KARAHASAN SA PAARALAN: SUBUKIN NATIN!

Create an illustration depicting various forms of school violence and bullying, showing diverse students in a school setting, highlighting the impact of peer interactions, with a somber yet educational tone.

Karahasan sa Paaralan: Subukin Natin!

Itinataas ng quiz na ito ang kamalayan tungkol sa karahasan sa paaralan. Alamin ang iba't ibang anyo ng pambubulas at ang mga epekto nito sa mga mag-aaral.

Sumagot sa mga tanong upang suriin ang iyong kaalaman tungkol sa:

  • Pambubulas at karahasan
  • Mga sanhi ng karahasan sa paaralan
  • Epekto ng karahasan sa mental na kalusugan
11 Questions3 MinutesCreated by DefendStudent739
1. Matalino sa klase si Juan ngunit nasisiyahan siyang saktan ang aspetong pandamdamin at pangpisikal ng kanyang mga kaklase. Anong uri ng umiiral na karahasan sa paaralan ang ginagawa ni Juan?
A. gang
B. pagnanakaw
C. Pambubulas o bullying
D. Sexual harassment o panliligalig sa sekswal
2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng uri ng pambubulas sa paaralan?
A. Lumiban sa klase
B. Nangopya sa kaklase
C. Nambubugbog ng kaklase
D. Nakipagkwentuhan sa klase
3. Ano ang pangunahing dahilan ng mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?
A. Ayaw na mag-aral
B. Gusto lang sumali
C. Naiingit sa mga kaklaseng kasali
D. Kulang sa atensyon ng magulang
4.Anong uri ng karahasan ang pang-aapi o panlalait ng kapwa mag-aaral?
A. Paglahok sa fraternity
B. pagpapabaya
C. pambubugbog
D. pambubulas
5. Nakatagpo ng bagong kakilala si Joan sa social media. Madalas niya itong kakwentuhan sa gabi. Isang gabi, pinilit siya nitong magpadala ng mga malalaswang larawan. Anong uri ng karahasan ang naranasan ni Joan?
A. gang
B. pagnanakaw
C. pambubulas
D. Sexual harassment o panliligalig sa sekswal
6. Anong uri ng pambubulas ang may layuning sirain ang mabuting pangalan at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao?
A. Sosyal na pambubulas
B. Pisikal na pambubulas
C. Pasalitang pambubulas
D. Tahimik at pisikal na pambubulas
7. Anong uri ng karahasan ang may kaugnayan sa pananakit ng kapwa kabataan sa loob ng paaralan?
A. Paglahok sa fraternity
B. Pisikal na pambubulas
C. Pambubulas o bullying
D. Pasalitang pambubulas
8. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng pambubulas sa paaralan?
A. Masakit ang ngipin ni Alyn kaya umuwi siya ng bahay na umiiyak.
B. Ipinahayag ni Richard ang kanyang tunay na nararamdaman kay Cha.
C. Nagpalakpakan ang buong klase pagkatapos nitong maglahad ng kanyang sagot.
D. Naglalako ng daing si Mary sa kanilang lugar kapag walang pasok, kaya lagi siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase na amoy daing ito.
9. Ang kakulangan ng atensiyon ng magulang at walang maayos na pagdidisiplina sa anak ay nagiging sanhi ng mababang marka at karahasan sa paaralan. Alin sa sumusunod ang sanhi na nagdudulot ng karahasan sa paaralan?
A. fraternity
B. Marahas na media
C. dysfunctional home o hindi maayos na tahanan
D. Seksuwal na oryentasyon ng tao
10.Tuluyan ng huminto sa pag-aaral si Juana dahil sa hindi na niya makayanan ang ginawang pambubulas ng kanyang kaklase. Matinding takot at pagkabalisa ang nararamdaman niya tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang nangyari. Ano ang naging epekto ng naranasang karahasan ni Juana?
A. depresyon
B. pag-aaway
C. School dropout
D. stress
11.Araw-araw ay parating nag-aaway ang mga magulang ni CJ. Mapapansin na bumababa ang marka nito sa klase na naging dahilan ng kanyang paghinto sa pag-aaral. Ano ang sanhi ng pagbaba ng marka at paghinto nito sa pag-aaral?
A. fraternity
B. Marahas na medya
C. dysfunctional home o hindi maayos na tahanan
D. Seksuwal na oryentasyon ng tao
{"name":"KARAHASAN SA PAARALAN: SUBUKIN NATIN!", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Itinataas ng quiz na ito ang kamalayan tungkol sa karahasan sa paaralan. Alamin ang iba't ibang anyo ng pambubulas at ang mga epekto nito sa mga mag-aaral.Sumagot sa mga tanong upang suriin ang iyong kaalaman tungkol sa:Pambubulas at karahasanMga sanhi ng karahasan sa paaralanEpekto ng karahasan sa mental na kalusugan","img":"https:/images/course6.png"}
Powered by: Quiz Maker