Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2 (Ikalawang Markahan) by Teacher Leila M. Mesias

1. Dumating ang iyong mga pinsan mula sa probinsiya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Patuluyin sa inyong tahanan at tiyaking maginhawa at masaya ang kanilang panunuluyan.
C. Pabalikin agad sa probinsiya matapos ipasyal sa magagandang lugar sa inyong pamayanan.
B. Dalhin sa isang mamahaling hotel upang sila ay masiyahan.
D. Wag silang pansinin o kaya ihatid sa ibang kamag-anak upang doon sila tumuloy.
2. Napansin mo sa oras ng recess na mag-isa lang ang bago mong kaklase na kumakain sa isang sulok ng inyong silid-aralan. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Pagsasabihan siya na hindi maganda ang ganoong pag-uugali.
C. Isusumbong siya sa guro.
B. Lalapitan siya at kakausapin
D. Hindi siya papansinin.
3. Ano ang gagawin mo kapag nasalubong mo ang kaibigang minsan mo nang nakatampuhan?
A. Ipagpapatuloy ang paglalakad ngunit hindi siya papansinin.
C. Ngingitian ang kaibigan at kukumustahin.
B. Hahanap ng ibang madadaanan upang hindi mo siya makita.
D. Tititigan siya nang may pagbabanta.
4. Minsan,namasyal ang kumare ng nanay mo. Paano mo ipakikita ang pagiging palakaibigan sa kanya?
A. Magkukunwaring hindi naririnig ang tawag niya.
C. Sasabihan siya na bumalik na lamang kapag natapos na ni nanay ang mga gawaing-bahay.
B. Paghihintayin sa labas ng bahay habang tinatawag ang iyong nanay.
D. Patutuluyin sa loob ng bahay at aalukin ng maiinom.
5. Ano pinakamainam mong gawin kapag pinagbuksan ka ng gate ng guwardiya ng inyong paaralan
A. Pasalamatan ang guwardiya at agad na pumasok sa paaralan.
C. Huwag pansinin ang guwardiya at lumakad nang marahan patungo sa silid-aralan.
B. Tumakbo agad papasok ng eskuwelahan nang hindi lumilingon sa guwardiya.
D. Hindi na tutuloy dahil huli ka na sa klase
6. Nakasakay sa isang bus si Jerry. Sa isang bus station, may sumakay na matanda ngunit wala na itong maupuan. Ano sa palagay ninyo ang tamang gagawin ni Jerry?
A. Hindi niya papansinin ang bagong sakay.
C. Hahayaan lang niya na nakatayo.
B. Tatawagin niya ang matanda at pauupiin sa loob ng bus.
D. Matutulog na lang siya.
7. Naglalaro kayo sa may kalsada ng iyong mga kaibigan ng may dumaang bata na may kapansanan sa paglalakad. Ano ang iyong gagawin o mararadaman?
A. Gagayahin ang kanyang paglalakad.
C. Sasawayin ang iyong mga kalaro na pinagtatawanan siya.
B. Pagtatawanan siya.
D. Hindi siya papansinin.
8. Ano ang iyong gagawin kapag may nakasabay kang matandang babae na tatawid sa kalsada.
A. Bibilisan mo sa paglalakad para makatawid agad.
C. Panoorin lang ang matanda sa paglalakad.
B. Hayaan lang siya sa pagtawid.
D. Aalalayan ang lola sa pagtawid sa kalsada.
9. Sa inyong paglalakad ng mga kaibigan mo, may nakita kayong isang bata umiiyak dahil siya ay nagugutom. Ano ang inyong gagawin?
A. Bibigyan siya ng pagkain.
C. Hindi siya papansinin.
B. Panonoorin lang siya habang umiiyak.
D. Pagtatawanan lang ang batang umiiyak.
10. Habang ikaw ay nanunuod ng telebisyon sa inyong bahay, may isang batang nakadungaw sa labas ng inyong bahay na gustong makinuod.Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasarhan siya ng pintuan.
C. Hahayaan lang siya sa labas.
B. Tatawagin at papapasukin ang bata para manood ng telebisyon.
D. Paalisin at aawayin ang bata.
11. Isang umaga habang ikaw ay naglalakad, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin mo?
A. Magandang umaga po, Ma’am!
C. Magandang gabi po, Ma’am!
B. Magandang tanghali po, Teacher!
D. Magandang hapon po, Sir!
12. May dumating na bisita si Nanay, nag-uusap sila sa may pintuan at nais mong lumabas. Ano ang iyong sasabahin?
A. Dadaan ako.
C. Pakiabot po.
B. Tumabi po kayo.
D. Makikiraan po ako.
13. Habang kayo ay naghahabulan ng iyong mga kaibigan, nabangga mo ang isang bata na naglalakad, ano ang iyong sasabihin?
A. Ipagpaumanhin mo.
C. Tumabi ka.
B. Maraming Salamat.
D. Umalis ka diyan.
14. Tinawag ka ng iyong nanay para utusang bumili sa tindahan, Ano ang isasagot mo?
A. Mag-antay po nanay.
C. May ginagawa po ako.
B. Ano po ang bibilhin ko nanay?
D. Hindi ko po maharap.
15. Ano ang iyong gagawin kapag may dumating na bisita si tatay sa bahay?
A. Hayaan lang siya sa labas ng bahay.
C. Patutuluyin siya sa loob ng bahay.
B. Hindi siya papansinin.
D. Pauuwiin na lang siya.
16. Nagpunta ka sa canteen sa inyong paaralan, natapunan mo ng tubig ang nakasalubong mong bata.Ano ang iyong gagawin o sasabihin?
A. Bakit kasi hindi ka tumabi?
C. Hahayaan na lang siya.
B. Hindi na lang siya papansinin.
D. Pasensiya ka na, nabasa ko ang damit mo.
17. Humihiram sa iyo ng aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao ang iyong kamag-aral ngunit hindi mo makita ang aklat na ito. Paano mo ito sasabihin?
A. Pasensiya ka na hindi ko nadala.
C. Ayaw ko ipahiram sa iyo.
B. Sa iba ka na lang humiram.
D. Hindi siya papansinin.
18. Isinasauli mo ang lapis ng kaklase na iyong hiniram, ano ang iyong sasabihin?
A. Kunin mo na ang lapis mo sa bag ko.
B. Maraming Salamat
C. Walang anuman
D. Ibinabalik ko na ang lapis mo. Maraming salamat sa pagpapahiram
19. Nagkaroon ng talakayan sa klase ang inyong guro. Tinawag niya ang iyong kaklase at tama ang kanyang sagot. Ano ang iyong gagawin o sasabihin?
A. Sisigawan siya.
C. Papalakpakan siya.
B. Pagtatawanan ang kaklase.
D. Hindi na lang siya papansinin.
20. Pagdating mo sa inyong paaralan nadatnan mong naglilinis ang iyong mga kaklase, ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan na lang ang mga kaklase na maglinis.
C. Maglalaro ka lang
B. Panonoorin lang sila
D. Tutulong sa paglilinis sa paaralan.
21. Napansin mo na ang iyong kalaro ay matamlay habang siya ay nakaupo. Siya daw ay nagugutom ngunit wala siyang baon.Ano ang gagawin mo?
A. Hahatian mo siya ng iyong pagkain.
C. Hindi mo siya papansinin.
B. Hindi mo siya bibigyan ng pagkain.
D. Iiwanan na lang siya.
22. Nakita mong pinagtatawanan ang isang bata sa plasa ng inyong kalaro dahil may punit ang kaniyang damit. Ano ang iyong sasabihin?
A. Makikitawa ka rin.
C. Hahayaan lang siyang pagtawanan.
B. Sasawayin ang iyong mga kalaro.
D. Paaalisin na lang siya.
23. May dumaan na isang pulubi sa harap ng inyong bahay, hinabol siya ng inyong aso. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan lang siyang habulin ng iyong aso.
C. Sasawayin at tatawagin ang aso sa paghabol sa pulubi.
B. Panonoorin lng siya
D. Pagtatawanan ang pulubi.
24. Aling pag-uugali ang dapat tularan ng isang bata?
A. Itinatapon ni Kaisley ang pagkaing hindi niya gusto.
C. Ayaw sumunod sa utos ng kaniyang mga magulang.
B. Hindi tumutulong si Karl sa paglilinis ng kanilang pamayanan.
D.Ibinabahagi ni Hanz ang kaniyang mga laruan sa ibang bata.
25. Ano ang iyong dapat gawin kapag nakita mong nahihirapan ang isang guro sa kaniyang mga dala-dalang gamit?
A. Tutulungan ang guro sa abot ng iyong makakaya.
Utusan ang ibang kamag-aral na tulungan ang guro.
Batiin ang guro at magtungo na sa silid-aralan.
. Pagmamasdan mo lang ang iyong guro.
26. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang tamang pag-uugali na dapat taglayin ng isang mabuting tao?
A. Pinagtatawanan nina Gelo at Gina ang matandang namamalimos.
C. Pinaalis ni Karla ang matandang namamalimos.
B. Binigyan ni Lena ng pagkain ang matandang namamalimos
D. Wala sa nabanggit.
27. Aling pag-uugali ang hindi dapat tularan?
A. Tumutulong nang kusang loob si Mario sa paglilinis ng kanilang pamayanan.
C. Itinatapon ni Annie ang pagkaing hindi niya gusto.
B. Ibinabahagi ni Karlo ang kaniyang mga laruan sa ibang bata.
D. Nagbibigay ng tulong si Maria sa mga nangangailangan.
28. Ano ang iyong dapat gawin kapag nakita mong marumi ang paligid ng inyong silid-aralan.
A. Hayaan na lang ang paligid na madumi.
C. Isumbong sa guro ang mga kamag-aral na ayaw maglinis.
B. Utusan ang ibang kamag-aral na maglinis.
D. Magkusang-loob na maglinis sa silid-aralan.
Nakita mong nahihirapan ang isang guro sa kaniyang mga dala-dalang gamit. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Tutulungan ang guro sa abot ng iyong makakaya.
C. Utusan ang ibang kamag-aral na tulungan ang guro.
B. Batiin ang guro at magtungo na sa silid-aralan.
D. Iiwas kapag Nakita ang guro.
May nakita kang pulubi sa daan.Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa kanya?
A. Paaalisin ko siya.
C. Magkukunwaring wala akong nakita.
B. Bibigyan ko siya ng pagkain.
D. Sisigawan siya para umalis.
{"name":"Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 2 (Ikalawang Markahan) by Teacher Leila M. Mesias", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"1. Dumating ang iyong mga pinsan mula sa probinsiya. Ano ang dapat mong gawin?, 2. Napansin mo sa oras ng recess na mag-isa lang ang bago mong kaklase na kumakain sa isang sulok ng inyong silid-aralan. Ano ang pinakamainam mong gawin?, 3. Ano ang gagawin mo kapag nasalubong mo ang kaibigang minsan mo nang nakatampuhan?","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/images/ogquiz.png"}
Powered by: Quiz Maker