Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (3rd Quarter) by Teacher MARYLYN P. GUTIERREZ

Create an educational-themed image featuring Filipino culture, environmental awareness, and traditional values, suitable for a quiz atmosphere.

Edukasyon sa Pagpapakatao Quiz

Sumali sa aming quiz na nakatuon sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) para sa ika-apat na baitang. Ang pagsusulit na ito ay naglalaman ng 40 mga tanong na tumutukoy sa mga kulturang Pilipino, batas pangkapaligiran, at iba pang mahahalagang tema sa edukasyon.

Makilahok at suriin ang iyong kaalaman sa mga sumusunod na aspeto:

  • Kahalagahan ng kulturang Pilipino
  • Paggalang sa mga tradisyon at kaugalian
  • Mga batas pangkapaligiran at disiplina
  • Pagpapahalaga sa kasaysayan at mga bayani
40 Questions10 MinutesCreated by LearningLeaf421
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig at pag-unawa sa mga itinuturong kulturang materyal at di-materyal.
A. Si Lani na hindi nakikiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng kanilang pamayanan.
B. Si Karen na nakasimangot tuwing pinangangaralan ng kaniyang ina.
C. Si Roel na pinakikinggan ang mga kaugaliang itinuturo ng kaniyang guro.
D. Si Mario na pinag-aaralan ang mga pagpapahalaga ng ibang lahi.
2. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Pilipino?
A. Sa pagsali sa pagtipun-tipon laban sa pamahalaan
B. Sa pagsasabuhay ng mga ito sa pang-araw-araw na gawain
C. Sa pag-aaral ng mga pagpapahalaga ng ibang lahi
D. Sa pakikilahok sa iba’t ibang samahan pangmatanda
3. Binigyan kayo ng isang gawain kung saan magbabasa kayo ng mga alamat sa inyong rehiyon. Pagkatapos, isusulat ninyo ang aral na mapupulot dito. Paano mo dapat ito gagawin? Gagawin ko ito nang ______________.
A. pahapyaw
B. padabog
C. nagmamadali
D. May kawilihan
4. Tinuturuan si Marta ng kaniyang mga magulang ng paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa nakatatanda. Kung ikaw si Marta, ano ang gagawin mo?
A. Magagalit ako sa kanila.
B. Hindi ako iimik at tatalikuran ko sila.
C. Pakikinggan ko ang aking mga magulang.
D. Magmamaktol ako habang nakikinig.
5. Sino sa mga sumusunod ang dapat nating tularan dahil sa nagpapakita siya ng kawilihan sa mga pamanang kultural ng ating bansa?
A. Pakiknig sa mga kwentong-bayan
B. Pagpapakita ng pagkainip habang nagtuturo ang guro tungkol sa mga kaugalian at tradisyon.
C. Pagsusunog sa mga aklat ng panitikan
D. Pagsasawalang halaga sa mga tradisyonal na pagdiriwang
6. Binilhan ka ng iyong nanay ng aklat ng mga kwentong bayan, sayaw, at alamat. Ngunit hindi ka mahilig magbasa ng mga ito dahil hilig mo lang ang paglalaro ng computer games. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ibigay na lang ang mga ito sa iba.
B. Itago lang ang mga ito sa kahon.
C. Basahin ang mga ito at ipahiram sa iba.
D. Itapon ang mga ito sa basurahan.
7. Paano natin mapapahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon?
A. Sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan tungkol sa napapanahong mga isyu sa pamayanan
B. Sa pakikinig o pagbabasa nang may galak sa mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng kuwentong bayan
C. Sa panonood ng mga palabas tungkol sa iniidolong mga artista
D. Sa pagsali sa mga organisasyon na tumutuligsa sa pamahalaan
8. Minsan ay napagsabihan ang mga magkakapatid na sina Mila, Ella at Lanie ng kanilang magulang tungkol sa kanilang mga inaasal na hindi kanais-nais. Naiinis na si Mila sa kanilang magulang samantalang si Ella naman ay nagagalit sa kanila. Kung ikaw si Lanie, ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. “Umalis nalang tayo sa bahay. Hindi naman nila tayo mahal.”
B. “Pakinggan natin sila dahil para lang naman ito sa atin.”
C. “Huwag na lang natin sundin ang mga sinasabi nila.”
D. “Maging pasaway nalang tayo para lalo silang magalit sa atin.”
9. Kasama ninyo sa bahay ang inyong lolo at lola. Mahilig silang makinig sa mga lumang awitin. Hindi mo gusto ang mga awiting ito dahil mas gusto mo ang napapanahong awitin. Ano dapat mong gawin sa ganitong sitwasyon?
A. Sumabay lang sa pakikinig.
B. Awayin ang lolo at lola mo.
C. Sirain ang player nila.
D. Paalisin sila sa bahay.
10. Bakit kailangang kawilihan ang pagbabasa ng mga kulturang materyal at di-materyal ng ating bansa?
A. Dahil isa itong karapatan ng bata
B. Upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino
C. Para magamit nang wasto ang bakanteng oras
D. Kasi iyon ang sabi ng mga guro
11. Nanalo siya sa patimpalak sa pagsayaw dahil sa nakakabilib niyang indak.
A. pag-awit habang tumutugtog ng instrumento
B. Galaw ng katawan bilang pagtugon sa isang tugtugin
C. Paglakad o pagtakbo habang tumutugtog ang isang awit
D. Ekspresyon ng mukha habang sumasayaw
12. Bantog si Dr. Jose P. Rizal bilang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang kahulugan ng Bantog ay:
A. Pinarangalan
B. Namatay
C. Artista
D. Kilala
13. Naghahanda kami ng masasarap na pagkain tuwing piyesta. Ito ay bahagi ng tradisyon ng mga Pilipino. Ang kahulugan ng tradisyon ay:
A. Mga gawain ng mga mamamayan upang ipagdiwang ang isang okasyon
B. Mga gawaing pampamayanan na nilalahukan ng maraming mamamayan
C. Malaking pagdiriwang sa isang barangay
D. Paniniwala o opinyon na naisalin ng mga magulang sa mga anak
14. Magandang pakinggan ang himig ng awit. Ang kahulugan ng himig ay:
A. tono
B. tekstura
C. nota
D. bilis
15. Ang pinagbatayan niya ng bagong kuwento ay ang mga karanasan noong siya ay bata pa. Ang kahulugan ng pinagbatayan ay:
A. pinagtayuan
B. pinagbasehan
C. pinagkunan
D. pinaglagyan
16. Napansin mo na pinagtatawanan ng iyong kaibigan ang paraan ng pagsasalita ng isang pangkat dahil sa kakaiba ito sa tono ng pagsasalita ninyo. Bilang kaibigan niya, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Hahayaan lang siya dahil hindi ko naman iyon problema.
B. Pagtatawanan din sila dahil kakaiba ang tono ng kanilang pagsasalita.
C. Pagsasabihan na mali ang kaniyang ginagawa dahil dapat igalang ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
D. Aawayin ko siya dahil masama ang kaniyang ginagawa.
17. Binigyan kayo ng gawain ng inyong guro. Magsusuri kayo ng isang kuwentong bayan ng isa sa mga pangkat etnikong Pilipino. Ano ang gagawin mo?
A. Babasahin at iintindihin ito nang maayos.
B. Ipabasa ang kuwentong-bayan sa kapatid.
C. Pakiusapan ang Nanay na siya ang gumawa nito.
D. d. Balewalain ang pagsasanay.
18. Bibisitahin ng mga mag-aaral ang isang museo sa kalapit- bayan. Pag-aaralan nila ang mga sinaunang kagamitan, pamumuhay, at pananamit ng pangkatetniko na naroon. Hinihikayat ang lahat na sumali. Kung ikaw ay isang mag-aaral, sasama ka ba o hindi? Bakit?
A. Opo, dahil mahalagang pag-aralan ang kultura ng kapwa Pilipino.
B. Hindi po, dahil sayang ang perang ipambabayad dito.
C. Opo, para makapamasyal kasama ang mga kaibigan.
D. Hindi po, dahil hindi mahalagang pag-aralan ang mga iyon.
19. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang kultura ng kapwa Pilipino?
A. Pagtatawanan ang kanilang kinamulatang kultura na iba sa aming kultura.
B. Igagalang ang kanilang kinamulatang pamumuhay, pananamit, at pagsasalita.
C. Hindi makikihalubilo sa kanila.
D. Pagsasabihan sila nang hindi magagandang bagay tungkol sa kanilang kultura.
20. Napanood mo sa telebisyon ang tungkol sa isang nagtapos sa kolehiyo na nagsuot ng bahag sa kanilang Araw ng Pagtatapos bilang pagmamalaki sa pangkat- etnikong kaniyang kinabibilangan. Bilang manonood, ano ang iyong reaksyon dito? Bakit?
A. Hahangaan siya dahil ipinagmamalaki niya ang kaniyang pangkat.
B. Mahihiya para sa kaniya dahil bihira na ang nagsusuot ng kanilang katutubong damit.
C. Magagalit kasi nagpapapansin siya sa mga tao.
D. Matatawa kasi kakaiba ang kaniyang suot.
21. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng paglabag sa batas pangkapaligiran?
A. Paglagay ng recyclable waste materials sa MRF
B. Pagbitbit ng basura upang itapon sa tamang basurahan.
C. Paggamit ng motorsiklo na hindi pumasa sa Vehicle Emission Testing Center
D. pagbubukod-bukod ng basura sa recyclable at compostable waste materials
22. Paano mo masasabi na ikaw ay may disiplina sa pagsunod sa mga batas pangkapaligiran?
A. Kung ang panuntunang pangkapaligiran lamang sa paaralan ang sinusunod.
B. Sa tuwing iginagalang lamang ang mga batas pangkapaligiran na may mabibigat na kaparusahan.
C. Kapag sumusunod sa mga batas pangkapaligiran kahit walang nakakakita.
D. Tuwing sumusunod sa mga batas pangkapaligiran kapag may nakakakita lamang.
23. Alin sa mga sumusunod na batas ang nilabag ni Danilo nang itinapon niya ang plastik ng tsitsiriya sa ilog?
A. RA 8749
B. RA 9275
C. RA 9003
D. RA 8749
24. Nakita ni Darwin na itinatapon ng kaniyang bunsong kapatid ang kanilang basura sa tabing- dagat. Kung ikaw si Darwin, ano ang dapat mong gagawin?
A. Hahayaan ko lang siya.
B. Hindi ko papansinin ang ginawa niya.
C. Papagalitan ko agad siya at papaluin sa kamay.
D. Ikukuwento ko sa kaniya ang natutuhan ko tungkol sa masamang dulot nito sa kapaligiran.
25. Ano ang maaaring mangyari kung ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa mga batas at panuntunang pangkapaligiran?
A. Bababa ang kriminalidad sa bansa
B. Mababawasan ang polusyon sa kapaligiran
C. Magkakaroon ng maraming pabrika sa bansa
D. Mababawasan ang turistang pupunta sa bansa
26. Napansin ni Ana na marumi ang ibinubugang usok ng motorsiklo ng kaniyang Tatay. Kung ikaw si Ana, ano ang iyong gagawin?
A. Papagalitan ko po si Tatay dahil nakarurumi ito sa hangin.
B. Hahayaan ko lang po dahil nakatatanda sa akin si Tatay.
C. Hindi ko po pakikialaman si Tatay.
D. Sasabihan ko po si Tatay na ipaayos ito.
27. Kailan mo dapat sundin ang mga panuntunang pangkapaligiran?
A. palagi
B. minsan
C. Tuwing may nakakikita
D. Kung gusto lang
28. Mahigpit na ngayong ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Ngunit, may mga iilan pa ring mamamayan ang hindi sumusunod dito. Bukod sa nakasasama ito sa kalusugan, ano ang batas na nilalabag ng isang tao na nagsisigarilyo pa rin sa mga pampublikong lugar?
A. RA 9275
B. RA 7942
C. RA 9003
D. RA 8749
29. Bakit kailangang sundin ang mga batas pangkapaligiran?
A. Upang mapanatiling kaaya-aya ang kapaligiran
B. Upang makakuha ng mataas na marka
C. Para hindi mapagalitan ng guro
D. Para maiwasan ang pagkakakulong
30. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagsunod sa batas pangkapaligiran?
A. Pagkalat ng basura na nakaimbak sa MRF (Materials Recovery Facility) ng barangay
B. Paglalagay ng mga balat ng prutas sa sako na may lamang lupa
C. Pagtatapon ng basura sa ilog
D. Pagsusunog ng basura
31. Inutusan ka ng iyong Nanay na sunugin ang isang sako ninyong basura. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko po kay Nanay na ipinagbabawal ito.
B. Palihim ko po na itatapon ito sa ilog.
C. Susundin ko po ang utos ng Nanay.
D. Uutusan ko po ang aking kapatid.
32. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon?
A. Paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di- nabubulok
B. Pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon
C. Pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok
D. Paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng manga
33. Binigyan kayo ng proyekto kung saan kailangan magresiklo ng mga patapong bagay. Ano ang dapat mong maramdaman sa gawaing ito?
A. Masisiyahan ako kasi makagagawa ako ng isang bagay mula sa pagreresiklo.
B. Maiinis ako kasi hindi ko naman ito magagamit.
C. Mababagot ako kasi pwede naman akong bumili ng bago.
D. Malulungkot ako kasi hindi naman ako mahilig mag-resiklo.
34. Natutuhan mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na dapat ibukod-bukod ang mga basura. Ngunit hindi ito isinasagawa sa inyong bahay. Ano ang mainam mong gawin?
A. Isumbong sa guro.
B. Pagalitan ang mga magulang.
C. Imungkahi na simulan ang pagbubukod-bukod ng basura.
D. Hayaan lang ito.
35. Paano mapapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran?
A. Kung paghihiwalayin ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok
B. Kung susunugin ang mga basurang nabubulok gaya ng mga tuyong dahon
C. Kung ibabaon ang mga di-nabubulok na basura sa lupa upang gawing pataba
D. Kung itatapon na ang mga bagay na wala na sa uso
36. Napansin mong maraming nakatambak na mga boteng plastik sa likuran ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itatapon ko ang mga ito sa compost pit.
B. Susunugin ko ang mga ito.
C. Gagawin ang mga ito na plastik na paso.
D. Hahayaan lamang ang mga ito na nakatambak sa likod- bahay.
37. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong pangangalaga sa kapaligiran?
A. Magsunog ng mga basura para mabawasan ang kalat sa kapaligiran.
B. Sa recycling, mag aaksaya lamang tayo sa oras. Mas mabuti pa na bumili na lang ng bago.
C. Kailangang magtulungan ang mga mamamayan sa pagsagawa ng wastong segregasyon upang mapanatili ang malinis at maayos na kapaligiran.
D. Ang mga hindi nabubulok nab asura ay maaaring sunugin upang mabawasan ang basura sa paligid.
38. Natutunan mo na dapat ibukod-bukod ang mga basura. Ngunit nakita mo na hindi ito ginagawa ng iyong mga kaklase. Ano ang mainam mong gawin?
A. Isumbong sa guro.
B. Pagsabihan at ipaalala ang kahalagahan nito.
C. Hayaan lang ito.
D. Awayin ang kaklase.
39. Napapansin mong marami pa ring nagsusunog ng basura sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipapasabay na sa kanila ang mga basura namin.
B. Hindi gagayahin ang kanilang ginagawa.
C. Hayaan na lang ang pagsusunog ng basura.
D. Magsusunog na rin ng basura.
40. Upang mabawasan ang basura sa bakuran nina Mila, nagwalis siya at sinunog ang mga ito. Sinabihan siya ng kaniyang Nanay na itigil niya ang pagsunog ng basura dahil ipinagbabawal. Kung ikaw si Mila, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Mangangatwiran sa Nanay dahil para rin naman sa kalinisan ng kapaligiran.
B. Bibilisan ko ang pagsunog ng basura upang matapos na ako.
C. Ipagpapatuloy ko ang pagsunog ng basura upang maging malinis ang aming bakuran.
D. Ititigil ko ang pagsusunog ng basura dahil magdudulot ito ng polusyon sa hangin.
{"name":"Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 4 (3rd Quarter) by Teacher MARYLYN P. GUTIERREZ", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Sumali sa aming quiz na nakatuon sa Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) para sa ika-apat na baitang. Ang pagsusulit na ito ay naglalaman ng 40 mga tanong na tumutukoy sa mga kulturang Pilipino, batas pangkapaligiran, at iba pang mahahalagang tema sa edukasyon.Makilahok at suriin ang iyong kaalaman sa mga sumusunod na aspeto:Kahalagahan ng kulturang PilipinoPaggalang sa mga tradisyon at kaugalianMga batas pangkapaligiran at disiplinaPagpapahalaga sa kasaysayan at mga bayani","img":"https:/images/course2.png"}
Powered by: Quiz Maker