Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 (Ikalawang Markahan) by Teacher Mary Ann D. Artacho

An illustrated classroom scene with children actively participating in a quiz, featuring colorful decorations and a teacher interacting with them.

PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Quiz

Test your knowledge and values with the PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 quiz! This engaging quiz encourages students to reflect on moral values, family interaction, and empathy.

  • Designed for Grade 1 students
  • Focuses on social skills and attitudes
  • Enhances understanding of personal values
25 Questions6 MinutesCreated by HelpingHeart123
1. Tinatanong ka ng nanay mo kung kumain ka na ng almusal. Ano ang isasagot mo sa kanya?
A. “ Opo, Inay kumain na po ako”
€ c. “kanina pa”
B. “ oo, tapos na
D. “ewan ko"
2. Binigyan ka ng regalo ng ate mo noong nagdaang pasko, ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. “ayoko niyan”
c. “ Ibigay mo na lang sa iba yan”
B. “Salamat ate”
D. “walang anuman"
3. Masarap ang inyong ulam, Paano mo ito sasabihin sa nanay mo na siyang naghanda ng pagkain?
A. Uubusin ang lahat ng ulam sa lamesa
c. Purihin ang nanay at sasabihing masarap ang kanyang inihanda
B. Hindi ito uubusin
D. Itatapon ang ulam
4. Pawis na pawis si tatay ng dumating galing trabaho, Paano mo ipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa kanya?
A. Pupunasan ang pawis niya at yayakapin
c. Maglalaro lang ako
B. Hindi mo siya papansinin
D. Ihahagis ko sa kanya ang pamunas niya
5. Mag isa lang ng nanay mo sa pag aasikaso sa inyong magkakapatid . Ano ang gagawin mo para makatulong sa nanay mo?
A. Aalgaan ko siya upang gumaan ang trabaho ni nanay
C. Iingitin ko pa siya lalo para lalo siyang mainggit
B. Iiwasan ko siya
D. Tutuksuhin ko siya
6. Umalis sang tatay mo upang maghanapbuhay sa malayong lugar. Nakita mong malungkot ang nanay mo,
A. Kakausapin ko siya upang siya ay malibang.
C. Hindi ko siya papansinin
B. Iiwasan ko siyang kausapin
D. Wala akong gagawin
7. Paano mo maipapakita ang malasakit sa inyong kabahay na masama ang pakiramdam?
A. Iiwasan ko ang paglikha ng ingay kapag siya ay nagpapahinga.
C. Makikipagtakbuhan sa iba pang kasapi ng pamilya
B. mag-iingay sa loob ng bahay
D. Lalakasan ang radyo o telebisyon
8. Hindi nabili ng iyong magulang ang nais mong laruan dahil kulang ang dala nilang pera. Ano ang tamang gawi ang dapat mong ipakita?
A. Magdadabog ako
C. Uunawain ko ang tatay at nanay ko
B. Iiyak ako ng malakas upang mapilitan silang bilhin ito
D. Maglulupasay ako sa harap nil
9. Nagluluto ang nanay ng biglang umiyak ang nakababata mong kapatid, Hindi ito agad mapuntahan ng iyong nanay dahil siya ay nagluluto, Paano mo maipapakita ang malasakit mo sa kanya?
A. Susundin ang anumang iuutos ng nanay
C. Hahayaan ko na siyang umiyak
B. Puntahan ang kapatid at alagaan muna
D. Sisigawan ko siya para tumigil sa kaiiyak
10. Bumisita ang iyong tiya sa inyong bahay mula sa probinsiya, ano ang dapat mong gawin?
A. Magmamano ka sa tiya mo
C. Hindi mo ito papansinin
B. Magtatago sa loob ng kuwarto
D. Hihingi ng pasalubong
11. Isang araw, dumating ang lola mo sa inyong bahay, Ano ang sasabihin mo?
A. “Magandang araw po, mano po lola”
C. “ Bakit ka nandito sa bahay namin?”
B. “Ano ang kailangan niyo?”
D. “Umuwi na kayo!”
12. Binili ka ng bagong tsinelas ng nanay mo kahit maayos pa naman ang iyong pinaglumaan, nakita mo na butas na ang suot na tsinelas ng iyong kapatid,
A. Iingitin ko siya dahil wala siyang bagong tsinelas
C. Ibibigay ko na lamang sa kanya ang isa ko pang tsinelas
B. Hindi ko siya papansinin
D. Wala akong gagawin
13. Nasira ang bahay ng lolo mo dahil sa bagyo at pansamantalang tumutuloy sa inyong bahay, dahil lahat ng gamit ay nabasa, anong gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin
C. Aayusin ko ang kanyang tutulugan
B. Paaalisin ko siya sa bahay namin
D. Wala akong gagawin
14. Naglagas ang buhok ng ate Bea mo, dahil sa kaniyang sakit at tuluyan na siyang nakalbo,
A. Makikipaglaro pa rin ako sa kanya at ipadama na walang nagbago sa kanyang itsura
C. Iiwasan ko siya kasi baka mahawa ako sa kanya.
B. Pagtatawanan ko siya dahil sa kalbo na siya
D. Wala akong gagawin
15. Nais mong kumuha ng piniritong isda pero ito ay malayo sa iyo, ano ang sasabihin mo?
A. “ Pahingi ako ng isda!”
C. “Hoy! Isda nga”
B. “ Pakiabot po ang isda”
D. “ Gusto ko niyang isda!”
16. Matanda na ang lolo ni Benedict kaya makulit na ito at paulit –ulit na lang ang sinasabi. Paano kaya siya dapat itrato ng pamilya?
A. Sigawan sa tuwing kakausapin
C. Huwag na lang papansinin
B. Huwag ng kakausapin
D. Magpakita pa rin ng pagkagiliw sa pakikipag-usap sa kanya
17. Hindi napigilang maihi ni lola Gloria sa kanyang salawal dahil siya ay matanda na, bilang apo, ano ang dapat mong ipakita sa kanya?
A. Magagalit at maiinis sa kanya
C. Sisigawwan mo siya
B. Isusumbong mo sa nanay mo para mapagalitan siya
D. Papalitan mo ang salawal at pupunasan ang basang naidulot nito
18. Ginamit ng kuya mo ang iyong pangkulay para sa kanyang takdang-aralin, Wala ka ng oras na iyon kaya hindi siya nakapag- paalam.
A. Iiyak ako sa harap niya
C. Malugod ko itong ipapahiram sa kanya
B. Sasabihan ko siya ng “pakialamero ka”
D. Aawayin ko ang kuya ko
19. Naubusan ka ng krayola at hindi mo matapos ang iyong proyekto, Ano ang sasabihin mo sa kuya mo?
A. “ Hoy! Wala na akong krayola”
C. “ Dalhin mo dito ang krayola mo at gagamitin ko!”
B. “ Kuya, pwede ko bang hiramin ang krayola mo?
D. “ akin na nga iyan!”
20. Nakita mo na inaaway ng mga bata ang kaklase mo, Ano ang gagawin mo?
A. Aawayin mo rin sila
C. Tutulungan ko ang aking kaklase
B. Magsusumbong sa guro
D. Babawi ako pagdating ng uwian
21. Pinunit ng kapatid mong bunso ang aklat mo, ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong kay nanay
C. Sasaktan siya
B. Sasabihan na huwag nang uulitin ang kanyang ginawa
D. Sasabihan mo na pangit siya
22. Sinabi ng iyong katabi sa paaralan na masakit ang kanyang tiyan. Maya-maya ay nakaamoy kayo ng di kanais-nais sa loob ng silid-aralan, Nadumi na pala ang iyong katabi.
A. Sasabihin sa guro upang siya ay matulungan
C. Tutuksuhin ko ang aking kamag-aral
B. Pagtatawanan ko siya
D. Pagagalitan ko siya.
23. Nag-uusap sa may pintuan ang iyong guro at punongguro tungkol sa nalalapit na aktibidad sa inyong paaralan, Gusto mong pumasok sa loob ng inyong silid-aralan, Ano ang sasabihin mo?
A. “Paraan nga!”
C. “ Makikiraan po”
B. “ tumabi kayo, dadan ako!”
D. “ Umalis kayo diyan”
24. Nakita mo na umiiyak ang isa mong kaklase dahil wala siyang baong pagkain, Ano ang gagawin mo?
A. Tutuksuhin mo siya
C. Magkukunwari ka na hindi mo siya nakita
B. Bibigyan mo siya ng baon mo
D. Iingitin mo siya
25. Sinabi ng iyong katabi sa paaralan na wala siyang dalang lapis kaya di niya matapos ang gawaing ibinigay ng inyong guro, ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong ko siya sa aming guro para mapagalitan siya
C. Hindi ko siya papansinin
B. Pahihiramin ko siya upang matapos na ang kanyang Gawain
D. Wala akong gagawin
{"name":"Project PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 (Ikalawang Markahan) by Teacher Mary Ann D. Artacho", "url":"https://www.quiz-maker.com/QPREVIEW","txt":"Test your knowledge and values with the PAGE-Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 1 quiz! This engaging quiz encourages students to reflect on moral values, family interaction, and empathy.Designed for Grade 1 studentsFocuses on social skills and attitudesEnhances understanding of personal values","img":"https:/images/course1.png"}
Powered by: Quiz Maker