Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4 (Ikalawang Markahan) by Teacher Marylyn P. Gutierrez
Project PAGE: Edukasyon sa Pagpapakatao Quiz
Welcome to the Project PAGE quiz designed for Grade 4 students! This engaging quiz aims to enhance your understanding of values and social responsibilities through a series of thought-provoking questions.
Key Highlights:
- Multiple choice questions
- Focus on empathy, kindness, and responsibility
- Perfect for personal development and character building
1. Nagmamadali ka kaya nasagi mo ang plorera sa ibabaw ng mesa at nabasag.
A. Dahil walang nakakita, iiwan mo na lang ito
C. Iligpit ang nabasag na plorera at humingi ng pasensya kay nanay
B. Itapon agad sa basurahan
D. Sabihin kay nanay na nabasag ito ng iyong nakababatang kapatid
2. Nasira mo ang paboritong laruan ng iyong nakababatang kapatid. Umiiyak siya nang makita ito.
A. Hahayaan mo na lang siya
C. Sabihin na nasira ito ng kanyang kalaro
B. Lalapitan mo siya para aminin at humingi ng pasensya dahil hindi mo sinasadya na masira ito
D. Para tumahan, sasabihin na magpapabili na lang ng bago kay nanay
3. Ikaw ay pinagsabihan ng iyong nanay tungkol sa labis at irresponsableng paggamit ng cellphone.
A. Ikaw ay magagalit
C. Humingi ng pasensya at mangako na lilimitahan ang paggamit ng cellphone
B. Patuloy pa rin ang paggamit ng cellphone ng palihim
D. Hindi ka na lamang kikibo
4. Ikaw ay umaawit ng paborito mong kanta. Narinig mo na may nagsabi na hindi maganda ang boses mo.
A. Hindi mo papansinin dahil masama ang loob mo
C. Ititigil mo na ang pagkanta
B. Aawayin mo ang nagsabi nito
D. Magiging motibasyon ito para lalo mo pang pag igihan ang pagkanta
5. Ito ang mga kahalagahan ng pagpili ng mga salitang di-nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro, maliban sa isa;
A. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
C. Upang mapanatili ang magandang samahan
B. Upang di- masaktan ang damdamin ng kapwa
D. Upang may dahilan para mahiya sila sa iyo
6. Nagbibiruan kayo ng matalik mong kaibigan ngunit di inaasahan na mapikon ito. Ano ang iyong sasabihin?
A. Hindi ko alam kung saan ka nasaktan
C. Nasaktan din ako sa biro mo, kaya patas lang tayo
B. Pasensiya ka na sa biro ko
D. Ang pikon, talo!
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapwa?
A. Napilitan lamang na mag-donate si Maria sa mga biktima ng bagyo dahil sa panghihikayat ng mga kaibigan
C. Handa akong dumamay sa oras ng kalungkutan ng aking kaibigan
B. Kinutya ng kapitbahay namin ang isa naming kapitbahay na nagkaroon ng sakit na COVID-19. Hindi na lang ako kumibo
D. Madami akong ginagawa kaya wala akong pakialam kung umiiyak ang aking kaibigan dahil namatay ang nanay niya
8. Dinapuan ng sakit na COVID-19 ang magulang ng iyong kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapadala ka ng mensahe bilang pagbibigay ng simpatya
C. Ipamalita sa mga kaklase
B. Iiwasan ang kaibigan
D. Ipagwalang bahala ito dahil malayo naman ang bahay nila
9. Pinarangalan bilang pinakamahusay na mag-aaral sa larangan ng isports ang iyong matalik na kaibigan. Ano ang mararamdaman mo?
A. Inggit
C. Malungkot
B. Galit
D. Masaya
10. Nakita mo na malungkot ang pinsan mo dahil naiwan itong mag isa sa bahay nila.
A. Hindi mo papansinin
C. Sabihin na Malaki na siya at kaya na niya mag-isa
B. Yayayain mo sa bahay niyo habang wala pa ang mga magulang
D. Kunwari ay may ginagawa ka kaya hinayaan mo na lang ito
11. Lahat ng mga sumusunod ay nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapwa, maliban sa isa;
A. Handang makinig sa kwento ng iba.
C. Malawak na pang-unawa sa nararamdaman ng iba
B. Nagpapakita ng pakikiramay sa kalalagayan ng iba
D. Walang pakialam sa mga taong nangangailangan
12. Nalungkot ka para sa iyong kaibigan na walang matirhan dahil sa pananalasa ng malakas na bagyo. Anong pagtugon ang gagawin mo?
A. Wala kang magagawa dahil bata ka pa
C. Pakikiusapan mo ang iyong mga magulang na tulungan siya sa abot ng inyong makakaya
B. Iiwasan mong makita siya dahil maaawa ka lang sa kalagayan niya
D. Hahayaan mo na lang siya dahil kasama naman niya mga magulang niya
13. Mga kayang ibahagi ng taong bukas-palad, maliban sa isa;
A. Pera, oras at pagkain
C. Pagdamay, pagmamahal at pag-aaruga
B. Pang-unawa, lakas at sipag
D. Bahay at lupa
14. Ang mga sumusunod ay mga kaugalian na nagpapakita ng bukal sa loob na pagtulong, maliban sa isa;
A. Nagbibigay ng walang hinihintay na kapalit
C. Naghihintay ng kapalit sa ibinigay na tulong
B. Masayang nakapagbibigay ng tulong sa lahat ng oras
D. Hindi alintana ang pagod basta makatulong sa iba
15. Nakita mo si aling Mina na may bitbit na mabigat na basket galing sa palengke.
A. Lalapitan mo siya at tulunganng bitbitin ang mabigat na basket
C. Tumawag ng kakilala at ipabitbit ang basket
B. Magkuwaring walang nakita
D. Hayaan siyang mag-isa
16. Alin sa mga sumusunod na tulong ang maaari mong ibigay sa mga biktima ng sunog?
A. Sulatang papel
C. Kosmetiko
B. Pagkain at damit
D. Telebisyon
17. Nasira ang bahay ng inyong kapitbahay dahil sa nagdaang malakas na bagyo. Paano mo sila matutulunga?
A. Payuhan na lumapit at humingi ng tulong sa mga politiko
C. Patuluyin pansamantala sa inyong tahanan habang inaayos ang kanilang bahay
B. Hayaan mo na lang dahil abala rin kayo sa paglilinis ng bahay at bakuran
D. Wala sa nabanggit
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang sa tao sa oras ng pamamahinga?
A. Naibibigay sa kanila ang karapatan nilang makapagpahinga
C. Samantalahin ang libreng oras para manuod ng tv kahit may taong nagpapahinga
B. Nabibigyan sila ng pagkakataon na makabawi ng kalakasan ng katawan pagkatapos ng kanilang mga gawain
D. Nabibigyan sila ng maayos at tahimik na pahingahan
19. Nagpapahinga ang iyong nanay dahil napagod ito sa mga gawaing bahay. Ano ang hindi mo dapat gawin?
A. Gigisingin si nanay dahil gutom ka na
C. Ipagpapaliban muna ang paglalaro
B. Dahan-dahan at maingat na pagsasara ng pintuan
D. Hinaan ang volume ng telebisyon
20. Pagod na pagod ang iyong tatay galing sa trabaho kaya nakatulog ito sa inyong sala.
A. Gigisingin mo siya at sasabihan na lumipat sa kwarto
C. Buhayin ang telebisyon dahil oras na para sa paborito mong palabas
B. Hayaan ang nakababatang kapatid na naglalaro sa tabi nito
D. Hayaan siyang makapagpahinga at iwasan ang anumang ingay
21. Anong hakbang ang hindi angkop gawin kapag may nagpapahinga?
A. “Doon tayo maglaro sa dulo ng bahay sapagkat nagpapahinga si kuya.”
C. “Ipagpaliban na lang muna natin ang paglalaro dahil may natutulog.”
B. “Pumunta lang kayo sa bahay at tayo’y maglaro habang tulog si bunso.”
D. “Huwag kayong masyadong maingay sa paglalaro sapagkat nagpapahinga si tatay galing sa trabaho.”
Kasalukuyang nag-aaral ang iyong nakatatandang kapatid nang dumating ang iyong matalik na kaibigan upang makipaglaro. Ano ang sasabihin mo?
A. “Tara, maglaro na tayo.”
C. “Kuya, maglalaro kami. Pasensiya na sa ingay namin.”
B. “Sa ibang araw na lang tayo maglaro, nag-aaral ang kuya ko.”
D. “Masaya ako at nakarating ka, kanina pa ako nag aantay sa’yo.”
23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa iba kapag nag-aaral?
A. Nabibigyan sila ng tahimik na lugar upang makapag-pokus sa kanilang mga aralin
C. Nagkakaroon sila ng pagkakataong makapag-isip para sa kanilang mga gawain
B. Naibibigay ang karapatan nilang makapag-aral
D. Nagkaroon ka ng pagkakataon na ipadama ang pagkainis mo sa nakababatang kapatid, kaya nagpatugtog ka ng radyo habang nag-aaral ito
24. Bakit kailangang igalang ang taong may sakit sa oras ng kanyang pamamahinga?
A. Dahil kawawa naman sila.
C. Upang ipakita na ikaw ay nalulungkot sa kanyang pagkakasakit.
B. Sapagkat mahalaga na maipahinga niya ang kanyang sarili para sa mabilis niyang paggaling.
D. Dahil magagalit ang kanyang pamilya.
25. Bumisita ka sa iyong kaibigan na may sakit sa ospital ngunit siya ay natutulog nang dumating ka.
A. Hindi ka na tumuloy dahil ayaw mo na maistorbo siya
C. Gigisingin mo siya para magkaroon kayo ng mahabang oras ng kwentuhan
B. Maging matiyaga na antayin ang kanyang paggising sapagkat alam mong kailangan niya ng sapat na pahinga
D. Sinabi mo sa nagbabantay na babalik ka na lang ngunit ang totoo hindi mo sigurado kung makababalik ka.
26. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang dapat mong tularan?
A. Nagsasalita sa harap ang aming guro, ako ay maiging nakikinig sa kanya.
C. Huwag makinig sa taong nagsasalita kung hindi ka interesado sa sinasabi nito.
B. Huwag pansinin ang pangangaral ni nanay dahil paulit-ulit lang ito.
D. Nagsasalita ang namumuno sa palaro, alam ko na ang panuntunan sa palaro kaya hindi na ako nakinig.
27. Anu-ano ang kahalagahan ng pakikinig kapag may nagsasalita o nagpapaliwanag?
A. Upang madali mong maintindihan ang sinasabi ng nagpapaliwanag
C. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
B. Ito ay susi upang magkaunawaan ang dalawang tao
D. Isang abala at naka uubos ng oras
28. Masayang nagbabahagi ang iyong kaibigan nang naranasan nito sa kanyang bakasyon.
A. Huwag pansinin kasi naiinggit ka
C. Nawalan ka ng ganang makinig dahil tila paulit-ulit lang
B. Matiyaga at masaya kang nakikinig sa kanyang kwento
D. Magkunwaring nakikinig dahil naiinip ka na sa haba ng kwento niya
29. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa mga pasilidad ng paaralan para sa kapakanan ng nakararami Maliban sa isa:
A. Masinop na paggamit ng ilaw at tubig
C. Pinipitas ang mga bunga at bulaklak nang walang pahintulot
B. Tinatangkilik ang programang Bulaklakan at Gulayan sa Paaralan
D. Napananatili ang kalinisan at kayusan ng mga pasilidad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina
30. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos gumamit ng palikuran?
A. Ipaubaya na lamang sa taga linis
C. Sulatan ang pinto’t dingding bago umalis
B. Ugaliing iwanan na malinis
D. Iwanang marumi
31. Nakita mo na hindi maayos ang pagkakalagay ng mga aklat sa silid-aklatan. Ano ang gagawin mo?
A. Umalis na lamang sa silid-aklatan
C. Huwag na lamang pansinin
B. Magalit sa librarian
D. Ipagbigay alam sa librarian
32. Humiram ka ng aklat sa silid-aklatan. Paano mo ito mapapangalagaan?
A. Iwasan na malukot, mapunit o mabasa
C. Hayaan na mapunit tutal hindi naman sa iyo
B. Hayaan na paglaruan ng nakababatang kapatid
D. Ipagamit sa iba bahala na kung masira
33. Sa madalas ninyong paggamit ng palaruan napansin mo ang walang ingat na paggamit ng iyong mga kaklase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sawayin ng may paggalang
C. Gayahin na lamang
B. Huwag na lang pansinin
D. Hayaang ipagpatuloy na lamang
34. Bagong pintura ang mga silya sa palaruan. Ano ang iyong dapat gawin?
A. Huwag muna umupo sa silya dahil hindi pa tuyo
C. Ayos lang na madumihan wala naman nagbabantay
B. Yayain ang mga kalaro na doon umupo
D. Tapakan upang magmarka ang paa
35. Paano ka makatutulong upang makamit ang pagkakaroon ng maayos, malinis at tahimik na kapaligiran?
A. Makipagkaibigan sa mga lasenggong kabarangay
C. Makibahagi sa mga proyekto ng barangay upang mapanatili ang kalinisan ng paligid
B. Huwag sumunod sa itinakdang curfew hour
Magkunwaring hindi nakita ang tambak nabasura sa bakuran
36. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaaya-ayang kapaligiran, maliban sa:
A. Malinis na kapaligiran
C. Luntiang kapaligiran
B. Tambak ng basura
D. Tapat ko, linis ko
37. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi dapat tularan?
A. Nakikiisa ako sa paglilinis ng aming purok
C. Tinitiyak kong nakabukod ang nabubulok at di-nabubulok na basura
B. Sinisigawan ko ang mga bata na naglalaro sa aming bakuran
D. Iniiwasan ko ang pagsasalita ng malakas sa loob ng pampublikong sasakyan upang hindi maabala ang ibang pasahero
38. Ano ang nararapat na gawin upang mapanatili ang kalinisan ng bakuran?
A. Ipagpaliban ang paglilinis ng bakuran
C. Ipaubaya sa ibang tao ang paglilinis ng bakuran
B. Itambak ang mga basura sa bakuran
D. Linising mabuti ang bakuran
39. Ang mga sumusunod ay mga gawaing nagpapakita ng maayos at ligtas na kapaligiran, maliban sa:
A. Pagsunod na mabuti sa curfew hour
C. Pagsunod sa mga batas at ordinansa ng komunidad
B. Pagreresiklo ng basura
D. Pagsamasamahin ang mga basura sa iisang lalagyan
40. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagpapanatili ng katahimikan sa pamayanan?
A. Magdamagan na sesyon ng kantahan sa videoke
C. Masaya at banayad na pagpapatugtog ng musika na hindi nakakagambala sa kapitbahay
B. Walang habas na pagpalahaw sa lansangan
D. Malakas na pagpapatugtog ng radyo
{"name":"Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 4 (Ikalawang Markahan) by Teacher Marylyn P. Gutierrez", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Welcome to the Project PAGE quiz designed for Grade 4 students! This engaging quiz aims to enhance your understanding of values and social responsibilities through a series of thought-provoking questions.Key Highlights:Multiple choice questionsFocus on empathy, kindness, and responsibilityPerfect for personal development and character building","img":"https:/images/course7.png"}
More Quizzes
ESP 2 PAGSASANAY (TERM 3)
15879
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS
50250
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher MARY ANN D. ARTACHO
25120
Q1 - 4th Summative Test in ESP 1
18938
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda
3518122
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520
2nd Quarter Test in AP II
1588
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKATLONG MARKAHAN by Teacher Carmela M. Santos
50250
ESP 2 (Term 2): Paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagmamahal sa sarili -sy22-23
5243
3rd Summative Test in ESP 1
231227
ESP 3 PAGSASANAY (TERM 3)
15829
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 (Ikalawang Markahan) by Teacher Mary Ann D. Artacho
2512161