Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda
Edukasyon sa Pagpapakatao Quiz
Alamin ang iyong kaalaman at pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng aming quiz tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Kabilang dito ang mga sitwasyong nangangailangan ng tamang pag-uugali at pagtulong sa mga nangangailangan sa ating komunidad.
Makatutulong ang quiz na ito sa mga sumusunod:
- Pagsusuri ng iyong kaalaman sa pagpapakatao
- Pagpapalawak ng iyong kakayahan sa pagtulong
- Pagsasanay para sa mga sitwasyong may kinalaman sa pagtulong at malasakit sa kapwa
1. Alin sa mga sumusunod ang wastong gawi na maaaring maipakita sa mga taong may sakit na nangangailangan?
A. pagmamalasakit
C. pagkamahiyain
B. Pagpapakita ng awa
D. Wala sa nabanggit
2. Bilang isang mag- aaral, ano ang maaari mong ibigay sa kapitbahay mong nasunugan?
A. Bahay at lupa
C. Bagong kasangkapan
B. Damit na maaari pang magamit
D. Pagkain araw- araw
3. Sino sa mga sumusunod ang nararapat mong tawagin kung nanghingi ang iyong kapitbahay ng tulong upang madala sa ospital ang kaniyang anak?
A. Si Mayor
C. pari
B. Kapitan ng barangay
D. guro
4. Nalaman mo na maysakit ang iyong lola na nag-iisang namumuhay sa kaniyang munting kubo. Ano ang iyong gagawin?
A. Puntahan siya at alagaan
C. Sabihan si nanay na magtawag ng tulong
B. Silipin at takbuhan
D. Hayaan na lamang siya
5. Ibinilin ni nanay na painumin mo ng gamot sa takdang oras ang iyong nilalagnat na kapatid subalit ayaw niya itong inumin dahil mapait. Ano ang iyong gagawin?
A. Takutin para inumin ang gamot
C. Sabihin na tatawagin si kapitan upang siya ang magpainom ng gamot.
B. Lambingin hanggang sa pumayag na inumin ang gamot.
D. Hahayaan nalamang na hindi makainom ng gamot.
6. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pag- aalaga ng taong maysakit?
A. Si Loren na pinapakain ng tsitsirya ang kapatid na walang panlasa.
C. Si Celso na nagluto ng mainit na sabaw para sa lola niyang maysakit.
B. Si Arbie na binabalot sa makapal na kumot ang kapatid na nilalagnat.
D. Si Edie na pinapainom ng gamot ang kapatid kapag naalala lamang.
7. Napansin mo na ilang araw nang hindi nakikilahok sa online class ang kaibigan mo. Nabalitaan mo sa kaniyang nanay na siya ay may lagnat. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Dalawin at makipagkwentuhan sa kanya sa kaniyang kwarto.
C. I-report sa barangay upang madala sa isolation facility.
B. Dalhan ng mga prutas at ipaabot ito sa kaniyang ina.
D. Ipamalita sa mga kamag-aral na siya ay positibo sa CoViD.
8. Gusto mong iparamdam sa iyong matalik na kaibigan na nag-aalala ka sa kanya sa kaniyang pagkakasakit. Ano ang maari mong gawin upang maipadama mo ito sa kanya?
A. Gawan siya ng kard na may mensahe nang mabilis niyang paggaling.
C. Ipaalala sa kanya ang katigasan ng kaniyang ulo na nagging sanhi ng kaniyang pagkakasakit.
B. Palagian siyang tawagan sa messenger hanggang hatinggabi.
D. Pagalitan siya dahil sa kaniyang pagkakasakit.
9. Narinig mo na naubusan ng gamot sa lagnat ang anak ng inyong kapitbahay. Sarado na ang botika sa bayan. May natatabi naman si nanay na gamot para sa inyong magkapatid. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin?
A. Itago ang gamot.
C. Ipahiram muna ang gamot.
B. Ibigay na lamang ang gamot.
D. Wala kang gagawin.
10. May napansin kang matandang pilay na pulubi sa gilid ng daan. Alin sa mga sumusunod ang maari mong ibigay na tulong sa kaniya?
A. pagkain
C. bahay
B. pera
D. damit
11. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagtulong sa kapwa?
A. Si Edmar na iniabot ang upuan sa babaeng nakatayo.
C. Si Anne na sinaway ang ang maingay na batang pipi.
B. Si Willy na tinulungang makatawid ang batang bulag.
D. Si Marco na sinisigawan ang kalarong bingi para marinig ang sinasabi nito.
12. Si Larry ay isang batang pipi. Mahusay siyang gumuhit. Isang araw napansin mo na halos paubos na ang ginagamit niyang pangkulay. Upang masuportahan mo sya sa kaniyang talento, ano ang maaari mong gawin?
A. Hikayatin siya na huminto na sa pagguhit dahil ubos na ang kaniyang kagamitan.
C. Ibigay sa kaniya ang mga gamit mong pangkulay na hindi mo naman ginagamit.
B. Sabihin sa kaniya na maghanap na lamang ng ibang pagkakaabalahan.
D. Ipagsabi sa ibang bata na yayain na maglaro sa labas si Larry.
13. Maiksi ang isang paa ni Ted ngunit siya ay napakahusay sa larong chess. Sa palarong pampaaralan, nais ng inyong guro na isali siya sa paligsahan subalit ayaw ni Ted dahil nahihiya siya sa kaniyang kapansanan. Bilang isang kaibigan, paano mo mahihikayat si Ted na lumahok?
A. Sabihin sa kanya na may karagdagang grado kapag sumali siya sa paligsahan.
C. Isumbong sa kaniyang nanay upang mapilitan siyang sumali.
B. Ipakita sa kanya ang iyong suporta at pagmamalaki sa kaniyang kakayahan.
D.Takutin siya na hindi mo na siya kaibigan kung hindi siya sasali sa paligsahan.
14. Bulag man si Leni ay napakahusay naman nitong umawit. Nakita mo sa post sa inyong FB group na may magaganap na paligsahan sa pag-awit sa inyong paaralan. Sasabihin mo ba iyon kay Leni?
A. Oo, para meron akong makalaban sa paligsahan.
C. Hindi, kasi baka matalo niya ako.
B. Oo, para sumali siya at maipakita sa iba ang kaniyang talento.
D. Hindi, kasi wala naman siyang gagamitin na camera para sa online paligsahan.
15. Nais ng iyong nanay na sumali sa paligsahan sa pagguhit ang iyong pinsan na si Karla. Si Karla ay isang pipi. Ano ang iyong gagawin upang makasali sya sa programa sa paaralan?
A. I-chat ang guro ni Karla para sabihin na magaling sa pagguhit ang iyong pinsan.
C. Ipagkalat sa inyong kapibahayan ang talento ni Karla.
B. Sabihin kay Karla na dapat siyang sumali para maipakilala mo siya na pinsan mo siya.
D. Sabihin kay Karla na kailangan niyang sumali para makatanggap ng papremyo.
16. May online na paligsahan sa pagkanta sa inyong barangay. Alam mo na maganda ang boses ng inyong kapibahay na si Stanley subalit alam mo din na wala siyang magagamit na kompyuter kung sakali man na siya ay sasali. Ano ang maitutulong mo kay Stanley?
A. Pahiramin siya ng selpon upang magamit nya sa online paligasahan.
C. Huwag na lamang ipaalam sa kanya ang tungkol sa paligsahan.
B. Samahan sya sa barangay upang doon na lamang siya umawit.
D. Makiusap kay kapitan na pahiramin si Stanley ng kaniyang magagamit para sa online paligsahan.
17. Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat mong ipamalas upang maipakita mo ang suporta sa mga batang may kapansanan na lumahok sa mga paligsahan sa pamayanan?
A. pagkamalikhain
C. pagkamagiliw
B. pang-unawa
D. paghanga
18. May inorganisang paligsahan sa inyong purok para sa gaganapin na year end party. Isa sa mga paligsahan ay ang pagsayaw ng tiktok mash up na nangangailangan ng apat na miyembro. Kulang pa kayo ng isang miyembro at alam mong mahusay sumayaw si Bea sa kabila ng kaniyang pagiging pilay. Ano ang iyong gagawin?
A. Hikayatin si Bea na sumali sa inyong grupo upang sumali sa paligsahan.
C. Takutin si Bea na kailangan niyang sumali sa inyong grupo.
B. Pagbantaan si Bea na kapag hindi siya sumali sa inyong grupo ay hindi nyo na siya papansinin.
D. Isumbong siya sa kaniyang nanay upang mapilitan siyang sumali sa inyong grupo.
19. Ipinakilala ng iyong guro ang bago ninyong kamag-aral na isang katutubo mula sa bayan ng Capas. Napansin mo na wala pa halos bumabati sa kaniya sa inyong group chat. Ano ang iyong gagawin?
A. Magpapadala ako ng personal message sa messenger para magpakilala.
C. Hintayin na siya ang unang magpadala ng mensahe sa iyo.
B. Huwag na rin siyang pansinin gaya nang ginagawa ng iba pa ninyong kaklase.
D. Bumuo ng group chat na hindi siya kasama upang hindi niya mabasa ang inyong usapan.
20. Napansin mo ang batang Mangyan na namamalimos sa gilid ng daan. Alin sa mga sumusunod ang iyong ibibigay?
A. pera
C. damit
B. pagkain
D. Bahay at lupa
21. Habang ikaw ay naglalaro sa harapan ng inyong bahay, Nakita mo ang batang aeta na pinapanood ka at aliw na aliw sa nilalaro mong kotse-kotsehan. Marami ka pa nito sa loob ng inyong bahay. Ano ang maari mong gawin?
A. Pumasok sa loob ng bahay upang hindi ka nya mapanood na naglalaro.
C. Ibibigay ang isang laruang kotse upang meron din siyang mapaglaruan.
B. Isumbong sa nanay upang siya ay mapaalis.
D. Sigawan at itaboy upang maipagpatuloy mo ang iyong paglalaro.
22. Narinig mo mula sa inyong kapitbahay na magkakaroon ng relief operation para sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao. Ano ang maari mong ibahagi sa mga kagaya mong bata sa mga nasalanta ng bagyo?
A. Luma ngunit maayos pang damit.
C. Mga nakatambak na basurang gamit sa likod bahay.
B. Sira- sirang laruan.
D. Mga punit- punit na libro sa itong kwarto.
23. Itinuro ng inyong guro sa inyong nakalipas na online class ang kahalagahan ng pagiging matulungin lalo na sa mga taong pangkat etniko sa inyong pamayanan. Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong malasakit sa mga pangkat etniko na ito?
A. Pandirihan kapag sila ay nakikita sa daan.
C. Magpamahagi ng mga damit, laruan, o pagkain sa kanila.
B. Sabihin sa mga kaibigan na hindi dapat sila nakikihalubilo sa mga gaya nila.
D. Huwag na lamang silang pansinin.
24. Namasyal ang inyong mag-anak sa Tarlac Recreational Park. May mga Nakita kang mga aeta na namamalimos kasama pa ang kanilang mga maliliit na anak. Paano mo maipapakita ang iyong malasakit sa kanila?
A. Bibigyan ko sila ng mga pagkain na baon namin.
C. Pagagalitan sila upang mapilitan silang umuwi na sa kanilang bayan.
B. Yayayain ko silang magtungo sa kapitolyo upang doon humingi ng tulong.
D. Kukuhanan ko sila ng larawan upang mai-post sa social media upang huwag silang tularan.
25. Nakita mo ang iyong kaklase na isang igorot at ito ay umiiyak sa tindi ng sakit ng ngipin ano ang iyong gagawin?
A. Tatawanan mo siya.
C. Sasamahan siya sa dentista ng paaralan para mabigyan ng pansamantalang lunas.
B. Sasabihin mo kay teacher na masakit ang ngipin ng kaklase ko.
D. Iiwanan mo siya.
26. Nakita mo na di makatayo ang kaibigan mong aeta dahil siya ay natapilok, ano ang iyong gagawin?
A. Tatawagin ang nanay niya.
C. Ikukuwento mo sa mga kaklase ko ang nangyare.
B. Tutulungan mo siyang makatayo at sasamahan sa klinika ng paaralan.
D. Sasabihin mo kay teacher.
27. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagpapakita ka ng pagmamalasakit sa mga batang may kapansanan sa iyong paaralan?
A. Nalulungkot.
C. Masaya.
B. Ipagyayabang.
D. Wala sa nabanggit.
28. May gaganaping online contest sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Isa sa mga patimpalak ay ang paggawa ng slogan upang maipakita ang wastong pagmamalasakit sa kapwa. Makikilahok ka ba?
A. Oo, upang maipakita ko ang aking kakayahan.
C. Oo, upang maipagyabang ko ang aking galing.
B. Oo, upang magkaroon ng karagdagang iskor sa aking grado.
D. Hindi, dahil nahihiya ako.
29. Nakita mong inaapi ng kamag-aral mo ang iyong kaklase, ano ang iyong gagawin?
A. Tatakbo pauwi sa inyo
C. Sasabihin sa inyong guro ang nangyari.
B. Magkukunwari na walang nakita.
D. Wala sa nabanggit.
30. Napagkasunduan sa inyong klase na makilahok sa pangangalaga ng kalikasan at upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Alin sa mga sumusunod na Gawain ang maaari mong gawin?
A. Paghihiwa-hiwalay ng mga basura sa nabubulok at di-nabubulok.
C. Paglilinis sa malalim na bahagi ng ilog.
B. Pagpuputol ng mga puno sa mga kabundukan.
D. Pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.
31. Mayroon kayong proyekto na kasama ang mga kamag-aral mong malapit sa inyong bahay. Napagkasunduan na gagawin ninyo ito sa bahay ng isa ninyong kaklase. Ano ang iyong gagawin?
A. Magdadahilan na nilalagnat upang hindi maobligang pumunta.
C. Papupuntahin si nanay upang siya na lamang ang makilahok sa gawain.
B. Makikilahok at susunod na lamang sa panuntunan sa pag-iingat.
D. Makikiusap na hindi ka pupunta ngunit isali ka pa din s grupo.
32. Sinabi sa group chat ng inyong guro na lahat ay dapat na makilahok sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Kayo ay inatasang magsabit ng watawat ng Pilipinas sa harapan ng inyong tahanan subalit wala kang watawat. Ano ang iyong gagawin?
A. Gagawa ng watawat gamit ang tamang kulay ng papel.
C. Hindi na lamang magsasabit ng watawat ng bansa dahil hindiu naman makikita ng guro.
B. Sabihin sa guro na wala kang watawat sa bahay.
D. Magkukunwaring hindi alam ang gagawin.
33. Alin sa mga sumusunod ang maaring maging hadlang upang hindi makalahok sa mga gawaing pampaaralan?
A. pagkamalikhain
C. pagkamahiyain
B. pagkamatiyaga
D.pagkagiliw sa paggawa
34. Magkakaroon ng paligsahan sa pagtakbo sa inyong paaralan, gustong sumali nng iyong kaklase ngunit wala siyang magamit na sapatos, ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko papansinin ang sinabi.
C. Ipagsabi sa mga kaklase namin na wala siyang sapatos.
B. Sasabihin sa guro na wala siyang sapatos.
D. Ipapahiram ko ang sapatos ko.
35. Inatasan ka ng iyong guro na pangunahan ang paglikha ng tula tungkol sa pangangalaga ng kalikasan. Bilang lider, ano ang nararapat mong gawin?
A. Hikayatin ang kagrupo na mag-ambag ng kanilang opinion upang makalikha ng tula.
C. Magpagawa ng tula sa kapatid upang hindi na mahirapang mag-isip.
B. Akuin na lamang mag-isa ang paggawa ng tula.
D. Magdadahilan na masakit ang ulo upang ipasa sa iba ang pagiging lider
{"name":"Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao 3 (Ikalawang Markahan) by Teacher Lyn T. Arienda", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Alamin ang iyong kaalaman at pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng aming quiz tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Kabilang dito ang mga sitwasyong nangangailangan ng tamang pag-uugali at pagtulong sa mga nangangailangan sa ating komunidad.Makatutulong ang quiz na ito sa mga sumusunod:- Pagsusuri ng iyong kaalaman sa pagpapakatao- Pagpapalawak ng iyong kakayahan sa pagtulong- Pagsasanay para sa mga sitwasyong may kinalaman sa pagtulong at malasakit sa kapwa","img":"https:/images/course1.png"}
More Quizzes
ESP 2 PAGSASANAY (TERM 3)
15884
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 (Ikalawang Markahan) by Teacher Mary Ann D. Artacho
2512169
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 IKAAPAT NA MARKAHAN by Teacher CARMELA M. SANTOS
50250
ESP 2 (Term 2): Paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagmamahal sa sarili -sy22-23
5245
2nd Quarter Test in AP II
1588
ESP 3 ARALIN 6 (Term 2)_sy22-23: Kaugalian ng Batang Pilipino
520
SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6 (Q3) by Teacher JULIETA A. MALLARI
502523
LAGUMANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4 IKA-APAT NA MARKAHAN by Teacher MARYLYN P. GUTIERREZ
40200
Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 5 (Ikalawang Markahan) by Teacher Carmela M. Santos
5025144
Araling Panlipunan 2 Dagiti Galad ti Mangidadaulo Quiz: Direksiyon: Pilien ti lletra ti umno a sungbat.
10519
Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 (3rd Quarter) by Teacher MARY ANN D. ARTACHO
251222
Quarter 2- Module 3 EsP
11638