Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 (3rd Quarter) by Teacher MARY ANN D. ARTACHO

A vibrant classroom scene depicting students engaging in activities related to values education, showcasing teamwork and helping behaviors.

Edukasyon sa Pagpapakatao Quiz

Subukan ang iyong kaalaman sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa pamamagitan ng isang interaktibong quiz na binuo ni Teacher Mary Ann D. Artacho. Sa 25 na katanungan, matutuklasan mo ang iyong pang-unawa at reaksyon sa mga sitwasyong may kaugnayan sa mga pangunahing halaga at responsibilidad sa paaralan at sa bahay.

  • Alamin ang tamang kilos sa iba't ibang sitwasyon.
  • Subukin ang iyong mga kaalaman sa malasakit at pagkakawanggawa.
25 Questions6 MinutesCreated by HelpingHeart21
1. Napiling kalahok sa isang paligsahan ang iyong kapatid, at siya ay pinalad na manalo.Ano ang dapat mong maramdaman?
A. Ikaw ay magiging masaya para sa pagkapanalo ng iyong kapatid.
B. Ikaw ay malulungkot dahil siya ay nanalo
C. Ikaw ay makakaramdam ng inggit
D. Hindi mo na siya papansinin dahil siya ay nanalo
2. Inutusan ka ng nanay mong maghugas ng mga kasangkapang ginamit sa pagluluto, ano ang gagawin mo?
A. Pagdadabugan ang nanay
B. Sisimangot at aalis ng bahay
C. Malugod na susunod sa pinaguutos
D. Hindi susunod sa pinag-uutos
3. Nanalo sa paligsahan ang iyong kamag-aral na si Aaron, ikaw ay?
A. Maiinis sa kanya
B. Magiging masaya at babatiin ko siya
C. Iiwas na sa kanya
D. Hindi mamamansin at magsusungit
4. Oras ng klase ni Gng. Agatep nang siya ay tinawag ng punong-guro, Ano ang dapat niyong gawin?
A. mag-iingay sa loob ng silid-aralan
B. makikipag-away sa kaklase.
C. mag-iingay at magkakalat
D. Tatahimik at mag-aantay sa pagbalik ng guro
5. Ikaw ay nakagalitan ng iyong guro, ano ang dapat mong gawin?
A. Igalang ang aking guro sa lahat ng oras
B. Sisimangutan ko siya
C. Sisigawan ko ang aking guro
D. Uuwi na lang ako ng bahay
6. Araw ng Martes at is aka sa naatasang maglinis ng inyong silid-aralan, ikaw ay….
A. Liliban sa paglilinis
B. Pagtatawanan ko ang aking mga kaklase na naglilinis
C. Tutulong sa paglilinis
D. Uuwi ako ng bahay
7. Kasalukuyang nagtuturo ang inyong guro ng siya ay biglang tinawag sa labas, ano ang dapat mong gawin?
A. Tatahimik at aantayin ang aming guro
B. Makikipagtakbuhan sa mga kaklase
C. Magsusulat sa kung anu-ano sa pisara
D. Makikipaglaro sa ibang bata sa ibang silid-aralan
8. Paano mo maipapakita ang malasakit sa paaralan?
A. Magtatapon ng basura kung saan- saan
B. Pipitasin ang mga bulaklak sa hardin ng paaralan
C. Sisirain ang mga halaman sa paligid
D. Tutulong sa pagpupulot ng kalat o basura
9. Umalis si nanay at ate, naiwan kayo ng iyong bunsong kapatid, ano ang gagawin mo?
A. Lalayas ka
B. Aalagaan mo ang iyong kapatid
C. mag-aaway kayong dalawa
D. Aalis ka ng bahay at iiwan siya mag-isa
10. Maraming kalat sa sala dahil maraming ginagawa ang iyong nanay, ano ang dapat mong gawin?
A. Lilinisin ang kalat
B. Hahayaan lang at antaying linisin ni nanay
C. tatapak-tapakan mo lang
D. Magkakalat ulit
11. Inuutusan ka ni tatay na mag-igib ng tubig
A. Hindi papansinin ang utos ng tatay
B. Susunod sa utos niya
C. Magdadabog sa harap ng tatay
D. Aalis ng bahay
12. Araw ng Sabado , walang pasok anong gagawin mo?
A. Maglilinis ng bahay
B. Matutulog maghapon
C. maglalaro
D. Manonood ng sine
13. Napakadaming gawain ni nanay sa bahay, wala ang mga kapatid mo kaya ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan siya
B. Matutulog ka
C. Iiwanan siya
D. Pagtatawanan siya
14. Binilinan ka ni ate ng iyong gagawin, ikaw ay,
A. Magpapasalamat at gagawin mo ito
B. Magagalit ka sa ate mo
C. Sisigawan mo ang ate mo
D. Tatawanan mo lang ang ate mo
15. Tinawag ka ni lola upang bumili sa tindahan, ano ang gagawin mo?
A. Tatakbuhan
B. Tataguan
C. sisigawan
D. Susunod sa utos niya
16. Pinagdala kayo ng inyong guro ng lumang magasin dahil may gagawin kayong proyekto sa Art. Ano ang dapat mong gawin sa sobrang magasin?
A. Ibibigay ko sa guro na may hawak ng YES-O para isama sa mga irerecycle.
B. Itatapon ko sa likod ng aming silid-aralan para wala na akong dadalhin pabalik ng bahay.
C. Iuuwi ko sa bahay para sunugin.
D. Wala akong gagawin
17. Pinagwalis kayo ng inyong guro sa likuran ng inyong silid-aralan. Ano ang dapat mong gawin sa tuyong dahon na inyong naipon?
A. Susunugin namin.
B. Itatapon sa compost pit para maging pataba.
C. Iiwan namin sa isang tabi.
D. Ikakalat kung saan-saan
18. Isang araw sa iyong paglalakad ay nauhaw ka. Bumili ka ng isang bote ng mineral water sa tindahan. Ano ang dapat mong gawin sa bote?
A. Itatapon ko sa daan.
B. Itatapon ko sa tamang lalagyan.
C. Itatapon ko sa kanal.
D. Wala akong gagawin
19. Ipinaghanda ka ng nanay ng tanghalian, nakita mong gulay ang kanyang iniluto.
A. Hindi ko ito kakainin
B. Magpapasalamat ako at ito ay aking kakainin
C. Itatapon koi to sa basurahan imbes na kainin
D. Ipamimigay ko na lang sa kapit-bahay
20. Mahilig sa prutas si Bea, samantalang si Eulo ay hotdog at kendi naman ang madalas na kainin, sino sa kanilang dalawa ang higit na malusog?
A. Si Bea dahil masustansya ang kanyang kinakain
B. Si Eulo kasi masarap ang kendi
C. Silang dalawa kasi masarap ang kanilang kinakain
D. Wala sa kanilang dalawa
21. Oras ng rises, Bibili ka ng pagkain mo, ano ang bibilhin mo?
A. Nilagang saging at kamote
B. Malamig na Juice
C. Kendi at junk foods
D. Nagyeyelong coke
22. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng tamang kilos o gawi sa pagkain, alin ang dapat iwasan
A. Magdasal at magpasalamat sa tinatamasang biyaya
B. Kumain ng tahimik
C. Maglaro habang kumakain
D. Nguyain ng dahan-dahan ang kinakain
23. Higit na pinahahalagahan ni Jojie ang kanyang katawan at kalusugan, Maaga siyang natutulog at kumakain siya ng masusustansiya araw-araw. Bakit ito ginagawa ni Jojie?
A. Upang makaiwas sa sakit at maging malusog
B. Upang pumayat
C. Wala lang, gusto lang niya
D. Para siya ay tumanda agad
24. Mahalaga ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan Alin sa sumusunod ang dapaat kainin ng isang batang tulad mo?
A. Keyk at kendi
B. Gulay at prutas
C. French fries at junk foods
D. Tsokolate at juice
25. Gumising ng maaga si Ben para pumasok sa paaralan. Alin sa sumusunod ang dapat muna niyang gawin bago maligo?
A. maglaro
B. Manood ng pelikula
C. Kumain ng almusal
D. Making ng radio at sumayaw
{"name":"Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 (3rd Quarter) by Teacher MARY ANN D. ARTACHO", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Subukan ang iyong kaalaman sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa pamamagitan ng isang interaktibong quiz na binuo ni Teacher Mary Ann D. Artacho. Sa 25 na katanungan, matutuklasan mo ang iyong pang-unawa at reaksyon sa mga sitwasyong may kaugnayan sa mga pangunahing halaga at responsibilidad sa paaralan at sa bahay.Alamin ang tamang kilos sa iba't ibang sitwasyon.Subukin ang iyong mga kaalaman sa malasakit at pagkakawanggawa.","img":"https:/images/course5.png"}
Powered by: Quiz Maker