LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN by Teacher Carmela M. Santos
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN
Subukan ang iyong kaalaman sa mga mahahalagang aralin sa edukasyon sa pagpapakatao! Ang pagsusulit na ito ay dinisenyo upang makatulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang mga pagpapahalaga, kaugalian, at ang kanilang responsibilidad bilang miyembro ng lipunan.
Sa pamamagitan ng quiz na ito, matututuhan mo ang:
- Mga pangunahing konsepto ng bayanihan at pakikisama
- Kahalagahan ng empatiya at pagmamalasakit
- Pagkilala sa mga nakakahigit na asal at responsibilidad
1. Tinatawag na ____________________ ang bayanihan sa mga gawain sa bukid.
A. palusong
B. pagtulong
C. pagdamay
D. pakikisama
2. Kilala rin ang mga Pilipino sa kapit-bisig na pagtutulungan o____________________ tungo sa isang mabuting adhikain nang walang inaasahang kabayaran o kapalit.
A. hospitality
B. masiyahin
C. bayanihan
D. pakikisama
3. Mahusay ang mga Pilipino sa ____________________ sapagkas likas sa atin ang maayos na pakikitungo sa ating mga kababayan maging sa mga dayuhan.
A. pagtanggap
B. pakikisama
C. palakaibigan
D. Pagiging masiyahin
4. Nakadaragdag sa mga masasayang karanasan ng pagbisita ang magiliw na ____________________ ng mga Pilipino sa mga panauhin.
A. pagbabayanihan
B. paghahanda
C. pagtulong
D. pagtanggap
5. Likas sa mga Pilipino ang mga natatanging ____________________ na nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos, sa ating bansa, sa ating kapuwa-tao, at sa ating kalikasan.
A. kaugalian
B. kultura
C. kapit-bisig
D. kagalingan
6. Mahiyain si Karen ngunit alam mong may angking talento ito sa pagsayaw. Bilang isang kaibigan paano mo hihikayatin si Karen na maipakita ang kanyang talento?
A. Susuportahan ang kaibigan at sasabihing kayang kaya niya ito.
B. Hahayaan na lamang si Karen at iba na lamang ang susuportahan.
C. Sasabihin kay Karen na huwag siyang mahiya na ipakita ang kanyang talento
D. Papayuhang huwag nang sumali sa anomang paligsahan ng pagsayaw
7. Mahusay gumamit ng powerpoint presentation si Marco, nakiusap ang kanyang kaklase na tulungan siya sa kanyang proyekto. Kung ikaw si Marco, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayo nalang at hindi papansinin ang kaklase.
B. Tutulungan at ibabahagi ang nalalaman sa kaklase.
C. Sasabihin sa kaklase na sa iba na lang magpaturo upang di na maabala.
D. Tutulungan ko siya subalit hihingi ako ng malaking kabayaran
8. Magkatunggali sa paligsahan sa pagguhit si Loren at Nina. Sa di-inaasahang pangyayari naputol ang lapis na gamit ni Nina. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin?
A. Magkunwaring hindi alam ang nangyari.
B. Hindi papahiramin ng lapis si Nina sapagkat siya ay katunggali.
C. Papahiramin ng lapis si Nina sapagkat ito ang mas nakakabuting gawin.
D. Hahayaan lamang si Nina na walang lapis na gamitin hanggang matapos ang paligsahan
9. Nakita ni Julio ang proyekto ni Laarnie. Si Laarnie ay sadyang mahusay gumuhit at natitiyak nitong mataas ang makukuha niyang grado. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Julio upang mataas rin ang makuha niyang grado?
A. Magsasanay gumuhit upang sa gayon ay makakuha rin ng mataas na grado.
B. Magbabayad ng taong gagawa ng proyekto na kasinggaling gumuhit ni Laarnie.
C. Sisirain ang proyekto ni Laarnie upang sa gayon mababa ang makuha niyang grado.
D. Mainggit kay Laarnie at huwag siyang kaibiganin magmula ngayon
10. Inatasan kayo ng inyong guro na maghanda ng isang palabas para sa Teacher’s Day Celebration. Batid mong maraming mga video sa YouTube na makakatulong sa inyo. Ano ang gagawin mo upang mapaganda ang inyong pagtatanghal?
A. Pupulungin ang mga miyembro ng pangkat at magkanya kanya na lamang ng gagawin.
B. Pupulungin ang pangkat at magbibigay ng suhestiyon na maaring makatulong ang YouTube upang mapaganda ang pagtatanghal.
C. Pupulungin ang pangkat at sasabihin na huwag na lamang sumali sa pagtatanghal.
D. Lahat ng nabanggit
11. May inihandang programa ang inyong kapitan sa inyong barangay sa pamamagitang ng media o gadget. Ano ang pinakamabuting gagawin bilang isang bata?
A. Manggulo sa programa
B. Huwag sumali sa programa
C. Magkalat ng maling balita sa media o gadget
D. Sabihan ang iba tungkol sa programa sa pamamagitan ng media o gadget
12. Bakit kailangang makiisa sa programa ng pamahalaan?
A. Para mapaunlad ang bayan
B. Para mapasaya ang mga namumuno
C. Para magbigay ng problema sa pamahalaan
D. Para maging sikat ang mga nagbibigay ng programa
13. Nagkaroon ang inyong barangay ng mga alituntunin na bawal lumabas ang mga bata at meron kang mga kaibigan na gustiong pumunta sa iyo, ano ang iyong gagawin?
A. Ako na lang ang lalabas ng bahay
B. Magpanggap na hindi nabatid ang anunsiyo
C. Hayaan ang mga kaibigan na pumunta sa inyo
D. Pagsasabihan ang mga kaibigan sa alituntunin na bawal lumabas ang mga bata
14. Narinig mo ang anunsyo tungkol sa pagsusuot ng mask sa inyong lugar. Bilang isang batang residente, ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagsabihan ang mga magulang tungkol sa narinig na anunsyo.
B. Huwag ipaalam sa mga magulang ang narinig na anunsyo.
C. Babaliwalain ang narinig dahil paulit-ulit lang ito.
D. Lahat ng nabanggit.
15. Inatasan ang lahat ng mag-aaral na magsagot ng modyul, may iniutos pa ang iyong nanay sa iyo, ano ang iyong nararapat gawin?
A. Ipagbigay-alam sa iyong nanay na may pinasasagutan na modyul at magpaalam nang maayos.
B. Pagalitan ang iyong nanay dahil importante ang ginagawa.
C. Umalis nang hindi nagpapaalam sa nanay.
D. Wala sa nabanggit.
16. Naiwan kang mag-isa sa bahay nang biglang lumindol. Ang gagawin mo ay ____________________
A. Tumakbo palabas ng bahay.
B. Manatili sa kinalalagyan, makiramdam at lumipat sa ligtas na lugar.
C. Humingi ng saklolo sa kapitbahay
D. Hahayaan lang.
17. Nalaman mo na may paparating na bagyo sa inyong lugar. Ang gagawin mo ay ____________________
A. Hahayaan lang.
B. Magkunwari na hindi narinig.
C. Maghanda ng emergency supplies at iba pa.
D. Tumakbo palabas ng bahay.
18. Nakita mong nagbabasa ng malalaswang babasahin ang iyong kamag-aral habang hinihintay ang umpisa ng inyong klase. Ang gagawin mo ay ____________________
A. Ipagtatapat sa guro ang nakita mo.
B. Hindi papansinin ang kaklase.
C. Aawayin ang kaklase.
D. Magkunwari na walang alam sa nakita
19. Hindi nakikinig ang iyong mga kaklase habang ipinaliliwanag ng inyong guro ang mga alituntunin para sa kaligtasan kapag may kalamidad. Ang gagawin mo ay ____________________
A. Magagalit ka sa kanila.
B. Aalis na lamang bigla sa silid-aralan.
C. Pagsasabihan ang mga kaklase.
D. Aawayin ang mga kaklase.
20. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang kapatid na nanonood ng malalaswang palabas sa You Tube. Ang gagawin mo ay ____________________
A. Magkunwari na walang alam sa nakita
B. Sasabihin sa magulang ang nasaksihan
C. Hindi ipaaalam sa mga magulang.
D. Hayaan na lamang ito upang hindi awayin ng nakatatandang kapatid
21. Nakiisa ka sa pag-iingat sa mga likas na yaman. Anong pagpapahalaga ang pinakikita mo?
A. Pakikisama
B. Pakikilaramay
C. Pagmamalasakit
D. Pagsawalang bahala
22. May mga ordinansang ipinatutupad ang lungsod laban sa COVID 19 pandemya. Kasama dito ang pagpapanatili ng kalinisan ng sarili at ng ating kapaligiran. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Pagmamalasakit sa kapwa at sa kapaligiran
B. Mag-antay ng tulong galing sa iba.
C. Pagbabaliwala sa ordinansa.
D. Pakikialam sa buhay ng iba
23. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.
D. Lahat ng nabanggit
24. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito maipararating sa kinauukulan?
A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
D. Wala sa nabanggit.
25. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka makikiisa saprogramang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.
D. Hayaang ibang tao na lamang ang makiisa rito
26. Alin sa mga sumusunod ang magandang paalaala tunglol sa pagpapanatili ng kaayusan?
A. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang basurahan?
B. Huwag magkalat. Magmumulta ka kapag nahuli ka.
C. Pakitapon ang inyong mga kalat sa basurahan.
D. Sa tingin mo tama ba dito ang pagkakalat?
27. Sa panahon ng Quarantine dahil sa COVID-19, ano kaya ang iyong maaring gawin para makatulong sa kalinisan?
A. Himukin ang lahat ng mag-aaral na maglaro sa bakuran ng paaralan dahil malawak ito.
B. Hayaan ang opisyal ng paaralan na magpasiya tungkol dito.
C. Maglinis ng bahay at magtanim ng mga gulay sa paligid.
D. Gumawa ng mga islogan na may tema ng pagtatanim ng puno.
28. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay dahil sa bawal lumabas dahil sa COVID 19. Bilang miyembro ng isang organisasyong pangkabataan sa inyong pamayanan, paano ka makatutulong sa proyektong ito?
A. Balewalain ang proyekto dahil may iba ka pang gustong gawin.
B. Imungkahi sa SK na magkaroon ng paligsahan para sa pinakamaraming bilang ng maitatanim na mga halamang gulay sa bawat barangay.
C. Hayaan ang mga magulang na makiisa sa proyekto.
D. Ikaw mismo ang magsimulang magtanim sa tulong ng iyong mga kapatid at patnubay nina nanay at tatay.
29. Ang iyong nanay ay naglilinis sa mga kalat sa kalsada na malapit sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Magkunwaring wala kang nakita.
B. Hihingi ng mungkahi sa mga magulang kung ano ang iyong maaaring maitulong.
C. Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa.
D. Hayaan ang mga magulang sa paglilinis kasama ang ibang miyembro ng pamilya.
30. Nakasakay ka sa dyip papuntang paaralan. Napansin mo na ang unahang dyip ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo?
A. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw- araw.
B. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan.
C. Sabihan ng may paggalang ang drayber na maaring magdulot ng sakit at nakasasama sa kapaligiran ang maitim na usok ng kaniyang dyip.
D. Magsumbong sa mga magulang.
31. Ito ay pakikilahok sa pagtakbo bilang ehersisyo at ang malilikom sa pondo ay mapupunta sa isang charity program.
A. Tree Planting
B. Poster Making Contest
C. Fun Run
D. Clean and Green Program
32. Ito ay pagsali sa pagtatanim ng mga maliliit na halaman upang lumaki at makatulong sa pagguho ng lupa sa kabundukan at pagkakaroon ng sariwang hangin.
A. Tree Planting
B. Poster Making Contest
C. Fun Run
D. Clean and Green Program
33. Ito ay programa ng bawat barangay sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran.
A. Tree Planting
B. Clean and Green Program
C. Fun Run
D. Basketball League
34. Ito ay pakikilahok sa pagguhit na may iba’t ibang tema at pagpapakita ng iyong talento sa pagkakaroon ng malawak na imahinasyon.
A. Basketball League
B. Poster Making Contest
C. Fun Run
D. Clean and Green Program
35. Ito ay pakikilahok sa pampurok palarong basketball upang makaiwas lalo na ang mga kabataan sa masamang bisyo.
A. Tree Planting
B. Poster Making Contest
C. Basketball League
D. Clean and Green Program
36. Isang batas pangkalinisan ang ipinatupad sa inyong barangay upang mabawasan ang problema sa basura. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ito.
B. Sabihin sa magulang na sila ang sumali.
C. Hayaan na ang iyong kapitbahay ang lumahok dito.
D. Kusang lumahok sa programa upang makatulong sa kalinisan sa inyong lugar.
37. Napanood mo sa telebisyon ang paalala na bawal magsunog ng basura dahil nakakasira kasi ito ng kalikasan at nagiging sanhi ng global warming. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hikayatin ang mga kaibigan na huwag magsunog ng basura.
B. Ipagsawalang bahala na lang ang napanood.
C. Patayin ang TV dahil hindi naman ito totoo.
D. Sunugin ang mga papel lamang.
38. Umabot sa daan-daang mga mamamayan ang nagkasakit ng dengue. Ito ay isang sakit na mula sa lamok na nakamamatay. Lubos na pinaigting ng Department of Health o DOH ang kampanya kontra sa sakit na ito at ipinag- utos ang palagiang paglilinis ng kapaligiran. Paano mo maipakikita ang iyong pagsunod sa kautusang ito?
A. Itaob ang mga lalagyan na pwedeng pamahayan ng mga lamok.
B. Huwag lumabas ng bahay upang hindi makagat ng lamok.
C. Magsunog ng plastik upang umalis ang mga lamok.
D. Huwag pansinin ang panawagan.
39. May batas na ipinapatupad sa inyong barangay na nagbabawal sa pagvi- videoke pagsapit ng ika-10 ng gabi. Isang pagtitipon ang nagaganap sa inyong bahay at masayang nagkakantahan ang iyong mga kamag-anak. Lampas na ng ika-10 ng gabi, tama bang pakiusapan mo ang iyong mga magulang na ihinto ang pagvi-videoke nila?
A. Opo, dahil may batas sinusunod at nakakahiya sa mga kapitbahay.
B. Opo, dahil oras na para matulog kayo.
C. Hindi, dahil walang pakialam ang kapitbahay sa inyo.
D. Hindi, dahil nagkakasiyahan pa ang mga bisita.
40. Ipinatupad ang curfew sa inyong lugar. Ang mga menor de edad ay bawal lumabas pagsapit ng ika-8 ng gabi. Inutusan ka ng iyong kuya na bumili sa kapitbahay ninyo. Susundin mo ba ang kuya mo o hindi?
A. Hindi, sasabihin ko sa kuya ko na bawal ng lumabas ang mga bata.
B. Hindi, dahil ayaw ko siyang inuutusan ako.
C. Opo, susundin ko siya dahil ililibre naman niya ako ng kendi.
D. Opo, dahil gusto ko ring lumabas ng gabi.
41. Ito ay kombinasyon ng audio, larawan, salita, animation, video, at graphics.
A. Social Media
B. Media
C. Internet
D. Technology at Multimedia tools
42. Ano ang kinakailangan upang matagumpay na maipatupad ang mga proyektong pampamayanan?
A. Pagsasawalang bahala
B. Pakikiisa at suporta
C. Pakikiisa kung kakilala lamang ang tagapagpatupad
D. Pagiging pasaway
43. Tumutukoy sa pinaka-karaniwang uri ng technology at multimedia tool.
A. text
B. video
C. audio
D. graphics
44. Uri ng technology at multimedia tool na ginagamit sa pagbubuod ng isang konsepto o paksa.
A. audio
B. video
C. graphics
D. animation
45. Alin sa sumusunod ang magandang dulot ng paggamit ng technology at multimedia tool sa pamayanan?
A. Mas mabilis, madali, at malawakan ang anunsyo sa mga programa o importanteng impormasyon sa pamayanan.
B. Magagamit upang makapagpakalat ng mga fake news
C. Magagamit upang makapanakit ng ibang tao
D. Magagamit upang magpakalat ng tsismis sa pamayanan
46. Ito ay programa ng pamahalaan kung saan maaaring tumawag sa mga hotlines ang mga pasyente na nakararanas ng sintomas ng Covid-19 virus.
A. Telemedicine Service Hotlines at Bayanihan E-Konsulta
B. Online streaming
C. Contact Tracing
D. Lockdown
47. Ang mga sumusunod ay mga mungkahing dapat gawin upang maprotektahan ang sarili sa Covid-19 maliban sa isa.
A. Pananatili sa tahanan
B. Pagsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas
C. Pagdalo sa mga malalaking party
D. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at pagpapalakas ng pangangatawan
48. Ito ay proyekto ng mga ordinaryong mamamayan sa kani-kanilang pamayanan na naglalayong mamahagi ng mga libreng pagkain sa nangangailan. Ito ay may katagang "Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan".
A. Online selling
B. Donation drive
C. Community pantry
D. Clean-up drive
49. Ito ay mga pag-uugaling kinakailangan sa panahon ng pandemya.
A. Pakikiisa, pagsuporta sa mga programang pampamayanan o Pambansa at malasakit sa kapwa
B. Pagsasawalang bahala sa problema
C. Hindi pagsunod sa mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan
D. Pagiging makasarili
50. Maaaring gamitin upang maayos, ligtas at mabilis ang pagbabahagi ng mga mahahalagang impormasyon ngayong pandemya.
A. Mga liham
B. Dyaryo
C. Technology at Multimedia tools
D. Kompyuter
{"name":"LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN by Teacher Carmela M. Santos", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Subukan ang iyong kaalaman sa mga mahahalagang aralin sa edukasyon sa pagpapakatao! Ang pagsusulit na ito ay dinisenyo upang makatulong sa mga mag-aaral na maunawaan ang mga pagpapahalaga, kaugalian, at ang kanilang responsibilidad bilang miyembro ng lipunan.Sa pamamagitan ng quiz na ito, matututuhan mo ang:Mga pangunahing konsepto ng bayanihan at pakikisamaKahalagahan ng empatiya at pagmamalasakitPagkilala sa mga nakakahigit na asal at responsibilidad","img":"https:/images/course2.png"}
More Quizzes
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher MARY ANN D. ARTACHO
25120
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS
50250
TD History Quiz byKathleen Magbalon11-Realino
1059
ESP 3 PAGSASANAY (TERM 3)
15831
Maging Mabuting Mamamayan Quiz
5227
2nd Quarter Test in AP II
1588
3rd Summative Test in ESP 1
231228
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4 (Ikalawang Markahan) by Teacher Marylyn P. Gutierrez
4020142
Q1 - 4th Summative Test in ESP 1
18940
SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 (Q3) by Teacher JULIETA A. MALLARI
502523
ESP 2 PAGSASANAY (TERM 3)
15884