Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 (Ikalawang Markahan) by Teacher Carmela M. Santos

A classroom setting with children discussing emergency preparedness, surrounded by posters about disaster safety and respect for cultural diversity, vibrant colors, educational atmosphere.

Emergency Preparedness Quiz: Grade 5

This quiz is designed to test students' knowledge and understanding of emergency preparedness and response. It covers important topics related to disaster management, cultural respect, and personal responsibility.

  • Assess your understanding of government agencies' roles in emergencies
  • Learn about proper responses during disasters and community support
  • Enhance your awareness of cultural sensitivity and respect
50 Questions12 MinutesCreated by CaringTeacher27
1. Aling ahensiya ng gobyerno ang responsable sa seguridad ng publiko laban sa mapaminsalang sunog sa mga gusali, kabahayan, at iba pang establisyimentong may kaparehong istruktura, mga kagubatan, pampublikong sasakyan at kagamitan, barko, pantalan, daungan, at mga deposito ng mga produktong petrolyo?
A. Bureau of Fire Protection (BFP)
B. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
C. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA)
2. Aling ahensya ng gobyerno ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa panahon at mga babala hinggil sa mga bagyo upang makapag-ingat at manatiling ligtas ang mga mamamayan sa panganib na dulot ng matinding pag-ulan at pagbaha?
A. Bureau of Fire Protection (BFP)
B. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA)
3. Aling ahensya ng gobyerno ang itinatag para sa pag-agap sa mga sakuna at pagbawas sa panganib na dulot ng mga kalamidad. Nagbibigay ito ng mga update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa?
A. Bureau of Fire Protection (BFP)
B. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
C. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA)
4. Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga sumusunod ang unang hakbang bílang paghahanda rito?
A. Makinig sa mga balita sa radyo o telebisyon
B. Pag-aralan ang paglalapat ng paunang lunas
C. Panatilihing malusog ang katawan at kumain ng masusustansiyang pagkain
D. Ihanda ang emergency kit tulad ng paunang lunas, flashlight, kandila, posporo, píto, inuming tubig, de-latang pagkain at iba pa
5. Ang mga sumusunod ay mga hakbang bílang paghahanda sa pandemya MALIBAN sa:
A. Alamin ang pinakamalapit na evacuation center para sa paglikas.
B. Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng masusustansiyang pagkain.
C. Upang maiwasang mahawa, manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar.
D. Ugaliin ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at panatilihin ang isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).
6. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran. Ano ang iyong gagawin?
A. Tatakbo kami sa may bintana
B. Ipagpapatuloy ang pamamasyal
C. Pupunta kami sa ilalim ng mga puno
D. Magtatago kami sa may ilalim ng mesa
7. May kapitbahay kang hirap sa buhay. May sakit ang kaniyang anak at nangangailangan ng tulong upang ipambili ng gamot. Ano ang iyong gagawin?
A. Kukutyain sila
C. Pagtatawanan mo sila
B. Wala kang gagawin
D. Tutulungan sa pamamagitan ng paglapit sa munisipyo ng inyong lugar
8. Ang lahat ng mga residente sa inyong pamayanan ay pinalilikas dahil sa pagdating ng super typhoon. Ang mga sumusunod ay maaari mong dalhin MALIBAN sa:
A. TV, ref, higaan, mesa, sala set
C. Mga mahahalagang dokumento, damit, tent
B. de-lata, biskwit, inuming tubig, gamot, pera
D. flashlight, power bank, kandila, posporo, first aid kit
9. Sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at paglindol, makatutulong ka sa pamamagitan ng:
A. Pagsasawalang-bahala rito
C. Pagbibiyahe at pragbabakasyon sa ibang mga lalawigan o lungsod
B. Pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon
D. Pagdo-donate ng mga pagkain tulad ng canned goods, noodles, bigas, at iba pa.
10. Ano ang pinakamainam na gawin sa mga kaalamang iyong natutuhan ukol sa paghahanda sa panahon ng sakuna, trahedya, o kalamidad?
A. Ang kaalamang ito ay aking ibabahagi sa aking mga kaibigan/kakilala.
C. Ako ay palaging maghahanda at makikinig sa mga anunsiyo mula sa radyo at telebisyon.
B. Ako ay sasali sa mga boluntaryong pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
D. Lahat ng nabanggit
11. Sa pagmamalasakit sa iyong kapwang sinasaktan, kinukutya, o binubulas, ano dapat ang una mong kailangan isaalang-alang?
A. Ang nagkasala sapagkat dapat maparusahan siya sa maling ginawa
C. Ang sariling kaligtasan sapagkat maaaring ikaw ay malagay sa alanganing sitwasyon.
B. Ang kapakanan ng biktima dahil siya ang higit na nangangailanagn sa sitwasyon.
D. Ang kapakanan ng iyong magulang sapagkat sila ang maaapektuhan kapag may nangyari sa iyong hindi kanais-nais.
12. Nakita mong umiiyak ang iyong bagong kamag-aral. Binubulas ito ng iyong mga kaklase dahil sa kakaiba nitong itsura. Ano ang una mong dapat gawin sa sitwasyon?
A. Hayaan na lamang sila upang hindi madamay
C. Isumbong ito sa guro o guidance counselor at hayaan silang humarap dito
B. Magsumbong sa magulang ng biktima upang pumunta ito sa paaralan
D. Kausapin ang mga kaklase at pagsabihan na hindi magandang katangian ang pambubulas ng kamag-aral
13. Pagsapit ng recess, nakita mong sinasaktan at pinagbabantaan ng iyong kaklase and iyong matalik na kaibigan upang makuha nito ang kaniyang baon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lamang sila dahil maaari kang madamay sa gulo nila
C. Ipagbibigay-alam ito sa guro upang mapagsabihan ang kaklaseng nambubulas
B. Tutulungan ang kaibigan upang awayin ang nananakit at nananakot sa kaniya
D. Bibigyan ng baon ang nambubulas upang ito ay tumigil na sa pananakit at pananakot
14. Nasaksihan mo ang pag-snatch ng bag ng isang magnanakaw sa kalye. Ano ang dapat mong gawin sa sitwasyong ito?
A. Ipagbigay alam ito sa pulis upang mahuli ang snatcher
C. Hayaan na lamang ito upang hindi na madamay sa insidente
B. Hahabulin ang snatcher at hulihin upang mabawi ang bag
D. Ipaabot na lámang ang pakikiramay sa nanakawan sa insidente
15. Bumili ka isang araw sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng isang lalaking kumukuha nang paninda. Ano ang iyong gagawin?
A. Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw
C. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw
B. Sasabihin ko sa tindera ang ginawa ng lalaki
D. Hahayaan ko na lang ang lalaki na magnakaw
16. Sila ang mga pangkat etniko na naninirahan sa isang rehiyon kung saan mayroon silang pinakaunang kilalang koneksyong pang-kasaysayan. Halimbawa ay ang Aeta, Igorot, Badjao, Tagbanua at mga Ati.
A. katutubo
C. banyaga
B. dayuhan
D. Mga ninuno
17. Tumutukoy sa isang tao o mga tao na hindi katutubo o likas sa isang pook. Maaring ito ay tumutukoy sa isang banyaga na nagmula sa ibang bayan o ibang bansa. Halimbawa ay ang mga Koreano at Amerikano.
A. katutubo
C. Mga ninuno
B. dayuhan
D. Indigenous people
18. Ito ay naipakikita sa pagtanggap sa pagkakaiba ng pagkatao, kaugalian, at paniniwala.
A. Pagkamasipag
C. Pagkamagalang
B. Pagkamasunurin
D. Pagkamatulungin
19. Ang taos-pusong pakikinig sa kanilang mga sinasabi, paggalang sa kanilang opinyon, at hindi panlilibak o pang-iinsulto sa kanila at sa kanilang paniniwala ay mga paraan ng ___________________
A. Pagpapakita ng modernong pagbabayanihan
C. Pagiging hospitable o magiliw na pagtanggap sa bisita
B. Paggalang sa mga dayuhan at sa kanilang kultura
D. Pagpapahayag ng ating matibay na pananampalataya sa Diyos
20. Ang sumusunod ay mga paraan ng paggalang sa mga katutubo at dayuhan MALIBAN sa isa
A. Alamin ang kanilang mga paniniwala at sundin ito
C. Ipakita ang paggalang at pagrespeto sa kanilang mga kaugalian
B. Pagtawanan ang kanilang kultura, tradisyon, o paniniwala
D. Lagi nating irespeto hindi lamang ang ating sarili kung hindi pati na rin ang ating kapwa
21. Paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa bago mong kaklaseng dayuhan na may kapansanan?
A. Pagtatawanan ang kaklase at iwasan
C. Huwag siyang isali sa mga aktibidad upang hindi makasagabal
B. Taos-puso siyang tatanggapin at kakaibiganin
D. Iparamdam sa kanya na hindi mo siya gusto dahil sa kanyang kakulangan
22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at dayuhan?
A. Pagrerespeto sa kanilang mga opinyon
C. Pakikinig sa kanilang pagpapahayag ng saloobin
B. Pagtawanan ang kanilang mga kulay at anyo
D. Pagpapahalaga ng kanilang paraan ng pamumuhay
23. Anong kaugalian ang ipinapakita mo kapag ikaw ay nanunukso ng kamag-aral na may maitim na kulay ng balat?
A. Paggalang sa kapuwa
C. Pagmamalasakit sa kapuwa
B. Pagmamahal sa kapuwa
D. Panlalait at panghuhusga sa kapuwa
24. Alin sa mga sumusunod na kaugalian ang HINDI dapat ipamamahagi sa mga katutubo at dayuhan?
A. Taos-pusong pagtanggap
C. Paggalang sa kanilang paniniwala
B. Pagturo ng mabuting kaugalian
D. Pagtawanan ang kanilang kaibahan
25. Bakit mahalaga ang pagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at dayuhan?
A. Upang makahingi ng kapalit
C. Dahil ito ay nagpapakita ng kawalan ng respeto
B. Upang mapadali silang lokohin
D. Dahil ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang tao
26. Pinakikinggang mabuti ni Adam ang magkabilang panig ng kasunduan bago siya magpasiya ng dapat gawin? Anong katangian ang ipinakita ni Adam sa naganap na pangyayari?
A. Pagkamatapat
C. Pagkabukas-isipan
B. Pagkamahinahon
D. Mapanuring pag-iisip
27. Sa isang pangkat, hindi maiiwasan ang pagtutunggali ng mga ugali at opinyon. Kung ikaw ay lider ng pangkat, anong kailangan mong gawin upang maalis sa mga miyembro mo ang mga negatibong ugali na hindi makatututulong sa tagumpay ng inyong pangkat?
A. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao
C. Kausapin sila at ipaunawa ang halaga ng pagkakaisa ninyo sa pangkat
B. Ipaalam sa kanilang mga magulang ang sitwasyon
D. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawin
28. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa iyong mga kaibigan. Minsan. Kapag nag-uusap kayo, napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na ibahin ang paksa ng inyong usapan
C. Huwag na lang intindihin ang kanilang sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa iyong relihiyon
D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon
29. Pagkatapos ninyong pag-aralan ang tungkol sa pagkamahinahon ng isang pangkat, hinati ng inyong guro ang klase sa dalawang pangkat para sa isang gawain. Napansin mo na hindi magkasundo sa isang desisyon ang iyong dalawang miyembro. Ano ang maaari mong gawin?
A. Sabihin sa guro na ilipat na lang ang isa sa kanila sa ibang pangkat.
C. Hayaan silang hindi magkasundo, ikaw pa rin naman ang masusunod bilang lider.
B. Huwag na lamang silang intindihin at ibang miyembro na lang ang kausapin.
D. Ipaliwanag sa kanila na kailangan ninyong magkaisa upang matapos ang inyong gawain
30. Bakit kailangan o mahalaga na igalang natin ang opinyon ng ating kapuwa?
A. Para masaya ang lahat.
C. Para igalang ka din ng iyong kapwa.
B. Para walang magalit sa iyo.
D. Para mapanatili ang mapayapang pamayanan
31. Nakalimutan mong may takdang-aralin pala kayo sa Science. Tinanong ka ng guro bakit hindi mo ito ginawa.
A. Sasabihin ang totoo at mangangakong hindi na ito mauulit pa
C. Sasabihin sa guro na marami kang ginawa sa bahay kaya’t di mo ito nagawa
B. Magsasawalang-kibo at iiyak na lamang upang kaawaan ng guro
D. Sasabihin sa guro na nagawa mo ang takdang-aralin ngunit naiwan ang iyong notebook sa bahay
32. Napagkasunduan ng iyong grupo na magsasaliksik ukol sa inyong gagawing proyekto sa silid-aklatan pagdating ng lunch break.
A. Susundin ang napagkasunduan ng mga kagrupo
C. Sasabihin sa mga kagrupo na magbayad na lang ng ibang gagawa
B. Sasabihin sa lider na hindi ka pwede dahil lunch break naman iyon
D. Susundin ang napagkasunduan ng mga kagrupo subalit manghihingi ng kapalit
33. Maagang namalengke ang iyong ina ay sinabihan kang alagaan muna ang iyong nakababatang kapatid habang wala pa siya.
A. Tatakbo kaagad sa labas upang umiwas sa kanyang iniuutos
C. Magkukunwaring tulog at hindi narinig ang sinabi ng ina para sa iba nalang ipaalaga ang kapatid
B. Susundin ang sinabi ng ina at aalagaan nang mabuti ang kapatid
D. Magdadahilan na maraming takdang aralin na kailangang tapusin kaya hindi magagawang alagaan ang kapatid
34. Mahusay kang gumuhit kaya naman pinakiusapan ka ng kapitan ng barangay na kung maari ay tumulong sa pag-aayos at pagpapaganda ng entablado.
A. Sasabihin sa kapitan na sa iba na lamang humingi ng tulong
C. Gagawin ang makakaya at tutulong sa pag-aayos at pagpapaganda ng entablado
B. Tatanggihan ang pakiusap ng kapitan at hindi talaga tutulong
D. Tutulong sa pagpapaganda at pagsasa-ayos ng entablado ngunit hindi dadalo sa takdang oras.
35. Tatlo kayong magkakapatid at sinabi ng iyong ate na bawat isa sa inyo ay tutulong sa gawaing-bahay. Ang pagwawalis sa bakuran tuwing umaga ang iniatas sa iyo.
A. Magrereklamo at magdadabog sapagkat hindi iyon patas
C. Gagawin ang iniatas na gawain upang makatulong sa gawaing-bahay
B. Magpupuyat upang kinabukasan tanghali nang magigising
D. Magkukunwaring masama ang pakiramdam upang ipagawa na lamang
36. Agad lumipat ng tirahan ang pamilya ni Mang Kanor dahil sa banta ng giyera sa Mindanao. Aling karapatan ang inilalarawan sa sitwasyong ito?
A. Magkaroon ng nasyonalidad
C. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar
B. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
D. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan.
37. Tinitiyak ni Aling Juaning na nakakakain ang mga anak ng masustansiyang pagkain upang malayo sa sakit. Aling karapatan ang inilalarawan sa sitwasyong ito?
A. Magkaroon ng nasyonalidad
C. Mabigyang proteksiyon laban sa pang-aabuso at karahasan
B. Magbigyan ng sapat na edukasyon
D. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
38. Nag-aaral nang mabuti ang magkapatid na Gemma at Gillian upang makatulong sa kanilang mga magulang, balang araw. Aling karapatan ang inilalarawan sa sitwasyong ito?
A. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Magbigyan ng sapat na edukasyon
B. Maisilang at magkaroon ng pangalan
D. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
39. Bakit mahalaga ang mga karapatang tinatamasa?
A. Upang mabuhay nang matiwasay at magkaunawaan
C. Upang magawa at masabi ang anomang naising gawin at sabihin
B. Upang malayang makapagsalita kahit makasasakit ng kapuwa
D. Upang masigurong lahat ay makapag-aaral at makapagtatrabaho
40. Paano mo maipakikita ang paggalang at pagpapahalaga sa pantay-pantay na karapatang tinatamasa?
A. Maging responsable sa isip, sa salita, at sa gawa
C. Maging bukas ang isipan na gawin kung ano ang mali
B. Maging mabuti sa kapuwa lalo na kung may kapalit
D. Maging mapang-abuso sa mga karapatang tinatamasa
41. Lahat ay nagpapakita ng pakikipagkaibigan sa paglahok sa mga patimpalak o paligsahan MALIBAN sa isa
A. Sumali si Katrina sa patimpalak sa pag-awit upang mas mapaunlad ang kanyang kakayahan at maging mahusay ang pakikitungo niya sa mga kapwa kalahok
C. Si Manuel ay naging kalahok sa Science Quiz Bee ngunit hindi siya ang tinanghal na kampeon, binati niya ang nanalo at tinanggap nang maluwag ang pagkatalo
B. Sasali ka sa isang paligsahan sa inyong barangay dahil lamang sa malaki ang gantimpala ng mananalo
D. Lumahok sa paligsahan sa pagtula si Leah sa ibang barangay, masaya siya kahit hindi nanalo dahil nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan
42. Alin sa mga sumusunod ang magagandang maiibubunga ng pagsali sa mga patimpalak o paligsahan?
A. Makararanas ng pagkatalo
C. Magkakaroon ng maraming kaaway
B. Malilinang ang sportsmanship
Mapapatunayang nandaya lamang ang mga katunggali kaya nanalo
43. May talento ka sa pagguhit o pagdidibuho. Magkakaroon ng paligsahan sa sining sa ibang paaralan. Ikaw ang napiling kinatawan ng inyong paaralan, ngunit nahihiya kang makihalubilo sa ibang mga bata na kalahok sa nasabing paligsahan. Ano ang gagawin mo?
A. Uuwi na lamang agad dahil hindi sa sobrang hiya
C. Hindi mamamansin dahil lahat ng mga kasali ay mga katungggali
B. Magsasawalang-kibo hanggang matapos ang paligsahan
D. Lalabanan ang hiya at makikihalubilo sa ibang mga bata at makikipagkaibigan
44. Ikaw at ang iyong matalik na kaibigan ay naging kalahok sa Spelling Bee. Ang naging kampeon ay ang iyong kaibigan. Ano ang mararamdaman mo?
A. Matutuwa para sa kaniyang tagumpay
C. Magtatampo dahil ako dapat ang nanalo
B. Magagalit at ituturing na siyang kaaway
D. Maiinis sa aking kaibigan at hindi siya papansinin
45. Lumahok ka sa Mathematics Quiz Bee sa Division Level. Marami kang nakilalang mga bagong kaibigan mula sa iba’t ibang paaralan ng inyong dibisyon, ngunit hindi ka pinalad na manalo. Ano ang iyong magiging damdamin tungkol sa sitwasyon?
A. Magtatampo dahil ako dapat ang nanalo
C. Maiinis sa kanila at hindi na sila papansinin kailanman
B. Magagalit sa kanila at ituturing na silang kaaway
D. Magiging masaya dahil maraming nakilalang mga bagong kaibigan
46. Nagsabi ang inyong lider na gagawa kayo ng power point presentation sa silid-aklatan pagdating ng inyong lunch break.
A. Kaagad na sumang-ayon
C. Sabihin sa lider na pagod ka dahil marami kang ginawa sa bahay
B. Sabihin sa lider na hindi ka puwede dahil kakain ka muna
D. Sabihin sa lider na magbayad na lang ng ibang gagawa para tiyak na maganda ang gawa ng inyong pangkat
47. May paligsahan sa pagggawa ng poster para sa kalinisan ng inyong barangay. Inaanyayahan na makibahagi ang lahat, kasama ang mga kabataan na magaling sa kompyuter dahil digital ang poster na kailangan.
A. Makibahagi nang may pasubali
C. Magkulong sa bahay sa araw ng paligsahan
B. Himukin ang iba na makibahagi
D. Magkunwaring walang nalalaman sa kompyuter at sa paggawa ng digital poster
48. Upang magagampanan nang buong husay ang anumang tungkulin sa programa at proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan, ang lahat ay dapat tandaan MALIBAN sa isa:
A. Ipaalam sa mga mag-aaral na may computer na ang paaralan at pag-usapan ang gagawing pag-iingat sa paggamit
C. Ang teknolohiya sa paaralan ay gagamitin sa klase ng guro
B. Gagamitin ang computer upang makapaglaro ng paboritong computer games
D. Lahat ng mag-aaral sa abot ng inyong makakaya ay matutuhan ang paggamit ng teknolohiya at magagamit sa programa o proyekto ng paaralan
49. Alin ang paraan ng responsableng paggamit ng media at teknolohiya?
A. Hindi paglalathala ng mga pribadong larawan at impormasyon sa social media
C. Pagberipika sa mga impormasyon na nababasa sa internet at iba pangmedia bago ito ipamahagi sa iba
B. Pagtatakda ng oras at lugar ng paggamit ng mga gadget sa loob ng tahanan
D. Lahat ng nabanggit
50. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng responsableng paggamit ng teknolohiya?
A. Si Gabrielle ay may Ipad, ginagamit lamang niya ito kapag siya ay nasa bahay. Nagagamit niya ang kanyang Ipad sa paggawa ng mga activity na ibinibigay sa kanya ng kanilang guro.
B. Si Christopher ay mayroong bagong cellphone na regalo sa kanya ng kanyang ina dahil nanalo siya sa isang patimpalak at nakamit ang unang pwesto. Sa kanyang tuwa, palagi niya itong hawak at palagi niya rin itong ginagamit kahit saan siya magpunta.
C. Si Arvin ay nakararanas ng pambubulas mula sa kanyang kamag-aral na si Christopher, bilang ganti, gumawa ng dummy account si Arvin. Ginagamit ito ni Arvin upang laitin at ipahiya sa social media si Christopher.
D. Si Meng ay isang sikat na vlogger. Ang kanyang mga paksa sa kanyang mga vlog ay tungkol sa pagluluto. Sa sobrang abala niya sa paggawa ng mga bidyo ay hindi na niya naasikaso ang kanyang pag-aaral
{"name":"Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 (Ikalawang Markahan) by Teacher Carmela M. Santos", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"This quiz is designed to test students' knowledge and understanding of emergency preparedness and response. It covers important topics related to disaster management, cultural respect, and personal responsibility.Assess your understanding of government agencies' roles in emergenciesLearn about proper responses during disasters and community supportEnhance your awareness of cultural sensitivity and respect","img":"https:/images/course1.png"}
Powered by: Quiz Maker