A. Multiple Choice (1-5) Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng pinaka-angkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga nabanggit na paghahanda upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo?
A. Pagpasa ng mga awtput sa takdang panahon
B. Pagpapalawak at pagpapabuti ng interpersonal na relasyon sa loob at labas ng paaralan
C. Paghahanap ng mga alternatibong paraan o hakbang kung sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari
D. Pag-alam sa mga iba’t-ibang pwersa upang makamit ang piniling kurso
2. Anong hakbang ang tumutukoy sa paninigurado sa kalidad ng edukasyon na maipagkakaloob sa piniling kurso?
A. Pagkilala sa mga importanteng tao sa buhay na magbibigay gabay at motibasyon upang makamit ang piniling kurso
B. Pagpapayaman sa mga pansariling salik (Hilig, Interes, Talento)
C. Paghahanap ng mga alternatibong paraan o hakbang kung sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari
D. Pagsasaliksik tungkol sa mga institusyon na may kadalubhasaan sa piniling kurso
3. Bakit isa sa mga paghahanda ang pagkilala at pagkakaroon ng mga importanteng at mabubuting tao sa iyong paligid?
A. Dahil sila ay magbibigay inspirasyon sa pagiging matibay at magiging gabay lamang sa pagpapatuloy sa pagkamit ng piniling kurso.
B. Dahil sila ang bubuo ng desisyon para sa akin.
C. Dahil mahalaga ang ninanais nilang maging kurso at paghahanda para sa akin.
D. Dahil sila ay marami nang karanasan sa buhay at tiyak na makakamit ko ang aking piniling kurso mula sa kanilang mga payo.
4. Sa paanong paraan ka magkakaroon ng kakayahan na makatulong sa pagpapayabong ng ekonomiya ng ating bansa?
A. Sa pamamagitan ng pagiging isang kapaki-pakinabang na manggagawa o isang liability ng kinapapalooban na institusyon.
B. Sa pamamagitan ng pagiging isang mabait na manggagawa o isang asset ng kinapapalooban na institusyon.
C. Sa pamamagitan ng pagiging isang kapaki-pakinabang na manggagawa o isang asset ng kinapapalooban na institusyon.
D. Sa pamamagitan ng pagiging isang manggagawa ng isang institusyon.
5. Ano sa mga sumusunod na hakbang ang kinakailangan ng pag-eensayo at tiwala sa sarili?
A. Pagpapayaman sa mga pansariling salik (Hilig, Interes, Talento)
B. Pagsasaliksik tungkol sa mga institusyon na may kadalubhasaan sa piniling kurso
C. Pagkilala sa mga importanteng tao sa buhay na magbibigay gabay at motibasyon upang makamit ang piniling kurso
D. Paghahanap ng mga alternatibong paraan o hakbang kung sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari
B. Sanaysay/Essay (1-2) Panuto: Ipahayag ang iyong natutunan sa modyul na ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay na binubuo ng dalawang talata na sumasagot sa mga katanungan sa ibaba. Ang bawat talata ay binubuo lamang ng 2-3 na pangungusap.
B. Sanaysay/Essay (1-2) Panuto: Ipahayag ang iyong natutunan sa modyul na ito sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay na binubuo ng dalawang talata na sumasagot sa mga katanungan sa ibaba. Ang bawat talata ay binubuo lamang ng 2-3 na pangungusap.
1. Bakit mahalaga na matukoy at maunawaan natin ang mga paghahandang gagawin sa pagkamit ng napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo?
2. Alin sa mga paghahandang nabanggit sa talakayan ang naisasagawa mo na? Alin naman ang hindi?
{"name":"A. Multiple Choice (1-5) Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng pinaka-angkop na sagot.", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"1. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga nabanggit na paghahanda upang makamit ang piniling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at palakasan o negosyo?, 2. Anong hakbang ang tumutukoy sa paninigurado sa kalidad ng edukasyon na maipagkakaloob sa piniling kurso?, 3. Bakit isa sa mga paghahanda ang pagkilala at pagkakaroon ng mga importanteng at mabubuting tao sa iyong paligid?","img":"https://www.quiz-maker.com/3012/images/ogquiz.png"}
Powered by: Quiz Maker