ang gulay ngunit ayaw mong kumain nito. Inimbitahan ka ng kaibigan mong mananghalian sa kanila ngunit ang ulam nila ay gulay. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipapakain ko sa aso ang gulay nang hindi nila nakikita.
B. Itatabi ko sa gilid ng plato ang gulay.
C. Susubukan kong kainin ang gulay.
D. Uuwi na lang ako sa amin at doon kakain.
5. Si John ay laging kumakain ng chocolate, kendi, cake at junk foods. Ano ang maaaring mangyari sa kaniyang kalusugan? Siya ay magiging _____________.
A. Maliksi at puno ng enerhiya
B. Mahina at sakitin
C. Maganda ang pangangatawan
D. Masigla at malakas
6. Galing sa pamamalengke ang iyong nanay. Bilang pag-iingat para sa kaligtasan at kapakanaan ng inyong pamilya, ano ang iyong gagawin upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus?
A. Ipaghanda ng pamalit na damit ang iyong nanay at hintaying makapagdisinfect ng kaniyang sarili.
B. Kunin ang ginamit na facemask at faceshield ng iyong nanay.
C. Salubungin agad siya at magmano.
D. Buksan ang pinamiling groceries.
7. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?
A. Magbabad sa paglalaro ng online games.
B. Kumain ng matatamis na pagkain tulad ng tsokolate.
C. Uminom ng softdrinks araw-araw.
D. Mag-ehersisyo at magpahinga ng sapat na oras.
8. Alin ang dapat mong ugaliin upang hindi ka magkasakit?
A. Pagkain ng matatamis at junk foods
B. Pagtulog buong maghapon
C. Paliligo ng dalawang beses sa isang linggo
D. Paghuhugas ng kamay bago kumain
9. Niyaya ka ng kaibigan mong si Abby na maglaro sa kanilang bahay. Napansin mong inuubo ang kaniyang nanay, my sore eyes naman ang isa niyang kapatid at nakita mong namumula rin ang mata ng kalaro mong si Abby. Ano ang mainam mong gawin?
A. Yayayain ko rin ang kapatid ni Abby na sumali sa aming laro.
B. Uuwi na lang ako at ibabalita ko sa iba ang sakit nila.
C. Magpapaalam ako nang mabuti kay Abby na sa ibang araw na lang makikipaglaro para hindi ako mahawaan ng sakit nila.
D. Hahayaan ko lang sila at patuloy akong makikipaglaro.
10. Ang mga sumusunod ay makatutulong upang maiwasang mahawa ng COVID-19 maliban sa
A. pag-iwas sa matataong lugar
B. Regular na paghuhugas ng kamay
C. Madalas na pakikisalamuha sa ibang tao
D. pag-iwas sa paghawak sa mata, ilong, at bibig
11. Araw ng Sabado, ikaw ay nasa loob ng bahay samantalang ang iyong nanay ay naglalaba sa labas ng bahay. Ilang sandali ay narinig mong may tumatawag sa may tarangkahan ninyo. Tumahol nang tumahol ang alagang aso ninyo na ikinatakot ng taong nasa inyong tarangkahan.
A. Sasabihan ko ang nanay na magtago dahil may taong naghahanap sa kaniya.
B. Sasawayin ang aso sa pagtahol at tatawagin ko ang aking nanay.
C. Hindi ko papansinin kung sino man ang tumatawag.
D. Hahayaan siyang tumawag dahil hindi ko naman kilala.
12. Inutusan ka ng guro upang ihatid ang mga report cards ng inyong klase sa opisina ng punongguro upang papirmahan ang mga ito. Pagpasok mo ay nakita mong may mga gurong nasa loob habang kausap sila ng punongguro.
A. Sabihan ang punongguro na inutusan ka ng iyong guro at hihintayin mo ito hanggang sa matapos siyang magpirma.
B. Babatiin lahat ang mga gurong nasa loob ng opisina kasama na ang punongguro bago iabot ang dalang report cards.
C. Mabilis na iaabot sa punongguro ang mga dalang report cards.
D. Aatras sa pagpasok at muling babalik sa silid-aralan.
13. Magkasama kayo ng iyong lola papuntang mall. Sumakay kayo ng jeep, puno na ito ng pasahero subalit may isa pang matandang babae na nais sumakay. Wala na itong maupuan kaya nakiusap ito na makasingit upang makarating agad sa kaniyang pupuntahan. Naawa ka sa kaniyang kalagayan dahil siya ay mahina at matanda na.
A. Hahayaan ko ang lola na sumingit at umupo sa sahig ng jeep.
B. Sabihan ko ang drayber na huwag ng pasakayin ang matanda.
C. Hindi ako makikialam at hindi kikibo.
D. Pauupuin ko si lola sa upuan ko.
14. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa kapuwa maliban sa isa.
A. Pakikipagkuwentuhan nang hindi nakakaistorbo sa iba.
B. Pagtulak sa kamag-aaral na nauna sa pila.
C. Pakikinig sa magulang na nagpapangaral.
D. Pagbati sa kaklaseng nanalo sa patimpalak.
15. Bakit mahalagang igalang at pahalagahan ang ating kapuwa?
A. Upang maipakita ang pagpapahalaga sa kanila.
B. Upang masabi ko sa aking mga kaklase na ako ay magalang.
C. Upang makatanggap ako ng pagkilala mula sa ibang tao.
D. Upang tumaas ang aking marka sa ESP.
16. Ang kaugaliang paggalang sa kapuwa ay kilos na nagpapakita ng pananalig sa ______________.
A. kapuwa
B. Diyos
C. sarili
D. Sarili at kapuwa
17. Napadaan ka sa bahay ng kaibigan mo, tinawag ka niya at inalok ng meryenda. Pumasok ka sa loob ng bahay at nakita mo ang iba niyang kapamilya. Ano ang iyong gagawin?
A. Titingnan ko lang sila habang ako’y kumakain ng meryenda.
B. Yuyuko na lang ako para hindi sila makita.
C. Babatiin silang lahat at magmamano ako sa nakatatanda sa akin.
D. Magtatago ako sa likod ng kaibigan ko para hindi nila mapansin.
18. Nagkagulo sa bakuran ng kapitbahay mo. Lumapit ka upang alamin ang nangyayari. Nakita mong nakikipagaway ang pinsang mong si Arman. Pinagsasalitaan ng masama at pinipintasan niya ang isang bata. Sa pangyayaring ito, ipinakita ba ni Arman ang paggalang sa kaniyang kapuwa? Bakit?
A. Opo, dahil hindi maaaring apihin ng kapuwa.
B. Opo, dahil ipinagtatanggol lang niya ang sarili.
C. Hindi po, dahil ang pagmumura at pamimintas ay nakasasakit ng damdamin ng kapuwa.
D. Siguro hindi, dahil nakikipag-away si Arman.
19. Ang mga sumusunod ay mga gawain na nagpapakita ng paggalang sa kapwa-tao maliban sa isa.
A. Binabati ang guro sa pagpasok sa paaralan.
B. Pagpapatuloy ng mga kapamilyang galing sa ibang probinsya.
C. Paghalik o pagmamano sa magulang pagkagaling sa paaralan.
D. Pagsagot sa nanay nang padabog kapag ayaw sundin ang utos.
20. Napanood mo sa telebisyon na malapit nang maubos ang mga endangered na hayop. Gusto mong makatulong upang manumbalik ang dami nito at hindi maubos. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat gawin?
A. Pagputol ng mga sanga ng puno na di nadapuan ng mga ibon.
B. Pagsuporta sa batas na nagbabawal sa panghuhuli ng endangered animals.
C. Pagbahagi ng mga nalalaman tungkol sa pagprotekta ng endangered na hayop.
D. Pagpapaalam sa magulang ng nanghi hi nang agila na napadpad sa bakuran upang ipagbigay-alam sa ki nauukul an.
21. Ang pagkalinga sa mga ligaw na hayop at endangered animals ay isang magandang katangian na nagpapakita ng pagmamahal sa ________________?
A. Diyos
B. halaman
C. hayop
D. kapuwa
22. Alin ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga ligaw na hayop o endangered animals?
A. Pinaglalaruan ko ang pagong na nakita ko sa tabi ng ilog.
B. Nagtatanim ako ng puno upang may masilungan sila.
C. Pinapaalis ko ang mga ibong dumadapo sa sanga ng puno.
D. Hinahayaan kong batuhin ng mga bata ang baboy ramo.
23. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa ligaw na hayop maliban sa _____________?
A. Paghuli ng mga ligaw na hayop upang ibenta.
B. Pag-iwas sa paninira ng tirahan ng mga ligaw na hayop.
C. Paghikayat sa kaibigan na alagaan ang mga ligaw na hayop.
D. Pagsita sa ibang bata na nambabato ng ligaw na hayop.
24. Habang namamasyal kayo sa Manila Zoo. Nakita mong binabato ng mga bata ang buwaya. Ano ang gagawin mo?
A. Sasawayin ko sila.
B. Hahayaan ko lang sila.
C. Babatuhin ko rin ang buwaya.
D. Galit na pagsasabihan sila.
25. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa halaman?
A. Tinatanggal ang damo na nakapaligid sa halaman.
B. Hinahayaang matapakan ang tanim na halaman.
C. Pinapabayaan at hindi pinapansin ang natumbang halaman.
D. Pinipitas ang mga dahon at bulaklak ng halaman.
26. Dahil sa pagpuputol ng mga tao ng mga halaman at puno sa kagubatan nakakalbo na ang ating kabundukan. Ito ang nagiging dahilan ng pagbaha at landslide. Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral upang makatulong sa mga programang inilulunsad upang maiwasan ito?
A. Tumanggi sa paglahok sa programa pagkat wala akong kayang gawin.
B. Magsasawalang kibo na lamang pagkat marami namang sasali.
C. Makikilahok sa mga nagpuputol para may mai benta rin na mga pi nutol na kahoy.
D. Uumpisahan ang pagtatanim sa sariling tahanan sa bakanteng lote na maaari ng pagtaniman.
27. Gusto mong mag-alaga ng halaman ngunit wala kang lupang mapagtataniman nito, ang mga sumusunod ay maaari ng mong gawin maliban sa isa.
A. Magtatanim sa lupa ng kapitbahay kahit hindi nagpapaalam.
B. Tutulong sa pagtatanim sa kaibigang may bakanteng lote sa kanilang bakuran.
C. Gagamit ng mga supot o pl astic na lalagyan na puwedeng gamiting paso.
D. Mag-iipon ng pera upang ipambili ng paso.
28. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga halaman at panani m maliban sa isa.
A. Pag-aayos ng mga nabuwal na halaman
B. Pag-alis sa peste na nasa halaman
C. Pagbubungkal ng tanim na halaman sa paligid
D. Pagbabad ng halaman sa mainit na lugar
29. Hinihikayat ka ng kaibigan mo na lumahok sa “Clean and Green Program” dahil ito ang programang ipinapatupad sa inyong barangay. Ano ang gagawi n mo?
A. Lalahok para makatulong sa barangay
B. Huwag pansinin at ipagwalang bahala ito
C. Sasali kapag may kapalit na bayad
D. Magdahilan na marami ng ginagawa
30. Ano ang nakapaloob sa Republic Act 10176 o Arbor Day Act of 2012?
A. Pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng kalamidad
B. Pagtatanim ng kahit isang puno kada taon
C. Pagkupkop ng mga ligaw na hayop
D. Pamamahagi ng pananim ng gobyerno
31. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pangangalaga ng halaman maliban sa__________.
A. Pagdidilig.
B. Hayaan na lumago ng kusa ang mga halaman.
C. Pagbubungkal ng lupa.
D. Pag-aayos ng nabuwal na halaman.
32. Ang ibig sabihin ng Republic Act 10176 o Arbor Day Act of 2012 ay _____________.
A. Nagsasaad na kailangang pangalagaan ang mga endangered animals
B. Nagsasaad ng tamang pangangalaga ng mga halaman.
C. Nagsasaad na pangalagaan ang mga hayop.
D. Nagsasaad na ang mga Pilipinong edad 12 pataas ay dapat na magtanim ng kahit isang puno kada taon.
33. Alin ang tama sa mga sumusunod na pahayag?
A. Putulin ang mga punongkahoy at gawing uling.
B. Bunutin ang damo sa paligid ng halaman.
C. Pagkatapos magtanim hayaan na lang ang mga halaman ng lumago ng kusa
D. Tambakan ng basura ang paligid ng halaman.
34. Kelan ipinagdiriwang ang Arbor Day sa Pilipinas?
A. Hunyo 25 ng bawat taon
B. Enero ng bawat taon
C. Agosto ng bawat taon
D. Hulyo ng bawat taon
35. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga kagamitan?
A. Sulatan ang mga upuang gawa sa kahoy.
B. Itapon na ang aparador na kupas na ang pintura.
C. Huwag sayangin ang mga papel, i-recycle ang mga ito para maiwasan ang pagdami ng basura.
D. Punitin ang pahina ng notebook sa kaunting pagkakamali lamang.
36. Ang kalikasan ay ipinagkaloob ng Diyos para sa lahat ng may buhay, dahil dito nakagagawa ng mga kagamitang mayroon tayo sa bahay, paaralan at pamayanan. Lahat ng mga ito ay may mahalagang naitutulong sa atin kaya dapat nating _____________________________.
A. hayaan
B. ingatan
C. pabayaan
D. itago
37. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tamang pangangalaga sa mga kagamitang gawa ng tao maliban sa isa.
A. Maingat na binubuhat ang mga upuan at mesa na ililipat sa ibang bahagi ng bahay.
B. Ikinakalat ang balat ng prutas na kinain kapag naglalaro sa siso at duyan sa parke.
C. Pinupunasan ang mga palamuting nakadisplay sa loob ng bahay.
D. Pinapanatiling malinis ang paggamit ng pampublikong palikuran.
38. Alin sa sumusunod ang tama?
A. Ang pangangalaga at pag-iingat sa mga kagamitang mula sa kalikasan ay pagpapakita ng pagmamahal sa Diyos.
B. Ang pagpuputol ng mga puno upang gawing tabla at kahoy na walang pahintulot sa pamahalaan ay maaaring isakatuparan.
C. Ang pagbebenta ng mga kagamitan sa bahay kapag walang pera ay magandang kaugalian.
D. Ang pagsusunog ng mga lumang kagamitang yari sa kahoy ay tamang paraan upang matugunan ang problema sa basura.
39. Bakasyon na ngunit mahilig magsulat si Perla ng mga kuwentong pambata. Alin sa sumusunod ang pinakatamang dapat gawin ni Perla?
A. Kunin ang natitirang papel ng kapatid ng hindi nagpapaalam.
B. Gamitin ang lumang kuwaderno na maaari pang sulatan.
C. Magpabili ng bagong papel sa nanay.
D. Gawin ang pagsusulat kahit saan.
40. Habang naglalakad ka pauwi, nakita mong binabato ng mga bata ang bahay-kubo ni Mang Andres. Ano ang maaari mong gawin sa nakita mo?
A. Isusumbong ko sila sa pulis at ipapahuli.
B. Hahayaan ko sila sa kanilang ginagawa.
C. Pagsasabihan ko sila na itigil ang pambabato ng hindi mapagalitan ng may-ari.
D. Makikiisa rin ako sa kanila para maging kaibigan ko sila.
{"name":"LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4 IKA-APAT NA MARKAHAN by Teacher MARYLYN P. GUTIERREZ", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Test your knowledge on health, personal values, and environmental awareness with this engaging quiz designed for students in the fields of ethics and health education. Whether you're looking to improve your understanding or simply want to challenge yourself, this quiz provides a comprehensive set of questions that cover various important topics.Key Features:40 multiple choice questionsFocus on health, ethics, and environmental responsibilityIdeal for educators and learners alike","img":"https:/images/course3.png"}
More Quizzes
ESP 2 PAGSASANAY (TERM 3)
15879
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda
3518122
Long Test in MAPEH_3rd Quarter
15819
ESP 3 PAGSASANAY (TERM 3)
15829
Q1 - 3rd Summative Test in Health
14739
ESP 2 (Term 2): Paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagmamahal sa sarili -sy22-23
5243
MATEO 7 AND 8
10527
Maging Mabuting Mamamayan Quiz
5226
3rd Summative Test in ESP 1
231227
MAPEH Quiz
1589
Araling Panlipunan 2 Dagiti Galad ti Mangidadaulo Quiz: Direksiyon: Pilien ti lletra ti umno a sungbat.
10517
DOK 10
15811