SEC Logo
 

CAN YOU SPOT AN INVESTMENT SCAM?

Magpapabiktima ka ba sa scammer?  I-test ang iyong kaalaman tungkol sa modus operandi ng investment scams.

Sagutan ang quiz na ito at i-share ang result sa ‘yong friends and followers.

 

Pinadalhan ka ng OFW mong Tita ng link tungkol sa Sige, INVESTmo! Kung saan siya nag-invest kamakailan lang. Nasa dog-breeding, buy and sell, clothing, at construction businesses umano ang Sige, INVESTmo. Pwede ka raw sumali sa businesses nila sa halagang P20,000; wala ka nang ibang gagawin kundi maghintay sa payout mo. Pagkatapos ng 6 months, sigurado raw na makakatanggap ka ng 48% o halos P30,000 na kita. Sabi ni Tita, makakauwi na raw siya sa wakas dahil sa investment niya, at lalo pang lalaki ang kita niya kung sasali ka rin. Ilalaban mo ba ang naipon mong P20,000 o babawi?
LABAN, Tita. Ito na ang pagkakataon nating yumaman.
BAWI, Tita. Parang “too good to be true” naman ang offer na yan.
May bagong post ang dati mong high school classmate. Glow-up ang peg niya pero hindi physically kundi financially. Ngayon, pahiga-higa na lang si classmate sa P1,000 bills, pasandal-sandal sa sports car na naka-park somewhere, at pasuot-suot na lang ng dayamons kahit sa grocery. All thanks daw ito sa kanyang dollars mula sa MAG-TRADE, INC., na nagtetrade umano sa “forex” at cryptocurrency sa ibang bansa. Gustong-gusto mo na ring magkakotse at bagong bahay nung bigla ka niyang inayang mag-invest ng P10,000 at maghanap ng iba pang gustong maging #Blessed para kumita ng as much as P1 million in 3 months. Hanggang #SanaAll ka na lang ba o #Joiners ka na rin?
JOINERS ako dyan. Marami akong kakilala na pwede ring mag-invest for more blessings.
SANA ALL na lang muna.
Matagal mo nang nababasa na mataas ang kita sa cryptocurrency. Kung bumili ka 5 years ago for P100, baka milyonaryo ka na daw ngayon. Sakto, nagpakilala sa’yo ang isang ahente ng Beauty and Crypto, Inc. — not your ordinary beauty products supplier dahil nasa cryptocurrency trading din sila. Sabi ng ahente, pwede kang bumili ng beauty products na medyo may kamahalan pero that’s alright dahil may kasama namang cryptocurrency ‘yan. Dahil dito, siguradong kikita ka ng 15% hanggang 90% kada buwan, mabenta mo man o hindi ang beauty products. Add to cart and check out ka na ba agad-agad?
ADD TO CART THEN CHECK OUT na. Kikinis na ang balat ko gamit ang Beauty & Crypto Soap, gaganda pa ang kinabukasan ko.
PASS muna. Pag-aaralan ko muna ang cryptocurrency at kung paano ginagamit ng Beauty and Crypto ang binayad ko para makabili at trade ng cryptocurrency.
Inaya ka ng crush mong magkape. Nang magkasama na kayo, binanggit niyang nag-iinvest siya sa kompanyang GO EARN. Kailangan mo lang daw bumili ng starters package na nagkakahalagang P2,000. Pagkatapos nito, makakatanggap ka na mga produkto nila at 4% na passive income araw-araw, kahit di mo mabenta ang produkto. May dagdag bonus pa tuwing may bago kang marecruit. Kung sumali ka raw, mas magiging close na kayo dahil lagi na kayong magkikita. Will you fall for it?
Para kay crush. Basta si crush ang nagsabi, wala nang tanong tanong pa.
Break na tayo, crush. Relationship ang hanap ko, hindi networking.
Trending ngayon sa social media ang CRYPTOMAX na sinasabing nakabase sa Buenos Aires, Argentina. Narito ang investment packages na inaalok ng Cryptomax:
 
cryptoma
Kinakailangan mo lang daw mag register, subscribe, at ipalit ang iyong pera para sa Bitcoin (BTC). Gagamitin ang nabili mong Bitcoin upang bilhin ang digital asset nilang Cryptomax, saka ka na pwedeng magtrade sa Blockchain.com.. Hindi mo pa lubos na naiintindihan kung paano ka kikita dito, pero 'di mo raw kailangang mag-alala dahil sila na ang magsasagawa ng trade para sa’yo. Magpapahuli ka ba sa trend?
G! Para ma-maximize ang savings ko with crypto.
It’s a no for me now.
Nag-aalok ang kompanyang PAYAMAN, INC. Ng iba’t ibang investment packages at promos mula Php3,000 hanggang Php1,080,000 na may garantisadong 5% to 8% na kita kada buwan, di pa kasama ang referral bonus. Dahil umattend ka sa isa sa mga webinar ng SEC, nalaman mong kailangang may secondary license ang isang kompanya bago ito makapag-alok at tumanggap ng investment mula sa publiko. Pinakita ang dokumentong ito mula sa SEC bilang patunay raw na legit ang investment na inaalok sa ‘yo at lisensyado sila.
 
payaman
 
Sapat na ba ito para mag-invest ka?
OO. Basta rehistrado ang kompanya bilang korporasyon, sure na ‘yan.
HINDI. Ang dokumento ay patunay lamang na rehistrado at nag-eexist ang kompanya bilang korporasyon.
Inaalok kang bumili ng shares sa BUSINESS Corporation sa halagang P10 kada share. Ayon sa dokumentong pinakita sa’yo, kumita ang kilalang kompanya ng P20 million sa nakalipas na taon mula sa pagbebenta ng mineral water na galing pa sa Switzerland. Nabasa mo rin na 20% ng kung anumang kikitain ng kompanya ang ipapamahagi sa shareholders. Dahil nanood ka sa webinars ng SEC, hinanapan mo ng “secondary license” ang kompanya. Ito ba ang hanap mo?
OO. Ito ang lisensyang kailangang makuha ng isang kompanya bago ito makapangalap ng investment sa publiko.
HINDI. Hindi na kailangan ‘yan dahil kilala naman ang kompanya at tiyak hindi ako lolokohin niyan.
Marami ngayon sa kababayan natin ang nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan dahil kailangan munang isara ang mga kainan at iba pang negosyo para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Dahil dito, nag-Facebook Live si Don Apo Daan at hinikayat ang followers niya na mag-send ng pera sa kanyang e-wallet. Dahil lahat naman apektado, nasa P50,000 lang ang naipong donasyon ni Don Apo Daan. Para makaipon ng mas malaking donasyon, nagpa-promo si Don Apo Daan: sa kada P5,000 na idodonate mo, may P1,000 kang matatanggap pabalik kada buwan, habang buhay. Nakatulong ka na, kumita ka pa daw. Pero ilang buwan na ang nakakalipas, wala pa rin ayuda mula kay Don Apo Daan. Magbibigay ka ba?
In Don Apo Daan we trust. Magbibigay ako ng donasyon para makatulong sa sarili ko.
Don Apo Daan is cancelledt. Sa iba ako magbibigay ng donasyon para makarating ang tulong sa mga nangangailangan.
Nanghihikayat ang one person corporation (OPC) na MANTIKANG GINTO OPC ng co-ownership program sa publiko. Sa halagang P10,000 lamang, maaari ka na raw maging part owner ng mismong kompanya na nagpapatakbo umano ng gas stations sa bansa. Garantisado daw na dodoble ang P10,000 mo sa loob lamang ng 2 weeks dahil on demand nga naman talaga lagi ang gasolina. Hinanapan mo sila ng mga dokumento para masigurado mong legit ang ginagawa ng kompanya. Pero sabi nila, espesyal ang permit ng mga OPC dahil hindi na nila kailangang kumuha ng karagdagang lisensya mula sa SEC. True ba, Marites?
No, Marites. Bakit naman mag-iiba ang requirements sa OPC? Make it make sense, Marites.
Yes, Marites. Kakaiba talaga ang OPC.
Nagbabalak kang magtayo ng sarili mong manukan. Pumunta ka sa KAAKIBAT POULTRY CHICKEN EGG PRODUCING CO. Para bumili sana ng papalakihing manok pero wala kang nakitang sisiw sa tindahan nila. Sabi nila, bayaran mo na lang daw ang halaga ng mga sisiw na bibilhin mo sana at sila na lang ang magpapalaki sa mga ito sa kanilang farm sa probinsya. Pagkatapos ng 45 days, bumalik ka na lang daw para kunin ang pinagbentahan ng sisiw na panigurado ay 5 beses na mas malaki kesa sa ibinayad mo. Matatawag mo bang investment ito?
OO. Dahil nagbigay ako ng pera para sa pagpapatakbo ng negosyo ng KAAKIBAT at umaasa akong makakatanggap ng parte sa kikitain ng kompanya nang wala akong ibang kailangang masyadong gawin.
HINDI. Bumili lang naman ako ng sisiw.
{"name":"CAN YOU SPOT AN INVESTMENT SCAM? Magpapabiktima ka ba sa scammer? I-test ang iyong kaalaman tungkol sa modus operandi ng investment scams. Sagutan ang quiz na ito at i-share ang result sa ‘yong friends and followers.", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Magpapabiktima ka ba sa scammer? I-test ang iyong kaalaman tungkol sa modus operandi ng investment scams. Sagutan ang quiz na ito at i-share ang result sa ‘yong friends and followers.","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/CDN/70-3120183/ipw-webinar-zoom-background.jpg?sz=1200-00000000000527105300","hash":"#SEC, #CheckWithSEC, #WorldInvestorWeek, #IOSCOWIW2021, #Investment, #InvestmentScam"}
Powered by: Quiz Maker