Kagalingan sa Paggawa

A digital illustration depicting a diverse group of students actively engaged in various activities that demonstrate excellence in work and creativity, surrounded by tools and symbols of achievement, vibrant and motivational atmosphere.

Kagalingan sa Paggawa Quiz

Salain ang iyong mga kaalaman sa kalidad ng paggawa sa pamamagitan ng aming quiz na "Kagalingan sa Paggawa". Tuklasin ang mga tamang hakbang at prinsipyo na dapat isaalang-alang sa bawat gawain o proyekto na iyong pinagdaraanan.

Mga pangunahing aspeto ng quiz:

  • 10 Makabagong Katanungan
  • Multiple Choice Format
  • Pinabuting Kamalayan sa Paggawa
10 Questions2 MinutesCreated by FocusedMind27
1. Ito ay tumutukoy sa kahusayan ng paggawa sa isang gawain o produkto.
A. Pagsisikap sa paggawa
C. Kagalingan sa paggawa
B. Pagtitiis sa pagga
D. Katamaran sa paggawa
2. Isinasaalang-alang ito bago gumawa ng isang gawain o produkto.
A. Pagmamahal
C. Paggalang
B. Layunin
D. Pagsasanay
3. Si Amak ay isang mag-aaral sa baitang 10. Siya ay parating gahol sa oras kung gumawa ng kanyang mga gawain sa paaralan dahil para sa kanya ay sapat nang may maipasa lamang kahit ano pa man ang kalidad nito. Sa iyong palagay, tama ba ang kanyang gawain?
A. Oo, dahil may naipapasa naman siya.
C. Hindi, dahil magagalit ang Nanay Niya at maari siyang pagalitan nito.
B. Oo, dahil nagagampanan pa rin niya ang pagiging mag-aaral.
D. Hindi, dahil kinakailangan siguraduhin na mataas ang kalidad ng bawat gawain.
4. Si Joel ay isang basketball player. Siya ay isang propesyonal na sa nasabing laro ngunit kahit ganon, para sa kanya ay napakahalaga pa rin ng araw-araw na pag-eensayo. Kung ikaw si Joel, gagawin mo rin ang ginagawa niya?
A. Oo, dahil mahalagang magsanay araw-araw upang mapanatili ang kagalingan.
C. Hindi, dahil isa na akong propesyonal at hindi ko na kailangan gawin iyon.
B. Oo, dahil gusto ko ang ginagawa ko at masaya ako rito.
D. Hindi, dahil nakakapagod ang araw-araw na pag-eensayo.
5. Si Marimel ay isang mag-aaral sa baitang 9. Siya ay isang iskolar at napakatalino. Isang araw ay nagbigay ng mga gawain ang kanilang guro at ito kailangan nang matapos agad. Nag-chat sakanya ang kanyang matalik na kaibigan at inaaya siyang maglaro muna. Kung ikaw si Marimel, ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko sa aking matalik na kaibigan na may kailangan pa akong tapusin at kung maari ay sa susunod na lamang.
C. Papayag ako ngunit saglit lamang dahil may kailangan pa akong tapusin.
B. Makikipaglaro muna ako sa aking kaibigan dahil mahaba pa naman ang aking oras.
D. Hindi na lamang ako tutugon sa kanyang mensahe at hahayaang magalit siya.
6. Si Ella ay isang kolehiyo sa kursong Engineering. Nauna siyang gumawa ng mga takdang aralin tungkol sa kurso at siya ay pinuri ng kaniyang guro dahil sa kalidad ng kanyang gawain. Marami sa kaklase niya ang nainis at sinasabing siya ay nagmamadali. Ano ang dapat gawin ni Ella?
A. Payuhan ang mga kaklase na ang paglalaan ng oras, pagpaplano, at pagiging tapat sa panahon ay nakatulong sa kaniyang paggawa.
C. Hindi na lamang papansinin ang mga sinasabi ng kaklase at hayaan silang bumagsak.
B. Payuhan ang mga kaklase na gayahin ang kaniyang gawain upang sila ay magkaroon din ng mataas na marka.
D. Ipagmalaki sa mga kaklase ang gawain upang sila ay magisip ng mas hihigit pa dito.
7. Pinaglaanan ni Abby ng oras ang paggawa ng kaniyang gawain o proyekto sa paaralan. Siya ang unang nagsimula at nagplano tungkol dito. Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang maging maganda ang kalidad nito. Nang maipasa na ang proyekto, hindi siya natuwa sa nakuhang marka dahil hindi ito ang inaasahan niya at marami sa klase ang mas mataas ang marka kaysa sakanya. Ano ang dapat gawin ni Abby?
A. Tanggapin na ito lamang ang marka ng kanyang nagawa dahil hindi siya ganoon kagaling sa paggawa.
C. Tanggapin na kailangan niya pang magsanay ng madalas at maging bukas sa pagbabago sapagkat kaakibat ng paggawa ang pagtanggap sa pagkakamali.
B. Tanggapin na mas magaling sa paggawa ang mga kaklase at hindi na lamang aasa na mahihigitan ito sa susunod.
D. Tanggapin na ang guro ay hindi maayos sa pagbibigay ng marka sa kanilang gawain.
8. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang nagpapahayag na hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa iba sapagkat ikaw ay may sariling angking galing.
A. Magsanay ng madalas
C. Tanggapin ang pagkakamali
B. Hamunin ang iyong sarili ng mas higit pa
D. Maging bukas sa pagbabago
9. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang nagpapahayag na walang permanente sa mundo, lahat ay maaaring magbago kaya mahalagang alamin mo ang panahon at kung ano ang sinasabi nitong dapat mong magawang produkto.
A. Magsanay ng madala
C. Tanggapin ang pagkakamali
B. Hamunin ang iyong sarili ng mas higit pa
D. Maging bukas sa pagbabago
10. Ang bawat kilos na iyong gagawin ay nararapat tiyakin kung ito ay tama at angkop sapagkat ang paggawa ng may pagmamahal ay nagdudulot upang mapahalagahan ang isang gawain at ang layunin na matapos ito. Ang hakbang na ito ay ang:
A. Pagtuon ng sarili sa paggawa
C. Pagtakda ng makatotohanang layunin
B. Paggawa ng may pagmamahal
D. Paggawa ng may pagpapakumbaba
{"name":"Kagalingan sa Paggawa", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Salain ang iyong mga kaalaman sa kalidad ng paggawa sa pamamagitan ng aming quiz na \"Kagalingan sa Paggawa\". Tuklasin ang mga tamang hakbang at prinsipyo na dapat isaalang-alang sa bawat gawain o proyekto na iyong pinagdaraanan.Mga pangunahing aspeto ng quiz:10 Makabagong KatanunganMultiple Choice FormatPinabuting Kamalayan sa Paggawa","img":"https:/images/course1.png"}
Powered by: Quiz Maker